Chapter 23

234 18 4
                                    

Andrew's POV

"I was just too drunk that time. I'm Sorry." 

Why did I say that? Why am I annoyed with myself saying that? Why am I feeling like – it pains me like hell?

I shook my head and tried to stop bothering myself with unnecessary thoughts. I looked at my phone to check who texted me. And it's – That I'm not sure. 


Hi Drew. Can you meet me at OMG Bar tomorrow night?

Sure.

I replied. Whoever you are, I think I need you to wake me up. Maybe that was what I needed; to go someplace where women wore tiny shorts and tight little tank tops. Where they flirted and slipped me their phone number; where the women didn't expect anything from me and it didn't mean anything. 


"Thank you po ulit. Aalis na po kami." Pagpapaalam ng mga babae sa katiwala namin. Gumaya na rin sila Daniel at Tonio pati na rin si Paolo. After ng paulit ulit na pagpapaalam nila sumakay na sila sa van isa isa.  I was about to get in pero na realize ko na sa tabi na lang ni Andrea ang vacant seat. Hindi ko alam kung bakit pero sinara ko ang pinto ng van at sa unahan na lang ako naupo. I massage both sides of my head for unknown reason of frustration.  Naririnig ko ang mga tawanan at pag uusap nila pero hindi na ko nakikisali. 


"Kayo na ba talaga?" Mapanuksong tanong ni Tonio. Obvious na si Andrea at Paolo ang kausap nya. 

"Oo nga. Diba Love? Hahaha" Psh. Sinungaling. Her kisses confirmed that she likes me – still.  

Yes. I knew. Hindi ako manhid para hindi malaman na para sakin lahat ng luhang lumalabas sa mata nya. Alam kong nasasaktan ko sya. Alam kong gago ako para sabihin sa kanya na wag nya akong layuan at kalimutan. 

Whoever that asshole you want to forget, do it in a hard way.
Heal the hard way.
Act as normal as you can.
See him as many times as possible.
Feel the pain, Andrea. 



Habang busy sila sa pang aasar kay Andrea, kinuha ko ang phone ko at tinext ko siya. Hindi ko na hinintay kung mag rereply ba sya. In-off ko ang phone ko at kinuha ang ipod ko para makinig na lang ng music. Loud enough para hindi ko sila marinig. 

--- 

"Andrew – hoy!" Bigla akong napadilat ng mata dahil sa sigaw ni Tonio sa tenga ko.


"What?!" Bulyaw ko sa kanya. Napatingin ako sa labas, nasa condo na pala kami ni Andrea.  Umalis na sya at sumunod kina Daniel papasok ng condominium. Bumaba na rin ako pero hindi na ko sumunod sa kanila, dumiretso ako sa parking lot kung nasan ang kotse ko.


Pag pasok ko sa kotse ay binuksan ko muna ang phone ko.  Tiningnan ko kung nag reply ba si Andrea sa text ko kanina pero hindi. Tsk.

Badtrip akong nag drive pauwi at hindi na ulit hinawakang ang phone ko kahit may tumatawag. Pag dating ko sa bahay si Dom na ang pinag park ko ng sasakyan at dirediretso na akong pumasok sa bahay.

Napatigil ako sa paglalakas ng mapatingin ako sa living room naming. Dito ba sya natulog?  


"A-andrew." Napatayo sya sa pagkakaupo sa sala habang kausap si daddy.  She looks like pleading. Kahit wala syang sinasabi parang nagmamakaawa na ang kanyang mga mata. I ditch my concern towards her and continue to walk away. But dad intruded. 

"Andrew!" He yelled with authority, making me stop.

"Wag kang bastos."

"Am I dad? Ano bang ginawa ko?" I asked. Bored and tired. 

"Your mom wants to talk to you." Tumingin si dad sa tinawag nyang nanay ko. 

I lazily looked at her. "What do you need?" I asked, with unintentional impolite tone making my dad screech at me again.

"Hindi ko gustong iwan ka. Sinong ina ba ang gustong iwan ang sarili nyang anak?" Nangingiyak ngiyak na sya.

"I don't do drama. Kung kadramahan lang ang pag uusapan natin, di bale na lang." Tumalikod na ako sa kanila.

"It's my fault, son." Mahinang sabi ni daddy pero nanghina ang tuhod ko sa sinabi nya. 


"She just wants to talk to you, Andrew. Hindi mo ba kayang gawin yon?  Ako ang may kasalanan kung bakit umalis ang mommy mo. Kasi gago ako! Nasaktan ko sya ng paulit ulit hanggang sa sumuko na sya sakin. Gusto ka nyang kunin pero ayoko!"  Bawat sigaw ni dad ay parang suntok na tumatama sa puso ko. Ramdam na ramdam ko ang diin ng pagtatama ng mga ngipin ko. Nanginginig ang mga kamao kong tikom na tikom.

And I hear her crying. Gusto kong lumingon sa kanila pero parang nanghihina ako galit. 

Para akong binabangungot ng gising sa mga alaalang bumabalik sakin.  


Tumatakbo ako ng mabilis habang iyak ng iyak para habulin ang taxi na sinakyan ni mommy noong umalis sya sa bahay. Pero kahit anong takbo at iyak ang gawin ko hindi sya lumingon. Hindi sya bumalik. At hindi na sya nagpakita sakin sa loob ng 13 taon. 


Seven years old ako noon, mas malapit ako sa kanya kesa kay daddy kaya noong iniwan nya ko ng basta basta sobra akong nalungkot at nagalit. Habang lumilipas ang panahon, mas lalong lumalim ang galit ko sa kanya pero kahit ganon pa man, palagi pa rin akong nag aabang sa pagbalik nya hanggang sa napagod na akong maghintay. Napagod na akong umasa na totoo ang sinabi nya sakin na kahit kailan hindi nya ko iiwan. Hindi nya ko pababayaan. 


Noong nag highschool ako, doon ako nagsimulang magloko. Mas marami na kasi ang nakakapansin sakin na babae, ilan sa kanila ay dinate ko pero wala akong sineryoso. Kahit anong iyak at pagmamakaawa nila sakin hindi ko na sila binabalikan pa kapag tinatapos ko na ang kung anong meron samin. 


During my high school years, I intentionally hurt those sincere feelings, I never cared. Pero dumating sa point na gusto ko nang tumigil sa ginagawa ko. Simula first year college, sabi ko sa sarili ko na magbabago na ko, hindi na ako magpapaapekto sa kung anong nakaraan ko.

You know, I tried that serious thing but with the wrong person – Angel. Umabot kami ng halos isang taon bago ko nalaman na sya pala yung hindi seryoso saming dalawa. Nasaktan ako. Oo, aminado ako na nasaktan ako sa nalaman ko, naging mahalaga sya sakin, I really cared for her pero sa proseso ng pagtanggap ko sa ginawa nya sakin na realize ko na hindi ko pala siya minahal talaga. I liked her, I cared for her, I enjoyed being with her but it's simply not enough to love her.

"Can it change the fact that she left me?" I bitterly asked him. I manage to turn around and drop my things on the floor. 

This is getting to my nerves. Ano bang meron ang araw na to? Bakit puro kadramahan ang nangyayari sakin?! Damn it! 

"I'm sorry, Andrew." She said.

"Okay. You're sorry. I got it. What else?" I'm tired for fuck's sake.

"Hindi ko gustong iwan ka, anak." She starts crying again.

"Is 13 years involuntary?" She lost her guard. She stopped crying and just stared at me. 

"Kung ang gusto mong mangyari ay patawarin kita, ok na. Napatawad na kita dati pa. Aalis ka rin naman diba? Now, if we're done. Can I rest? I'm tired." Hindi sila parehong nagsalita kaya umakyat na ako sa kwarto ko. I locked the door and slam myself to bed.

I looked at my phone. I want to call her.

But can I do that?

If by ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon