Chapter 15

375 17 9
                                    


"Why do you hate me so much?" Natigilan ako sa pagkain dahil sa tanong nya. Nasa Papa John's kami dahil ito ang pinaka malapit kung saan ako nag drama kanina. Hindi sya nagtanong kung bakit ako umiyak. Hinayaan nya lang ako hanggang sa humupa ang sakit na nararamdaman ko. Inalalayan nya ko sa paglalakad hanggang sa makarating kami rito. Nakatingin sya sakin habang ninanamnam nya ang pizza nya. Nagtaas sya ng kilay na para bang gusto nyang sabihin eh naghihintay sya sa sagot ko. 

"I have tons of reason, Vergara." Nag slice ako ang pizza at nagpatuloy sa pagkain. 

"Tatlong taon mo na akong kinamumuhian, Andrea. Why's that? I'm really curious now." Bakit nga ba? 

"Playboy ka." Diretso kong sabi sa kanya. Binitawan ko ang kubyertos na hawak ko saka ininum ang juice ko. Ganon din ang ginawa nya at mas lumapit sya sakin. Magkatapat kami ng upuan kaya kitang kita ko ang mukha nya at ganon din naman sya. 

"Friendly." Seryosong pagtatama nya. 

"Friendly?! Duh.  Ganon ka ba makipag kaibigan?? Do you date your friends? Huh?!"  Nakita kong gumuhit ang ngisi sa labi nya. He crossed his arms on our table.  

"We're friends, and...... We're dating." Nag init ang pisngi ko dahil sa sinabi nya. That's not valid! Mag rereklamo sana ko pero inunahan na nya ko. 

"What else?" Inirapan ko sya pero tinawanan nya lang ako. 

"You're annoying." 

"Hmm. I'm sweet, thoughtful, caring, protective, and handsome."  

"Self proclaim!"

"I'm not. What else?" He's really into it huh? 

 "Lagi mo akong pinaasar at pinag ti-tripan!" I said with bitterness. 

"Ang cute mo kasi pag galit ka." Ngumiti sya. Tuwang tuwa pa talaga sya pag nagagalit ako! Peste! 

"What else?" Hindi na mawala ang ngiti nya habang naghihintay sya sa sagot ko. Pinagtatawanan nya ba ko?

"Bipolar ka! Gaya nga ng sinabi mo, sweet ka minsan, thoughtful ka minsan, caring ka minsan, protective ka minsan, Ha---" Tinigil ko ang pag uulit sa sinabi nya kasi narealize kong inaantay nya talaga yung last part. Tinikom ko ang bibig ko saglit para mag isip ng isusunod pero sumingit sya.

"Gwapo ako, pero hindi minsan." Humalakhak sya dahil siguro sa naging reaction ko. I literally drop my jaw dahil sa kayabangan nya. Nang nahimasmasan sya sa pag tawa sinunuod na nya ang linya nyang "What else?"

"Can we stop, Andrew? Basta I hate you. Tapos." Inubos ko ang natitirang pizza ko at uminom ng juice.

"What?" Iritableng tanong ko sa kanya. Nakatingin kasi sya sakin habang nakangiti ng wagas.

"Can you say it again?"

"Huh? Ano?" I wipe my mouth with the remaining tissue in our table. 

"My name. Say it again." Nakangiting sabi nya. What's with him? Is he on drugs?

"Anong tinira mo Vergara? Para kang adik sa kakangiti mo ng ganyan!" Tingin ko ako ang adik sa aming dalawa. Kanina iyak ako ng iyak dahil narealize ko na mahal ko pa rin sya pero ngayon parang naging normal na lang ulit ang nararamdaman ko. Normal na lang ba para sa sistema ko na mahal ko sya? Tsk. Poor Andrea.

"Tsk. My name Andrea, not my surname."

"Andrew. O anong meron don?" He just chuckled tapos umiling iling pero hindi sinagot ang tanong ko.

"So, what's with you and that, Paolo?" Kumunot ang noo ko sa tanong nya. Now he's asking.

"What about us?"

"You look good together." Cold na sabi nya habang pinaglalaruan ang straw ng coke nya. I felt something. Kirot? Parang nabasag yung nabubuong pag asa ko noong nagtanong sya tungkol samin ni Pao pero mali pala.

"R-really?" Binasa ko ang mga labi ko. I'm trying to catch his eyes pero nakatingin sya sa baso nya habang pinapaikot ikot ang mga yelo gamit ang straw nya. Pero noong tumungin na sya sakin agad akong nag iwas ng tingin at uminom tubig.

"Komportable ka sa kanya kahit matagal kayong hindi nag kita. And I think he likes you more than a friend. Do you... like him?" Maingat syang nakatingin sa mga mata ko.

"Yes. I like him." As a friend. I saw him frozed. Napatunganga sya sakin dahil sa sagot ko. Hindi ko alam kung bakit hanggang sa I like him lang ang nasabi ko sa kanya pero ayoko nang duktungan pa ang sinabi ko. Kailangan ko bang linawin sa kanya yon? Kinuha nya ang baso nya at ininom ang laman nitong yelo. 

"Just what I thought. Then it's.... It's perfect. You like each other.. And now, he's living just in front of your unit. " He laughed.

"Let's go?" Tanong nya pero hindi na nya hinintay ang sagot at agad nyang kinuha lahat ng paper bag nya at tumayo. Sumunod ako sa kanya palabas hanggang sa parking lot. Binuksan nya ang backseat door at patapon na nilagay doon ang dala nya.

"Get in." Utos nya saka pumasok sa kotse nya. Hindi na sya nag abalang pag buksan ako ng pinto. Buong byahe ay busy lang sya sa pagmamaneho. I was trying to steal a glance pero parang bigla akong naka feel ng awkwardness. 

Nakarating kami agad sa condo na tinutuluyan ko sa isang iglap dahil sa bilis mag drive ni Vergara.

"Thanks." He said without looking at me. Tumunog ang kotse nya dahil sa pag unlock nya dito. Anong problema nya? Pero hindi na ko nag abalang mag tanong sa kanya. 

"Tsk. Bipolar." Bulong ko bago ako lumabas ng kotse nya. Alam kong narinig nya iyon dahil tumingin sya sakin ng masama. As I get off of his damn hot car nag ring ang phone ko at bumalandra sakin ang pangalan ni Paolo. 

"Hello Pao, bakit?" Nakatayo pa rin ako kung saan ako bumaba kanina. I haven't heard na umalis na si Vergara kaya lumingon ako. And he's car is still there pero wala sya sa driver's seat. Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Andrew na naglalakad papalapit sakin na may dalang isang paper bag. 


"Let's date." 

If by ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon