Chapter 8

834 23 13
                                    


Isang buong araw kong hindi nakita si Andrew. Si Daniel naman at Tonio ay nakita ko maging ang ibang kaklase nila.   Hindi kaya sya pumasok? 

"Andy,  ano ba kasi talagang nangyari sa mata mo,  umiyak ka ba?  Bakit ka umiyak?  Si Andrew na naman ba?"Dirediretsong tanong ni Dianne. Nasa may coffee shop kaming tatlo.  Himala nga at hindi magkasama si Daniel at Jessica. 

"Nakagat ako ng ipis."

"Patay na patay siguro sayo yung ipis kaya dalawang mata mo yung hinalikan" Tumawa si Dianne sa sinabi ni Jessica,  maging ako ay natawa rin. Hindi ko pa feel magkwento sa kahit na sino tungkol sa nangyari kaninang madaling araw o baka hindi ko na lang sasabihin sa kanila.  Best friends have secrets too,  you know.

"Nga pala,  nagyayaya si Anton sa bahay nila,  dinner daw bukas" Tumingin kami pareho ni Jessica kay Dianne dahil sa sinabi nya.  Kumagat sya sa Pesto at naging busy sa pag nguya. 

"Sinong Anton?" Tanong ni Jess saka uminom ng frappe nya. 

"Hahahaha.  Si Tonio,  Antonio.  Anton" Tila joke ang sinabi ni Dianne dahil sa tawa nya. Anong mali? 

"Oh,  I see. Something fishy,  Dianne" Ngumisi ako sa kanya bago uminom.  Agad naman namula ang pisngi nya dahil sa komento ko.  Wala pa syang nakwekwento sakin tungkol kay Tonio,  wala din naman akong napapansin na kakaiba sa kanila,  o baka naman masyado akong naging busy sa paghahanap ko ng paraan para mabura ang kung anong meron ako kay Vergara. 

"Biglaan naman yata. Alam ba ni Jed ang tungkol dito?  Hindi naman kasi nya nababanggit sakin" sabi ni Jessica. 

"Hindi naman biglaan.  Bukas pa lang matutuloy.  Matagal na nyang sinasabi sakin na gusto nya daw tayong yayain sa bahay nila.  Jamming,  food trip,  mga ganon.  Nabobore na daw kasi sya doon sa bahay nila.  Lagi syang walang kasama pagkauwi nya galing school.  Pang gabi kasi pareho ang parents nya,  tapos yung kuya naman daw nya eh mukang nag asawa na." Nagkatinginan kami ni Jessica.  Alam na.  

"May mga ganyan pala kayong usapan ni Tonio.  You were that close,  huh. " Tila nanghuhuli o nang aasar na sabi ni Jessica. 

"Wala ka bang iku-kwento, Dianne? " Taas kilay kong tanong sa kanya.  Nasamid sya sa magkasunod naming sinabi ni Jessica. Okay.  Confirmed.  They have something. 

"H-huh?  ah, eh.... " Namumula sya!  Hahahaha.  Seriously?  Si Dianne may or magkakaboyfriend na? Ang cute lang isipin.  Akala ko sa aming tatlo sya ang huling maiinlove. I mean, magkakaboyfriend.  Hindi naman sa sinasabi kong inlove na ako.  Ang sinasabi ko lang.... Wait,  I am being too defensive. 

"Chill ka lang Dianne,  hahaha we're just asking" Natatawang sabi ko sa kanya.  Mukha kasing kinakabahan sya eh. Ang alam ko first time to ni Dianne,  may nagiging crush sya pero hanggang doon lang. 

"Naman kasi.  Pwede pass muna?  Wala pa naman eh. " Nahihiyang tugon niya.  Pareho kaming tumango ni Jess sa kanya.  Pagkaubos namin ng pagkain at inumin ay nagkayayaan na ding umuwi. Tumingin ako sa phone ko pagkasakay ko ng taxi papunta sa condo.  May message.  Binuksan ko iyon para basahin pero galing sa unregistered number.

I'm sorry last night. Pumasok lang ako sa unit mo to make sure na ok ka na.  I'm really sorry. 

Kahit na walang pangalan sa text nya ay sigurado akong si Nico ito.  I don't know,  pero parang hindi ko magawang magtiwala sa sinasabi nya. I chose not to reply to his text.  I'm kinda disappointed sa pagbukas ko ng message because I was expecting for someone.  Yes,  I admit.  I am still expecting and I thought it's him. 

Pinalampas ko na lang ang araw na ito,  I need to rest.  Konti pa lang ang tulog ko dahil late na akong nakauwi.

--

If by ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon