Chapter 38

207 17 4
                                    

ANDREA

I think you feel more than I do and I don't want to hurt you.


His line keeps playing on my mind.  Halos yan lagi ang sinasabi nya kapag nakikipaghiwalay sya sa girlfriend nya. He sound concerned, right? He seemed the most kind jerk out there but truth is he was already tired of you.

Ayaw na nya. Sawa na sya. At kahit ano pang pagmamakaawa mo sa kanya, hindi na magbabago ang isip nya. He's not the right guy for serious relationship. He never commits but he can make you believe that he can make you the happiest girl on earth. He really can make you happy for real, but just for temporary.

I know because I witnessed every relationship he ended. I was there, and I was a conniver. I helped him to ruin those feelings; to break their hearts. It felt horrible. Hindi ko kayang malagay sa sitwasyon na yon. I guarded myself hard. Hindi ko hinahayaan na malaman nya kung gaano ko sya kamahal at katumbas noon ay hindi pagpapaalam sa kanya kung gaano nya ko kayang saktan. I built a wall between our hearts. Hindi ko hinayaan na mahawakan nya ng buong buo ang puso ko.

Dahil sa past nya, dahil sa mga alam ko tungkol sa kanya, at sa mga nagawa nya... Hindi ko mapigilang mag isip ng mga bagay na posible nyang gawin. I was stock on his past. Kinakain ako ng takot na baka dumating sa punto na maging isa rin ako sa mga babae na sobra nyang nasaktan.

I feel more than he do and I don't want to get hurt. I'm afraid to get hurt. I'm aware how much I love him... and it's totally crazy. 

Dahil sa takot na yon, nadi-disregard ko na yung good side ni Andrew. I am being unfair. Hindi nya alam na sobra akong nagdududa sa kanya samantalang wala naman talaga syang ginawa. Sobrang unhealty ng relasyon namin para sakin, para sa amin. Ayokong magpatuloy kami ng ganito. I need to fix myself first.

Mas pinili kong wag ipaalam sa iba kasi I don't want other people to see me as one of his girls. Ego? or defense mechanism? I'm not really sure.



***

"Pao..."

"Hmm?" Tumingin sya sakin. Halata sa mga tingin nya na nag aalala sya. 


"I b-broke up with him." Halos pabulong kong sambit. Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Pinatong ko ang baba ko sa tuhod ko. I embrace myself. 

"Broke up? Naging kayo na?" He sounds confused. Well who wouldn't be?

I slowly nod.

"Hindi nyo pinaalam? Ayaw nyang ipaalam sa iba???" Medyo tumaas ang boses nya.

"No. Ako yung may ayaw." Binaba ko ang binti ko. I slouch on my couch and close my eyes hard.

"Why??" He asked. I shrugged. I don't want to explain. I don't want to get into details. If ever I will, gusto ko si Andrew ang kausap ko.

"Ewan. Basta. Hindi ko alam kung paano ipaliwanag. Ako ang problema, Pao." Naiiyak na naman ako. Nararamdaman ko yung pagpiga sa puso ko.

Ano ba Andrea? Ito ba talaga ang tama?

Bakit ang sakit?

Bakit ang hirap?


I wiped my eyes bago pa tumulo ulit ang luha. Dumilat ako at tsaka tumayo para kumuha ng tubig.

"Tubig?" Wala sa loob kong pagtatanong kay Paolo. Umiling sya kaya ako na lang ang uminom. Nakita kong bumuntong hininga sya. Tumayo sya tapos pinulot nya yung mga unan at nilagay sa couch.


"Wag na. Ako na mag aayos nyan." Puna ko sa kanya. Nilalagay nya kasi sa plastic lahat ng lata na wala ng laman. Lumapit ako sa kanya pero pinaupo nya lang ako sa couch at sinabi na sya na daw. Magpahinga na lang ako. Hinayaan ko sya sa gusto nya. Pinanuod ko syang maglinis ng kalat ko.





Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising ako sa paulit ulit na pagtunog ng door bell ng condo. Tumayo ako, nakita ko si Paolo na nakasilip sa may pinto pero hindi nya pa ito binubuksan.


"Sino yan?" Tanong ko. Lumingon si Paolo sakin.


"Andrea!! Please! Mag usap tayo!"


Si Andrew. Shit!

If by ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon