Chapter 42

45 2 0
                                    



"Ayan na pala sila Andrew eh." Rinig kong pag aanunsyo ni Tonio sa barkada. Napatingin sila samin ni Vergara habang naglalakad kami papalapit sa kanila.  Kitang kita ko rin kung paano bumaba ang mga tingin nila mula sa mukha namin patungo sa kamay naming magkahawak.  

They are all grinning while looking at us maliciously. 

"Iba din! Kaya pala biglang nawala . .  . Nag solo!" Nagtawanan silang lahat dahil sa pang aasar ni Tonio. Napatingin ako kay Andrew na busy sa pakikipagtawanan sa kanila. Nang makalapit kami sa kanila ay binitawan ni Vergara ang kamay ko tsaka sya umakbay sakin. Mas lalong lumapad ang mga ngiti nila dahil dito.

"Guys. . . Girlfriend ko nga pala, Si Andrea."  He said while smiling.  Napangiti rin ako dahil sa sinabi nya. Agad naman na lumapit sakin si Diane at pinulupot ang braso nya sa braso ko. Ganon din si Jessica kaya umalis si Vergara sa tabi ko at nakipag appear kay Tonio at Daniel. 


"I'm so happy for you, Beshy!" Kilig na kilig na sabi ni Dianne. 

"Birthday gift ba?" Natatawang tanong naman ni Jessica. I smiled shyly, and give them a small nod. 

"Happy na birthday pa! Congrats sa inyo." Sabi ni Tonio.

"Kailangan mo ng mahabang pasensya dito, Andy." Pang aasar ni Daniel. Naka akbay sya kay Vergara pero tinanggal ito ni Vergara tsaka lumapit sakin. Tumawa silang lahat dahil dito. 

"Feeling ko mas kailangan ko ng mahabang pasensya dito sa masungit na gagamba na to e." 

"Ang kapal mo ah!" Singhal ko. Nagpatuloy si Andrew sa pang aasar sakin kaya umabot na kami sa habulan at basaan ng tubig. We are running around them and they can't stop laughing at us until Tonio said . . "Nako po. Gulo to!" Napatigil si Vergara sa pagtakbo at humarap kay Tonio. 

"Ah, gulo pala ah!" Just like that, napuno ng icing ng cake ang mukha ni Tonio. Agad namang  gumanti si Tonio kay Andrew at nadamay na rin si Daniel . . . actually kaming lahat. 

 These people never cease to amaze me. 


--- 

"Andrea, matagal ka pa ba?" Sigaw ni Andrew. Nasa condo kami ngayon, sinundo nya ko dahil pupunta kami sa Tarlac para bumisita sa parents ko. He insisted na gusto nyang sumama kaya pumayag na ako at para na rin mapakilala ko sya kay Mommy at Daddy. 

Naliligo ako ngayon at si Andrew naman ay nasa sala habang naghihintay. 

"Saglit na lang! Ang aga mo kasi masyado e!" Sigaw ko pabalik. Hindi naman sya sumagot pa kaya nagpatuloy na ko sa pagligo ko. 

"Saan yon?" Pagkalabas ko ng banyo hindi ko nakita si Andrew sa may living room. Uminom muna ako ng tubig tsaka dumiretso na ko sa kwarto. 

I saw him sitting on my bed while reading . . . fuck! My diary! 

"Andrew!!" I hurriedly run to him and grab my small notebook which I made as my sort of diary.  I hid it behind me while nervously looking at him.

 Anong nabasa nya? Sa tagal ko ng hindi ginagalaw tong notebook na to hindi ko na alam kung ano ba ang mga nasulat ko dito. 

Tahimik lang syang nakatingin sakin ng seryoso na para bang hindi makapaniwala sa kung anong nabasa sya. 

"W-wait outside. . . M-magbibihis ako." I tried by best to walk normal going to my dresser and place my notebook on top of it. 

My heart skip a beat when I felt Andrew's arms around me. He is now hugging me from the back. Kelan pa sya tumayo sa pagkakaupo sa kama ko. . Hindi ko na napansin dahil sa sobrang kaba ko. 

If by ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon