Chapter 31

301 19 7
                                    


Nasa sasakyan na kami ngayon, bigla kasing umulan kaya umalis na rin kami sa lugar kung saan 'nagtapat' si Andrew. My gosh! I can't still believe na mahal nya ko. 

Nakatingin lang ako sa labas habang nagmumunimuni at inaalala lahat ng sinabi nya kanina nang bigla akong mapatingin sa kamay ko. Hinawakan kasi iyon ni Andrew . 


"Hindi kita i-uuwi ngayon." 

"What?!" Mabilis akong lumingon sa kanya. Walang halong joke ang expression ng muka ng kutong lupa na to.

"I want to spend more time with you." He said without looking at me pero nakita kong napangiti sya.


"N-no. Let's go home." Mahinang sagot ko.

"I can't drive long anymore. Inaantok na ko." Lumingon sya sakin na namumungay ang mata. Kinusot nya pa ito para siguro suportahan ang sinabi nya. 

Tumingin ako sa relo ko to check the time, and it's freaking 2 am.

"Nasaan ba tayo?" Tanong ko. 

"Tagaytay. Doon na lang tayo sa bahay o gusto mo mag check in?."  What? Check in? Oh gosh! 

"May bahay rin kayo dito?" Tumango lang si Andrew. Hindi ko na pinansin yung check in na sinabi nya. Wala na ba talagang ibang choice kundi matulog sa bahay nila? Mag ooffer kaya ako na ako na lang ang mag drive? 

Duh, Andy. Hindi ka marunong mag drive. 

"Hindi mo na ba talaga kayang magdrive? Mag kape kaya muna tayo para mawala antok mo? O kaya kukurutin kita lagi para hindi ka makatulog. Let's just go home. 

Tumingin ulit sya sakin saglit.

"Wala akong gagawin sayo kung 'yun ang inaalala mo." Uminit ang muka ko dahil sa sinabi nya. Hindi ko naman iniisip yon eh. Ngumisi sya at umiling upon seeing my reaction. 


-- 


"Sinong nakatira dito?" Papasok na kami sa tila mansion na bahay daw nila. Alam kong mayaman sila Vergara pero hindi ko naisip na sobra sobra pala. Walang sumalubong samin kaya si Andrew rin ang nagbukas ng gate, siguro tulog na. 


"Wala. May nagpupunta lang dito para mag linis." 


"Seryoso?" Nanlaki ang mata ko. Walang tao maliban samin? Napalunok ako dahil sa nakakatakot na ideyang biglang sumagi sa isip ko. 


"W-wala naman sigurong multo dito 'no?" Tumingin sakin si Vergara. Binubuksan na nya ang pinto pero saglit syang sumulyap sakin dahil sa tanong ko. Ngumisi lang siya tsaka tuluyang binuksan ang pinto. Agad nyang binuksan ang mga ilaw. Malinis ang bahay, unang makikita ang sala nila na puro lazy boy ang upuan. Hindi ito kasing laki ng rest house nila sa Batangas. 


"Dito na lang tayo sa baba matulog, may dalawang guest room naman dito." Napatingin ako kay Andrew, nakatalikod sya sakin. Binuksan nya ang isang pinto tsaka sumilip saglit. 

"Dito ka na lang." Tumingin sya sakin. Lumapit ako sa kanya para tingnan yung kwarto na sinasabi nya. Masyadong malaki. 


"Ikaw? San ka matutulog?" 

"Dito rin." 

"What?!"

"Joke lang. Dito sa kabilang kwarto." Tumingin ulit ako sa loob ng kwarto. Ang lawak, parang nakakatakot mag isa. Hindi ako sanay sa malaking kwarto. 

"Ok ka lang ba talaga na mag isa dito? I don't mind sleeping with you." Seryosong sabi nya. Mukang walang halong kalokohan yung tono ng boses nya. 


Same room na kami nakatulog ni Andrew, may mahabang unan na naka pagitan saming dalawa kaya hindi kami literal na magkatabi sa kama. 


"Andrew." Mahinang tawag ko sa kanya.

"Hmm?" He really sounds sleepy. 

"Kailan ka pa may gusto sakin?" Epekto ba to ng oras kaya nagawa kong magtanong sa kanya?

"I'm not sure. I just realized that I care for you too much. And I want you with me. Always." Mahinang sagot nya.

Tumingin ako sa kanya, nakatalikod sya sakin and it seems that he really wants to sleep na.

Hindi ako nagsalita ulit at sinubukan kong makatulog na pero hindi ko magawa. I can't sleep dahil overwhelmed pa rin ako sa nangyari ngayon. I'm not sure kung tulog na si Andrew pero kanina pa sya hindi kumikibo. 

Nagulat ako ng bigla syang kumilos at humarap sakin. Inalis nya yung unan sa gitna namin at marahan akong hinila palapit sya kaya. 

I tried to push him away pero he hugged be tighter. 

"I'll settle with this, for now." And I fell asleep. 


-- 


Pabalik na kami ng Manila and nag breakfast muna kami sa bahay nila na hindi ko alam kung sino ang naghanda dahil nauna pa akong nagising kay Andrew. Nakayakap pa rin sya sakin pag gising ko and I still can't believe that this is really happening. 

Hawak nya ang kamay ko while driving. Lumingon si Andrew giving me chills then he kissed the back of my hand. 

"You're my girlfriend now, right?" Hindi ko inasahan yung tanong nya kaya hindi ako nakasagot agad. "I mean, for real." dugtong nya. Nasa tapat na kami ng unit ko and he's about to leave before he asked for our status. 

"Uhm.. Andrew..." 

"Hmm?"

"Can we keep this private, I mean, just between us... for now." I saw disbelief on his face. I'm not really sure why I said that. 







If by ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon