Chapter 30

334 20 18
                                    

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Iritableng tanong ko kay Vergara. Kinidnap nya kasi ako after ng last subject namin, walang sabi sabi bigla na lang akong hinatak papunta sa parking lot at pinasakay ng kotse nya. Hindi naman ako makapalag along the way kasi nasa hallway kami at lahat ng mata eh nakatingin samin.

"Sa puso ko." Nakangising sagot nya. Lumingon sya sakin para kumindat at mang asar.

"Ang corny mo. Tinatanong ka ng maayos eh. Saan nga?!" Hinampas ko ang braso nya dahil sa inis. Nakakapikon talaga tong kutong lupa na to.

"Grabe ka! Ang hilig mo talagang saktan ako!" Hindi sya tumingin sakin at focus lang sya sa pagmamaneho. Humawak sya sa puso nya and clutched on it. Napataas ako ng kilay dahil sa sinabi nya. Shit, Vergara. Ikaw kaya ang mahilig manakit.

"Hoy! Maka grabe ka akala mo naman lagi kitang sinasaktan. Tsaka hindi naman kaya masakit yung hampas ko sayo, oa ka lang talaga mag react dyan. Tska pffft-" Napatigil ako sa pag ra-rant sa kanya kasi bigla nyang tinakpan ang bibig ko. Medyo ang pangit ng feeling kasi ramdam kong dumikit yung labi ko sa palad nya.

"Wag ka munang maingay, please. Nag iisip ako." Marahas kong tinanggal ang kamay nya sa bibig ko kaya tumama ito sa kambyo ng sasakyan nya.

"Shit." Mahinang sabi nya. He fanned his hand causing some guilt in me. Mukang nasaktan talaga sya this time.

"Sorry. Ikaw kasi." I said. Tiningnan ko yung kamay, wala namang something kaya medyo nawala yung guilt ko. Hindi na sya nagsalita ulit kaya tumahimik na muna ako. Tumingin na lang ako sa labas habang busy sya sa pag di-drive. Dahil sa tagal ng byahe, nagsawa akong tumingin sa labas kaya pumikit muna ako. After awhile, nakaramdam ako ng antok. Nakakainis. Gusto kong magtanong ulit sa kanya kung saan ba kami pupunta pero there's something in me na mas pinipiling manahimik na lang.

"What the?" I said as I open my eyes. Gabi na at hindi ko alam kung nasaan ako. Umayos ako ng upo at aligagang tumingin sa paligid. Wala akong nakikitang ibang tao, para akong nasa cliff o over looking na lugar. Ang ganda ng mga ilaw pero hindi ko makuhang ma-amaze ng husto dahil mag isa lang ako. Wala sa kotse si Andrew.

Lumabas ako ng kotse para hanapin sya but just on cue he's now in front of me. Looking at me intently with his long face. I stared at him just like how he pinned his gaze at me but he breaks the connection in our eyes and turns his back. Tahimik syang naupo sya sa hood ng kotse nya habang nakatingin sa mga ilaw.

In the very odd moment, I felt my heart racing. I am just staring at him without thinking anything but my heart becomes like this. This crazy.

Para akong nakuryente ng biglang mag vibrate ang phone ko na nakalagay sa bulsa ng pants ko. Kinuha ko ang phone ko and I got a message from him. Napatingin ako ulit sa kanya at nakita kong nakayuko sya, siguro nakatingin sya sa phone nya.

I'm sorry.

Napakunot ang noo ko dahil sa text nya. I didn't bother to reply, instead lumapit ako sa kanya at tumayo sa harapan nya. He shifted his gaze from his phone to me. Medyo nakatingala sya sakin dahil nakaupo sya.

"Sorry for what?" I asked. Iniwas nya ang tingin nya sakin tsaka sinuklay pataas ang buhok nya gamit ang kanyang kamay.

"Andrew." I said to get his attention. Naghihintay ako sa sagot nya pero tumingin lang sya sakin. Medyo napaatras ako dahil tumayo sya and suddenly hugs me. Parang biglang tumigil ang mundo ko dahil sa ginawa nya. I didn't see it coming. Everything about him is unpredictable. Mas lalong nagwala ang puso at sistema ko dahil sa yakap nya.

If by ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon