Chapter 4

652 19 3
                                    


"You're right" I mimic him before taking another sip on my drink. Nasa condo na ko ngayon, hinayaan ko na lang yung dalawa sa sweet reconciliation na magaganap sa pagitan nilang dalawa. Pch. Arte arte eh bibigay din naman pala sya. Bahala na sya sa buhay nya!

"Ugh! I hate you Vergara!!" Ginulo ko ang buhok ko dahil sa kainisan. Hindi naman nila ko pinaalis kanina pero sana man lang pinigilan ako ni Andrew sa pag alis ako, tutal ang alam naman ng Angel nya eh boyfriend ko sya! For Pete's sake! Nagmuka akong tanga! Naaawa ako sa sarili ko, kawawang girlfriend naman ako! Tumayo ako at naglakad papunta sa may kusina para ilagay ang baso na pinag inuman ko.  Itutulog ko na lang to, ayoko na. Suko na ko.

Tama na Andrea, ano bang inaasahan mo... Paulit ulit kong bulong sa sarili ko hanggang sa makatulog na ko.

----

"Sino ba yon? Tsk" Nagising ako sa sunod-sunod na doorbell sa unit ko. Pucha! ang aga-aga naman mangbulabog nito! Badtrip! Nagtakip ako ng tenga gamit ang unan ko pero baliwala lang ito. Naririndi na ang tenga ko sa paulit ulit na pagtunog ng bell. Dismayado akong bumangon ng kama at padabog na naglakad papunta sa pinto. Hindi na ko nag aksaya pa ng oras para silipin kung sinong sira ulong nang istorbo sa tulog ko.

"Ano ba?!" Bulyaw ko pagbukas ko pa lang pinto. Wala na kong pakialam kung sino tong sinigawan ko! Walangya naman kasi eh, puyat ako!! Tapos ang aga ko pa nagising dahil sa pesteng istorbo na to. GRRRRR. Nagtama ang mata namin at agad na mas uminit ako ulo ko sa nakita ko. He's smiling like an idiot there habang hawak ang dalawang paper bag ng Mcdo. He's about to talk pero sinara ko agad yung pinto, hindi naman nya ito napigilan dahil parehong may hawak ang kanyang kamay. But to my dismay, paulit ulit na naman nyang pinipindot ang doorbell ng unit ko and knowing him hindi nya titigil hangga't hindi ko sya pinagbubuksan so ang ending bumalik ako sa may pinto para buksan ito.  >.<

"Problema mo?!" Sigaw ko sa kanya.

"Good Morning din" sabi nya ng nakangiti at pinilit makapasok sa unit ko. Masyado na kong badtrip para makipagtalo pa sa kanya kaya hinayaan ko na lang sya magdire-diretso sa pag pasok. He roam his eyes na para pang may hinahanap pero noong nakita na nya agad nya itong pinuntahan, sa dinning area. Nilapag niya ang pagkain na dala nya na para bang feel at home na feel at home sya. Tumingin sya sakin at sinenyasan nya akong lumapit sa kanya pero hindi ko sya pinansin. Dumiretso ako sa kwarto ko at agad na nagsara ng pinto.

Ano bang ginagawa nya dito? tsk! Nag mo-move on na ko at ayoko na syang kausapin pa. Kainis!

"Andrea" he knocks. Hindi ko sya pinansin. Nahiga lang ako sa kama at nagtalukbong ng kumot.

"Andy" Narinig ko ang pagkilansing ng doorknob ko na mukang sinusubukan nyang buksan.

"Breakfast tayo, gutom na ko." He said while knocking. Hmp. Bahala kang magutom dyan. Pero teka, first time nyang makapasok dito sa unit ko ah, sa tuwing hinahatid nya kasi ako sa labas lang sya.

"Dy" Ano ba yan, paikli ng paikli ang tawag nya sakin. Siguro maiksi na rin ang pasensya nya. HAHA!

Tumigil sya sa pagkatok sa pinto ko, pinakinggan ko kung naglakad ba sya paalis sa tapat ng room ko o nadun pa rin sya, ang kaso wala akong marinig kaya bumangon ako para pakinggan malapit sa pinto. Wala pa rin akong marinig. Hmmmm..Nahiga na lang ako ulit para matulog. Siguro umalis na yon. Autolock naman ang pinto ko kaya walang problema. 

***

Nagising ako sa pag iingay na ginawa ng alarm clock ko, it's 9:am at kailangan ko nang kumilos dahil 10 ang pasok ko. Konting inat -inat saka ako dumiretso sa banyo para maligo. After kong maligo nag undies lang muna ako at towel na pinaikot ko sa ulo ko.  Sana iniwan ni Andrew yung pagkain na dala nya kanina para hindi na ko magluto. hihi. Paglabas ko ng kwarto, agad akong tumingin sa may table para i-check kung nandoon pa ba ang dalang pagkain ni Andrew.

"Yes!" sabi ko pagkakita ko sa paper bag na may laman na pancake at hot choco. Well choco na lang kasi hindi na mainit. May oven naman eh, magiging hot choco din to ulit.  :) Nilagay ko sa microwave yung pancake at choco, saglit lang para sure na hindi masunog. hahah, hindi kasi ako sure kung pwede ba tong ginagawa ko. After that  ting sound, kinuha ko yung food at dinala agad sa table.

Bumalik ako sa kwarto nang magring ang phone ko, pero bago yon I did my first bite sa pancake ko. Si Jessy pala, ginising lang daw nya ko. Nasa may pinto na ko ng malaglag ang towel sa ulo ko kaya naman pinulot ko muna bago magpatuloy sa paglakad.  I didn't bother to put it back kaya iniwan ko ang sa room ko. I storm to my dinning table para ipagpatuloy ang pagkain ko pero bigla akong napahinto ng may nakita akong lalaki na nakatalikod. He's doing something sa kusina ng unit ko! Shit! He turns his back.... Hindi ako makagalaw!

"Gising ka na p-----" He's eyes got wider! Kitang kita ko ang pagpasada ng mata nya sa buong katawan ko!

"AHHHHHHHHHH!!!!" Makalagot hiningang sigaw ko sabay takip sa hubad kong katawan. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko ngayon at nakatingin pa ko kay Andrew habang unti-unting namumula ang mukha nya. Napaupo na lang sa ako pilit na tinatakpan ang katawan ko.

"Damnyou Andrew!!! Anong ginagawa mo dito!!!!! LAYASSSSS!!!!!!" Halata sa mukha niya na nahihiya at natataranta sya. Halos kulay kamatis na rin ang mukha nya. Tumalikod sya sakin at humarap ulit sa may lababo.

"W-wala akong nakita" nautal na sabi nya.

"Walang nakita!! HA! Wala kang nakita!!!!?"

"Wala nga! Bakit kasi lumabas ka na ganyan ang itsura mo! Alam mo naman na nandito ko!"

"O baka naman sinadya mo talaga para makita ko"

"Walangya ka! Akala ko umalis ka na kanina!!"

"Nakita mo ko, nakita kita. Kaya nandito pa ko. Magbihis ka na bago pa magbago isip ko, BILIS!"

HA?? anong bago pa magbago isip nya???!

Tumayo ako at agad na tumakbo pabalik ng kwarto. Ni-lock ko ang pinto ko at umupo sa kama habang nagpa-paypay gamit ang kamay ko. SHIT! SHIT! SHEEEEEEEEEEEEEEETT!!

Narinig ko syang tumatawa sa labas.

"ANDREWWW!!!!!!!!!! UGH!!!! I HATE YOU!!! WALANGHIYA KA!!!!!" sigaw ko habang nagwawala sa kama.

If by ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon