Chapter 18

446 19 4
                                    


"Jessy! Tara na!" Sigaw ni Daniel mula sa beach habang sinesenyasan si Jess na lumapit sa kanya. Nandoon na kasi silang lahat, masayang masaya na nagtatampisaw sa dagat. Nag paiwan kasi ako sa kanila kanina pero sinamahan ako ni Jessica. Nakaupo kami sa pinong puting buhangin na may nakalatag na tela.


"Andy!" Pacute na tawag sakin ni Paolo. Hindi ko alam kung bakit napatingin ako kay Vergara nong tawagin ako ni Pao, pero pagtingin ko sa kanya nakatingin na sya sakin. Binalik ko ang tingin ko kay Pao saka sya tinanguan


"Sige, susunod na kami! Wait lang Jed!" Sabi ni Jessica. Tumango naman si Daniel, hinatak sya ni Tonio papunta sa mas malalim na part ng dagat. Sumunod sa kanila si Andrew at ng naabutan na niya ang mga ito at nagharutan silang tatlo. Parang mga bata. Napangiti ako sa tawanan nilang lahat.


"Andy" Tawag ni Jess.


"Hmmm?" Lumingon ako sa kanya. Nakatingin sya sa kanila na masayang naghaharutan sa dagat. Siguro ay naramdaman na nya na nakatingin ako sa kanya kaya tumingin na rin sya sakin.



"May tanong ako..." Parang nag aalangan na sabi ni Jessica.


"Ano?"


"Paano kung may gusto nga sayo si Andrew? Tapos manligaw sya o tanungin ka nya kung pwede ka nyang maging girlfriend, anong isasagot mo?" Seryoso sya. WTH?



"Ano ba yan Jess, ang random mo ah!" Tumawa ako para hindi ipahalata na medyo kinabahan ako sa tanung nya. Bigla tuloy akong na bother dahil sa tanong nya. Feeling ko sumakit ang tyan ko o nahihirapan huminga dahil sa sitwasyon na binigay ni Jessica.



"Hypothetical lang naman. What if." Napatunganga ako dahil walang pumasok sa utak ko ngayon.



"Mahal mo pa sya?" Napabuntong hininga na lang ako sa tanong nya. Hindi ko alam kung bakit biglang nagtanong si Jessica tungkol dito pero feeling ko nararamdaman nya na may something pa rin ako kay Andrew. Tumingin ako kay Vergara. Mas lalong kumabog ang puso ko ng nakita kong nakatingin sya sakin. Seryoso ang muka, hindi sya nag iwas ng tingin kahit na nakatingin na rin ako sa kanya.



"Ayoko Jess, pero wala akong magawa." Sagot ko sa tanong ni Jessica habang nakikipag sukatan ako ng tingin kay Vergara.


"Mickey mouse! Surf tayo!" Napatingin ako kay Paolo na patakbong lumalapit sakin na may dala dalang surfing board.


"Baka matulungan ka nya." Nakangiting sabi ni Jessica, nakatingin sya kay Paolo. Tumayo sya saka tumakbo papunta sa may dagat. Ano naman yon. Minsan ang baliw lang talaga nya. Nang makalapit sakin si Paolo, agad nyang hinatak ang braso ko para itayo sa pagkakaupo ko.



"Hindi ako marunong nyan. Ikaw na lang." Sabi ko sa kanyang habang hinahatak nya ko papunta sa my dagat.

If by ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon