Chapter 35

247 17 4
                                    


Starting to like me again? 


"Seryoso ko." Nakakakilabot na sabi nya. Literal, kinilabutan ako sa sinabi nya pati na rin sa tingin nya. 


"Seryoso ka talaga, Pao? Wag ka nga!" Pabiro ko syang hinampas pero hindi sya nakita tawa sakin. 


"Seryoso nga kasi ko. Hindi ka naman kasi mahirap magustuhan, Andrea. Hindi ko lang sinabi sayo agad kasi baka isipin mong gagawin kitang rebound. Siguro na develop ulit ako sayo noong mga panahon na tinutulak pa kita kay Andrew; yung pinipilit kong mahal ka rin sya. Kaso mali pala ako – " 


"Sino naman nagsabi sayong mali ka?" Napalingon kami pareho ni Paolo sa biglang nagsalita. Si Andrew. Nakapamulsa syang nakatingin saming dalawa . Kay Paolo lang nakatuon ang mata nya. Naglakad sya papalapit samin kaya medyo kinabahan ako. Hindi ko alam kung bakit pero ang odd sa feelings.   

"Mahal ko si Andrea."  

Tengene. Pwedeng tumili? 

Nasa tapat ni Paolo si Andrew. Seryoso silang dalawa pero biglang ngumisi si Paolo.  I pursed my lips to suppressed my emotions. Halo halo kasi talaga yung nararamdaman ko ngayon.

"Mahal? Kung mahal mo bakit mo sinasaktan? Bakit sya nasasaktan dahil sayo?" 

Shet! Talagang mag uusap sila ng ganito sa harap ko?


 "If it doesn't break your heart,it isn't love." Tumingin sakin si Andrew. Nagulat ako ng bigla nya akong hawakan sa kamay at hilahin papalapit sa kanya. 


Kumunot ang noo ni Paolo, hindi ko alam kung dahil sa naging sagot ni Andrew o dahil sa paghila nya sakin.


"Pain is not the basis of love. Mahal mo nga pero paulit ulit mo lang din naman sinasaktan. Anong silbi ng pagmamahal na yan kung mas lamang yung sakit kesa sa saya?"


Napatanga ako kay Paolo dahil sa sinabi nya. Ano 'to? Magde-debate sila tungkol sa love? 


"Masasaktan ba sya kung hindi nya rin ako mahal? Dude, kung ako sayo. Ngayon pa lang magsimula ka nang mag move on." WTF. ANDREW! Hinatak ko ang kamay ko sa kanya pero hindi nya ito binitawan. 

"Ano ba, Andrew. Please stop. Okay?" Mahinahon kong pakiusap sa kanya. Ayoko naman na basta basta na lang saktan si Paolo dahil sa pag amin nya ng feelings nya sakin. Kaibigan ko sya, hindi basta basta lang. 

Magsasalita sana si Paolo but Andrew cuts him off.  

"Sorry dude. Bad day. Wala ako sa kondisyon makipagtalo at pag usapan ang nararamdaman mo para sa kanya.  Andrea is mine. So. Back. Off." After nyang sabihin yon, agad nya akong hinila paalis sa harap ni Paolo. I tried to look back at him pero mabilis maglakad si Andrew kaya hindi ko sya malingon ng maayos.  


"Andrew ano ba? Bakit mo naman ginawa yon? You're rude alam mo ba yon?" I am trying not to raise my voice kasi feeling ko sobrang bad trip sya ngayon. 

Nasa tapat na kami ng kotse nya.  

Hinilamos nya ang kaliwang kamay palad nya sa mukya nya. He let go my hand then face me. 

"Seriously Andrea? I'm rude?" He really looks angry. Ano bang ginawa ko sa kanya? Kanina pa sya ah! 


If by ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon