Chapter 26

361 23 12
                                    




"Uhmm. Sino ba yon?" Antok na antok kong reklamo dahil may nag do-doorbell. Pilit kong binubuksan ang mga mata ko para makita kung anong oras na. Medyo nawindang ako sa oras dahil 10:45 na pala.  Feeling ko kasi ang iksi pa lang ng tulog ko. 


Nag inat inat pa ko para mawala ng konti ang antok ko para tingnan kung sino yung nag do-doorbell. Bumangon ako sa kama at di na nag abalang magsuot ng tsinelas para lumabas ng kwarto. 

I was about to open my room's door ng may bigla akong naalala. 

Shet! Nasa labas pa kaya si Andrew? Dito ba sya natulog? 


Unti unti akong sumilip sa may living room ko para tingnan kung nadoon pa ba si Andrew pero wala akong makita ni anino nya maliban sa mga naiwan naming kalat kagabi. Lumabas ako ng room ko tska nagpunta sa may pinto. Si Dianne pala, kasama si Jessica. Binuksan ko ang pinto at sumalubong sakin ang reklamo ni Jessica. 


"Ang tagal mo naman, natutulog ka pa?" reklamo nya habang papasok ng unit ko. 

"Ano yan, sis? Naglasing ka kagabi??" Pasigaw na tanong ni Dianne habang nakaturo sa may center table ng living room.  Nag isip ako ng pwede kong sabihin sa kanila na hindi magiging konektado kay Vergara. 

"Hindi. ano lang..." Nahinto ako sa pag e-explain ng biglang may nag flash sa CR. 

Sabay sabay kaming biglang lumingon sa CR dahil sa lintik na flash ng toilet na yon. 


Damn! Nandito pa si Andrew?! 

Lumingon ako sa dalawang bestfriend ko na nanlalaki at nanlilisik ang mata sakin. Obvious na obvious na tingin nila na may kung anong ideya na ang nabubuo sa mga utak nila. Lumingon ulit kami sa may CR ng bumukas ito at lumabas si Andrew na walang tshirt! Damn it! Shit!


"Sino yung nag doorbell?" Walang kaalam alam na tanong ni Vergara dahil nakayuko sya habang nagpupunas ng paa nya sa basahan. Samantalang ako eh kulang na lang lumuwa na ang mga mata ko sa dahil sa sitwasyon. 


"OH. MY. GOD." In chorus na sabi nila. Naagaw nito ang atensyon ni Vergara na para bang wala lang sa kanya ang nangyayari. Habang ako kinakabahan. Pero teka – bakit ako kinakabahan? Bakit ako nawiwindang? Wala naman kaming ginawang masama. 


"Uy! Nandyan pala kayo. Kumain na ba kayo? Nagluto ako." Nakangiti pa sya habang nag aalok ng niluto nya! Aba teka! Nasa bahay ko sya! Feeling nya bahay nya?! Naglakad si Andrew papunta sa may dinning table at kinuha yung towel na nakasampay sa sandalan ng upuan. Pinunasan nya ang mukha nya na medyo basa pati ang hubad nyang katawan. Parepareho pa rin kaming hindi makareact sa pangyayari. 


"Huy! Ok lang kayo? Masyado ba kong gwapo?" Humalakhak si Vergara tsaka kumuha ng baso, nagbukas ng ref at naglagay ng tubig! WOW! Grabe! Wala ba talagang hiya sa katawan tong lalaking to?


"Dito ka natulog, Andrew?" Nag aalangang tanong ni Dianne. Nakatayo pa rin kaming tatlo sa gitna ng living room habang si Andrew ay komportableng nakasandal sa counter ko habang umiinom ng tubig. 


"Oo, nalasing kasi ako kagabi." Tinuro nya yung mga lata ng beer sa center table gamit yung kamay nya na nakahawak sa baso. 

If by ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon