Chapter 27

301 19 7
                                    




"It's not what you think." He assured me. Binasag agad nya yung nabubuo ko pa lang na ideya na baka dumating na sya sa stage na nagustuhan na nya ko. I rolled my eyes at him at hinampas yung bouquet na binibigay nya sakin. Nakakabanas talaga tong lalaking to.

"Bakit ano ba sa tingin mong iniisip ko?" Taas kilay kong tanong.

"Hmm... Courting you?" Mas lalong lumaki ang ngisi nya. I make face at him.

"What? Bakit parang nabadtrip ka?" Natatawang tanong nya. Umalis ako sa harap nya at naglakad papunta sa kung saan ako dalin ng mga paa ko. I can't believe my brains! Bakit ba sya nag iisip ng mga imposibleng bagay. Tsk. Binilisan ko ang paglalakad ko kaya pilit na humahabol sakin si Andrew habang tinatawag ako.

"Uy, wait! Andrewyah. Come on, kunin mo na to. Huy!" He grabbed my arm to stop me from walking. Hinarap nya ko sa kanya at agad ko syang inirapan.

"Bakit ka ba ganyan? Ang sungit mo na naman." Seryosong tanong nya. Kanina tatawa tawa pa sya.

"Ang tagal mo kasi!" Pagsusungit ko.

"I asked for an hour, dumating ako dito 15 minutes earlier. Anong matagal don?Nakabili pa nga ko nito oh. " Pagmamalaki nya sa bulaklak na hawak nya. Hindi ko sya pinansin. Tumingin ako sa ibang direksyon kahit na hawak pa rin nya ko sa braso. Halata sa boses nya na medyo naiinis na sya sa inaasal ko. Nababadtrip na naman kasi ako na wala sa lugar.

He sighed. Deep.

"Ok. Fine. Matagal na ko – sorry na. Sorry kung natagalan ako. Sorry ngayon lang." Tumingin ako sa kanya dahil sa kakaibang tono ng boses nya. Nilapit nya sakin ang bulaklak na hawak nya. Hindi ko pa rin ito kinukuha. From the flowers, I look up to his eyes and met his gaze.


Napahawak ako sa pendant ng kwintas ko. Nakita kong napatingin si Andrew doon kaya binitiwan ko rin agad. Ngayon ko lang narealize na nagiging mannerism ko na ang paghawak sa pendent na yon.

"Bakit ba may ganyan pa?" Lakas loob kong tanong sa kanya. Binaba nya ang braso nya dahil sa hindi ko pa rin pagkuha ng bulaklak nya. Sorry na. Sorry para sa puso kong nagkakakabog sa saya. – hindi sa nagpapakipot ako o ano, hindi ko lang talaga sya maintindihan.

Hindi sya sumagot agad. Mas lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa matagal nyang pagsagot.

"Ayaw mo ba? Ibibigay ko na lang sa iba." Natigilan ako sa tanong nya. Seryoso ba syang ibibigay nya yon sa iba? Nagulat ako ng bigla syang umalis sa harap ko at naglakad papalayo. Sisigaw na sana ako para tawagin sya pero may nilapitan syang babae na may iniinom na tea sa couch malapit sa inuupuan ko kanina. Tumaas ang kilay ko noong ngumiti sya dun sa babae at binigay yung bulaklak. Kitang kita na kinilig yung babae sa ginawa ni Andrew. Nagstay pa sya doon ng ilang saglit at nakipag tawanan pa don sa babae. Nalaglag ang panga ko dahil sa ginawa ni Vergara! Napapikit ako dahil sa inis sa nakikita ko. As I open my eyes, naglalakad na sya pabalik at todo ngiti pa! Shet! Kumukulo ang dugo ko!

"Let's go?" Ngiting asong pag aya nya!

"Manuod ka mag isa mo!" Sigaw ko sa kanya. Medyo napalakas kaya tumingin yung ibang tao sa paligid including that girl! Bwisit! Oo na! Kasalanan ko naman kung bakit nya binigay sa iba yon dahil sa pag iinarte ko pero nakakainis pa rin! Nakakainis!

"Ano na naman?" Inis na tanong ni Vergara. Tumingala sya habang nakahawak sa batok nya.

"Lahat na lang ng gawin ko mali. Lahat na lang naiinis ka! Ano bang ginawa kong tama para sayo ha?" Shet! Mas kumuha sya ng atensyon dahil sa mga sinasabi nya. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. Ginulo nya ang ayos na ayos nyang buhok dahil sa inis.

If by ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon