Chapter 5

672 24 5
                                    


Hindi ako makalabas ng kwarto dahil sa nangyari kanina, huhuhu mala-late na ko. Nasa labas pa kaya sya?

Napatingin ako sa phone ko nang bigla itong tumunog, may nagtext. I crawls in my bed to get my phone on my side table.

Pch. Vergara. tsk.

Sexy, labas na dyan. Mala-late na po tayo. Kakain ka pa.

Napunta lahat ng dugo ko sa ulo ko first word pa lang ng text nya. Sexy! It looks like a compliment pero nang aasar talaga sya! Kainis! bakit ba lagi na lang akong asar talo sa sira ulong yon! Hindi naman sa pangit ang katawan ko pero yung fact na nakita ni Andrew sa ganoong sitwasyon hindi katanggap tanggap. Hindi na ko nagreply, maglalakas loob na lang akong harapin sya kasi ayokong ipahalata na talo na naman ako sa kanya. Bago ako lumabas ng kwarto, siniguro ko muna na bihis na bihis na talaga ako mula ulo hanggang paa.

Pag bukas ko ng pinto agad lumingon si Andrew sakin. Nasa may couch sya habang nanunuod ng tv. Ang kapal ng mukha.

"Lumabas na rin sa wakas si sexy." he said while smiling. Yung ngiting nakakairita.

"Kain ka na para makaalis na tayo." He paused and turns his head back to the televison. Nag init ang mga pisngi ko dahil sa mga bagay na pwedeng pumasok sa utak ni Andrew tuwing naaalala nya yung nakita nya kanina. Ayoko na lang ipahalata sa kanya na sobrang apektado ako sa nangyari. Pero ano bang gusto nitong mangyari? nagui-guilty ba sya dahil hinayaan nya lang akong umalis kahapon at wala din silbi yung mga pinag gagawa namin?

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Dumiretso ako sa table para kainin yung pancake, sayang naman kung itatapon ko lang to. Tumingin ako sa kanya saglit para tingnan ang reaction nya sa tanong ko pero nanatili syang nakatalikod sakin at nanunuod  pa rin ng TV.

"Bakit ka umalis?" Malamig na tanong niya. Natigilan ako sa pagkain nang lumingon sya sakin at nagtama ang aming mga mata. Seryoso ang mukha nya at tila naghihintay talaga sya sa isasagot ko. I didn't see it coming, hindi ko naisip na may pakialam sya sa pag alis ko at pagbibigay ko sa kanila ng oras para magkaayos, tutal sya na rin naman nagsabi na tama ang iniisip ni Angel eh.

"Yun naman ang gusto mo diba, ang umalis ako." Ako na ang sumira sa pagsusukatan namin ng tingin. Ayoko sa lahat eh nakikipagtitigan sa lalaking to dahil minsan parang may kakayahan syang mabasa ang laman ng isip ko, ayokong malaman nya na sa tuwing nakatingin ako sa kanya sobrang nagtatalo ang isip at puso ko, and that's the last thing I want him to know.

"Tch." umayos na sya ulit ng upo at i-n-off ang TV.  "Sa labas na lang kita hihintayin." Tumayo sya at kinuha ang mga gamit.

"Wag na. Mauna ka na lang." Nilingon nya ko bago nya tuluyang buksan ang pinto ng unit ko. Parang inis na inis sya, ano bang ginawa ko??

"Sabi mo eh." Binuksan nya ang pinto at tuluyan ng lumabas ng unit ko na hindi man lang lumingon ulit. What the? Anong nangyari don? Diba dapat ako ang cold sa kanya?! 

Binilisan ko nang ubusin ang pagkain ko at agad na umalis para pumasok. Pagdating ko sa elevator parang gusto ko na lang maghagdan dahil sa tagal ng pagdating nito. Nakababa ako after 5 min at parang automatic na naghanap gray na sasakyan sa paligid.

Pero wala.

Ewan ko ba, nag expect na naman ako sa kanya. Bakit nga ba ko nag e-expect sa isang katulad ni Vergara? Wala naman kaming relasyon at malinaw saming dalawa na hindi namin type ang isa't isa. Oh wag kayong magreact, hindi ko sya type pero nakakainis lang dahil nagugustuhan ko sya.

 Hay. Tamad na tamad akong naglakad papunta sa may abangan ng taxi wala na akong pakialam kung malate man ako kasi classmate ko sya sa first subject namin.  Nag vibrate ang phone ko kaya naman naging busy ako sa paghalungkat sa bag ko, may dumating na na taxi, sana naman huminto sya kahit hindi ako nakatingin. Pagkakuha ko ng phone sa bag, saktong tigil ng taxi sa harap ko kaya naman tumingin na ako at sinara ang bag ko. Pero isang gray porsche ang nakita ko.  Na hook ang mata ko sa taong nakasakay dito ng lumitaw ang imahe nya sa dahan dahang pagbaba ng bintana. Parang naging slow-mo ang paglingon nya sakin suot ang shades nya na lalong nakapagpaangat ng katangusan ng ilong niya. Ayoko man aminin sa sarili ko pero malakas pa rin talaga ang epekto nya sakin kahit na sinabi ko na sa sarili ko na pipilitin kong patayin kung anong meron ako para sa kanya. I comb my hair upward using my bare hand to bring myself to stop admiring his appearance.

Napaatras ako ng biglang buksan ni Andrew ang pinto sa passenger seat. "Sumakay ka na." Cold pa rin ang pagsasalita nya, mag-iinarte pa sana ako at sasabihin na ayokong sumabay sa kanya pero parang badtrip talaga sya kaya sumakay na lang ako at agad pinaandar ni Andrew ang sasakyan nya. Tahimik lang sya kaya ganon din ako kaso nakakabingi ang katahimikan at hindi ako sanay na tahimik lang sya.

"Hoy Vergara, anong problema mo?" Tumingin ako sa kanya kaya nakita ko ang pag galaw ng mata nya papunta sa direksyon ko. Pero hindi sya nagsalita at nagmaneho lang. 

"Tsk." Nilakasan ko talaga ang pag -tsk ko para marinig nya. Nakakainis. Dumating kami sa school ng hindi nagpapansinan, pag ka-park pa lang nya ng sasakyan ay agad akong bumaba nang hindi tumitingin sa kanya. May mga babae na napatingin at nagreact sa pagbaba ko sa kotse ni Vergara pero wala akong panahon sa kanila. Tuloy tuloy lang ako sa paglakad thou naghihintay na baka sakaling may tumawag sa pangalan ko o biglang humawak sa braso ko pero wala. 


I entered our room without  realizing that I push the door harder than necessary, napatingin tuloy sila sakin lahat pagsara ng pinto dahil sa ingay nito.

"What's with the mood?" Dianne asked. Tumayo sya dala ang bag nya at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Hindi ako makakapagdeny sa kanya kasi kilala na nya ko, tingin ko ganon din sya kay Jess. Sa aming tatlo kasi halos sya lagi ang nakakapansin ng kakaiba samin, magaan ang loob ko mag open up sa kanya kumpara kay Jess, hindi naman sa mas close or what pero may something kasi sa kanya na wala saming dalawa ni Jessica.

"I don't know Dianne, si Andrew kasi eh." upon saying his name pumasok sya ng room kasama ang iba pa nyang kablockmate. Nakita ko rin si Jessica na kasama nila at kasama si Daniel. 

Tumingin si Dianne kay Andrew na mukhang naupo sa may last row kasama ng iba, sila Jessica at Daniel naman naupo malapit samin ni Dianne.

"Anong meron sa kanya? Ano na bang nangyayari sa inyo? Totohanan na ba kayo?" Pabulong na tanong ni Dianne at tumingin na ulit sakin.

"Totohanan? Hindi mangyayari yon..." Feeling ko napaka obvious ko sa way nang pagkakasabi ko.

"Hmm?"  aniya. Nagkibit balikat na lang ako. 

__

"Tara guys lunch na tayo, sumakit ang tyan ko sa lecture natin ngayon, ang dami masyado, halo halo." Sabi ni Dianne at nagtawanan naman kami. Totoo kasi ang sinabi ni Dianne ang boring din kasi salita lang ng salita si Prof.

"San tayo, Caf o sa labas na lang?" Tanong ko.

"Sa labas na lang kung gusto nyo, dala ko naman ang sasakyan ko eh. Mahaba ang vacant nyo diba? Pareho ng samin." Suhestiyon ni Daniel.

"Oy gusto ko yan! Tara tara! Gutom na rin ako!" Excited na tugon ni Dianne at tumawa kami. Nag ayos na kami ng gamit para makaalis.

"Tol, Tara!" Napatingin ako sa may likod dahil dun nakatingin si Daniel. Si Andrew at Tonio pala. Tumingin sakin si Andrew tapos kay Daniel.

"G." sagot niya saka sya tumayo dala ang bag nya. May kausap sa phone si Tonio kaya hindi na nya sumagot at tumayo na lang din. Lumabas kami ng room at pilit kong hindi mapatingin kay Andrew.

"Tol salamat in advance!" Sabi ni Andrew sabay akbay kay Daniel.

"Para san?" tanong nya.

"Libre mo di ba?"  Humindi man si Daniel sa una pero nakantsawan nila Andrew at Tonio, dinamay na rin kasi nila Jessica para pumayag ni Daniel.

If by ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon