Chapter 16

522 20 8
                                    


Vergara glanced back at me as he walks towards my direction without breaking the connections of our eyes. 

"Date?" I asked confused.  Tumigil sa pag lalakad si Andrew at biglang nagbago ang timpla ng muka nya. He looked constipated. haha. Pumihit ako patalikod sa kanya. 

"Ano bang pinagsasabi mo dyan Paolo? Nahihibang ka na ba? Anong date?" Pabulong kong sabi over the phone. 

[ Let's just say, I'm doing you a favor. Oh, not you alone. But both of you.] He laughed. What's his deal? Kanina pa sya kung ano anong sinasabi eh.   

"Ewan ko sayo. Mamaya na tayo mag usap. Sige, ibababa ko na ah. Bye." Then I end the call. Tumingin ulit ako kay Andrew na nasa harap ko na ngayon. Salubong ang mga kilay nya at mukang badtrip na naman. 

"Oh." Inabot nya sakin ang maliit na paper bag na may nakasulat ng Tiffany. Hindi ko iyon kinuha agad kaya bnuksan nya ang paper bag at kinuha ang isang box na itim. Shet? Anong mangyayari? Proposal?? Singsing?  

Duh. Andrea? Anong ilusyon na naman ba ang laman ng utak mo. 

Bwisit na inner voice yan! 

Pinapanuod ko lang sya habang binubuksan ang box na hawak nya. Pinatong nya sa bubong ng kotse yung paper bag siguro dahil nahihirapan syang hawakan iyon sabay sabay. Pagkabukas niya ng box ay nilabas nya ang isang kwintas na may handcuff na nagduduktong sa chain nito. Mas lumapit sya sakin pero umatras ako ng aktong isusuot nya ang kwintas sakin. 

"A-ano yan?" Utas ko habang kumakabog ang dibdib ko. 

"Necklace. Ano sa tingin mo?" Supladong sagot nya. Minsan talaga hindi ko ma gets kung anong ugali nya. 

"Alam kong necklace yan! Ang ibig kong sabihin bakit mo binibigay sakin yan at bakit mo isusuot sakin." 

"Edi sana yun na agad tinanong mo kesa nag muka ka pang tanga sa una mong tanong." Binaba nya ang mga braso nya na dapat ay magsusuot sakin ng kwintas. 

"Thank you gift ko lang sayo. Pero gusto kong isuot mo 'to lagi. Wag ka nang umarte please." Medyo hinila nya ko sa braso palapit sa kanya at walang ano ano ay sinuot nya sakin yung handcuff necklace nya. Hinawakan ko ang kamay nya para sana pigilan sya sa pagsuot sakin noon pero pinagbantaan nya ko.  

"Isusuot mo to o hahalikan kita?" I pursed my lips. Pero parang gusto yung pangalawa. Pinipilig ko ang ulo dahil sa kung anong pumasok sa utak ko. Bumitaw ako sa kamay nya at hinayaan na lang sya sa ginagawa nya. Pag kasuot nya sakin ng kwintas ay may kinuha pa sya sa box. Isang maliit na susi. Parang ni-lock nya yung posas na nagduduktong sa chain. 

"Done. Bye, Andrewyah." Sabay wink sakin at tumalikod para sumakay ng kotse nya. Para lang akong tanga dito na nakatunganga dahil bigla na lang nya akong iniwan after nya makuha ang gusto nya. 

--

"Argh! Paano ba to tanggalin?" Kanina ko pa sinusubukan tanggalin ang kwintas na bigay ni Vergara pero hindi ko matanggal. Hindi kasi ako sanay maligo na may alahas na suot sa kahit anong parte ng katawan ko. Nakakainis! Malalate na ko sa first subject ko! 

Badtrip akong pumasok sa klase dahil sa kwintas na nakasabit sa leeg ko. 

"Uy Andy bagong necklace ah, ang cute! San mo nabili?" Nasa CR kaming tatlo, ako si Dianne at Jessica. Pero si Jessica lang ang pumasok sa cubicle, nagsasalamin na lang kami ni Dianne. Hinawakan ni Dianne ang posas sa kwintas ko at nilapit nya pa ang mukha nya dito. 

"AA?" Mahinang sabi nya. Kunot noo syang tumingin sakin. 

"Bakit AA ang inscription?" 

"H-ha? May nakalagay??" Kinuha ko yung pendant pero hindi ko makita dahil sakto lang ang haba nito. Lumapit ako sa salamin at tinapat doon ng kwintas. May dalawang letter nga dito. Tig-isa bawat posas. What the hell? Ano naman to?? 

If by ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon