Chapter 32

291 19 8
                                    


Balik school na naman. Marami na namang distraction na nakapaligid kay Vergara. I can't say anything about it dahil sa 'secret relationship' naming dalawa. Hindi pa sya totally pumapayag sa sinabi ko sa kanya pero hindi naman sya gumawa ng magpapahalata na girlfriend na nya ko. 

Sa paglalakad ko sa hallway, may narinig akong usapan ng dalawang babae na tungkol kay Vergara. Puro kalandian kaya nainis ako binilisan na lang ang lakad. 


"Aray. Shit." Humawak ako sa ilong ko dahil may nabunggo akong kung ano o kung sino dahil sa bilis ng lakad ko. 

"Ang lalim kasi masyado nang iniisip mo eh. Ayan tuloy." Nabigla ako nang haplusin nya ang ilong ko. Nag angat ako nang tingin dahil matangkad sya masyado sakin. Si Luke pala.

"Sorry ah, kung masyadong matigas ang dibdib ko. Medyo namula tuloy ang ilong mo pero cute ka pa rin naman eh." Hinawi ko ang kamay nya. Ang kapal talaga ng mukha nito kahit kailan. Ngumisi lang sya sakin at akmang magsasalita pero biglang may humila sakin palayo sa kanya. Si Andrew.

"Touch her again and I'll kill you." He glared at him.

"Easy bro." Sabi ni Luke habang nakataas ang dalawang kamay. Hindi mawala ang ngisi nya kaya medyo naiirita na rin ako sa kanya. Tumingin ako kay Vergara, naka beastmode sya na akala mo eh papatay dahil sa mga tingin nya. Napapatingin samin yung ilang estudyante na napapadaan dito sa hallway at ramdam kong nakatingin sila sa kamay namin ni Andrew na magkahawak.

Hindi na nagsalita ulit si Andrew. Sadya nyang binunggo ang balikat ni Luke nang dumaan kami sa kanya. Pagkalagpas namin ay bumitaw si Andrew sa kamay ko. Naglakad sya mag isa na para bang wala syang kasamang iba.

Anong problema non? Don't tell me pati sakin galit sya? tsk.

Lumiko si Andrew sa hallway papunta sa building nila nang hindi manlang ako nililingon! Grabe! Nakakabwisit talaga ang isang yon! Kainis! Kung hindi lang kita mahal, nako! 


Hindi ako mapakali after kong tingnan ang phone ko na wala kahit ako mula kay Vergara. Ni hindi man lang ako tinext ng lalaking yon? Grabe! 

"Uy, girl. Bakit parang kanina pa kunot yang noo mo?" Siniko ako ni Fiona. Classmate namin. Sya kasi ang katabi ko ngayon sa last subject namin dahil may seating arrangement kami. 

Humawak ako sa noo ko. "Huh? Nakakunot ba?" Actually hindi ko napansin na kunot noo na pala talaga ko.  Ngumit na lang ako sa kanya para palabasin na nagbibiro ako sa tanong ko. 

"Wala, medyo sumakit kasi. Pero ok lang naman ako." She just smiled back. After that tahimik kaming lahat dahil may surprise long quiz kami. Unti unting nauubos ang mga classmate ko dahil mabilis silang nagpasa ng papel kaya pwede na silang umuwi. 

Shit! Mag concentrate ka nga Andrea! I want to go home! Pinilit kong tanggalin sa isip ko so Andrew at ag hindi nya pagpaparamdam sakin at pagsusungit nya kanina para matapos ko na itong essay ko at makauwi na. Nag signal naman si Jess at Dianne na sa labas na lang nila ako hihintayin. 

After some time, natapos ko na rin ang mala nobela kong essay at pinasa sa prof namin. Paglabas ko ng room hindi ko nakita sila Jessica pero nandoon si Andrew. Hindi nya pa akong nakikitang lumabas kasi nakatalikod sya sakin. I didn't bother to call him at dire-diretso akong umalis ng room namin.  

"Andrea, wait!" Medyo nakalayo na ako sa kanya. Hindi ako tumigil sa paglakad pero naabutan pa rin nya ako. He ran. He  grabbed my hand to stop me from walking. 

"Ano?!" Sobrang naiirita ko sa pagmumuka nya! 

"We'll go public. Ayoko maging sikreto 'tong relasyon na to." Seryoso ang mukha nya. Hindi nya pinansin yung iritable kong mukha at boses pagkaharap ko sa kanya. 

"After mo kong basta iwan kanina, ganyan ang sasabihin mo sakin?" I'm trying not to shout dahil nasa school vicinity pa kami.  

"Fine! Sekreto na kung sekreto. Yan ang gusto mo? Sige, gawin natin ang gusto mo. Pero never akong magco-compromise sa nararamdaman ko sayo. Never kong pipigilan ang galit ko sa mga katulad ni Luke kahit na hindi nila alam na tayo. Never akong magse-settle sa patingin tingin lang, patext text lang o aarte na magkaibigan lang tayong dalawa tulad ng dati." 

"Duh? Edi parang hindi na rin secret yon!" I acted cool about what he said, pero sa totoo lang gusto kong ngumiti at tumili dahil sa mga sinabi nya. I don't know but I find it sweet. 

"Exactly. I can't do secret relationship with you." He said. 

"We'll go public in time. Maghintay ka nga! Basta, secret muna. Wag ka na ngang makulit dyan." Naglakad na ko para hindi kami ma stock sa drive way na yon in case na makipagtalo pa ulit sakin si Vergara. Hindi na sya nagsalita ulit hanggang makarating kami sa parking lot. 

Kinuha ko ang phone ko para i-check kung sino yung nagtext kanina nung magkausap kami ni Andrew. Si Dianne pala. Pupunta pala sila sa bahay nila Jed. Sinabi nya rin na pinauna na sila ni Andrew at sya na lang daw ang maghihintay sakin. 

"Get in." Nasa loob na pala si Andrew ng kotse nya. Sumakay na rin ako. Nabigla ako nang bigla syang lumapit sakin para ilagay ang seatbelt ko. Napatigil ako saglit sa paghinga dahil sa sobrang lapit nya sakin. After nyang ikabit ang seatbelt hindi sya agad umalis sa harap ko. He stared at me intently like he was trying to pass some secret message from his eyes. 

 "I can't even look at you without wanting to kiss you. You're asking for too much, baby." Then he kissed me. A short yet sweet kiss. 

If by ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon