Chapter 10

646 21 28
                                    

 It's been 3 months after akong bigyan ng advice ni Andrew about forgetting him, I mean forgetting someone. And guess what? I really followed his advice. Madalas kaming magkasama, well technically sya ang laging naka buntot sakin. Lagi nya kong niyayaya kung saan saan at naging drinking buddy ko na rin sya. Sa tingin ko mas naging close pa kami at mas naging mature yung friendship namin. O feeling ko lang yon? Hindi na kasi kami nag aaway na parang elementary student.  

I can say that he is really just another guy I know. 


"Andy!" May hindi pamilyar na boses ang nag echo sa hallway sa pagtawag sa pangalan ko. Well not sure kung ako nga talaga ang tinatawag ng lalaking iyon. Naglalakad sya papalapit sakin at mukhang sa akin nga nakatingin. Lumingon ako sa may likuran ko para siguraduhin na kung ako nga ang tinawag nya. Walang ibang babae dito na possibleng Andy ang pangalan. Nasa tapat kasi kami ng classroom nila Daniel, nagpasama si Jessica dahil may ibibigay daw sya kay Daniel. Nasa may pintuan naman si Dianne at Jessica para tawagin si Daniel, ako naman ay nakasandal lang sa may pader habang nag bro-browse sa Instagram.

"Hi." Nasa tapat ko na ang lalaking tumawag sakin kanina. Nakangiti sya na para bang wala nang bukas.

"Hi??" Nag aalangan na tugon ko sa kanya. Napansin kong napatingin sakin si Dianne at Jessica.

"How are you? It's been awhile." Nakangiti pa rin sya. Napakunot ako ng noo dahil hindi ko sya matandaan. Sumulyap ako saglit kay Dianne at Jessica, nasa labas na rin pala si Daniel at nakatingin din sya sa akin, sa amin.

"Hmm.. I'm sorry. But.. Have we met before?" Tumawa sya. Hindi naman ako nagjo-joke, wala akong makita na nakakatawa sa tanong ko. Problema nya?? Napataas ang kilay ko dahil sa naging reaction nya.

"Andrea, seriously?? Nakalimutan mo na ko?? I hate you." Natatawa pa rin sya. Tumingin ako kina Dianne na para bang nagtatanong kung kilala ba nila ang lalaking kaharap ko.

"Sorry? Makakalimutin na yata ako. Sino ka nga ulit?" Mas lumapit sya sakin at pinatong ang braso nya sa ulo ko. What the hell?? Tumingin ako ng masama sa kanya at kusa nyang tinanggal ang braso nya.

"Paolo." Seryoso nyang sagot. Mas kumunot ang noo ko dahil pilit kong inaalala kung nakita ko na nga ba sya.  Paolo?? hmm.

"So seryoso ka nga na hindi mo ko matandaan. Mickey mouse." He winked at me then smirked. Mickey mouse?! Wait! Yung batang nag taas ng palda noong nasa elementary pa lang ako.  

"What the!! Pao??!" Humalakhak sya ng narealized ko kung sino sya. No way! Bakit iba na ang itsura nya?? Sobrang payat nya dati tapos maliit lang sya tapos ngayon buong buo ang katawan nya at sobrang tangkad na sya. Tapos ang.... ang... gwapo na nya. Oh well,  Andrea it's been ages. People change.

"Hahaha! Yup!  Missed me?"  Oh no!  Not another jerk in my life please. He was my classmate since grade 1 to 7, at sa 7 years na yon lagi na kaming magkaaway dahil lagi nya akong inaasar at pinag titripan. 

"No way!  Asa ka naman! Anong ginagawa mo dito?"

"Requirements? " Then may tinaas syang mga papel sa kaliwa nyang kamay.  Nakakainis talaga syang ngumiti kahit kailan.  Yung tipong parang laging nang aasar. 

"Don't tell me--" He cuts me.

"Well,  I want to tell you.  And I'm really glad that next sem I'll start seeing you again. Everyday.  " He said smiling. He emphasized, EVERYDAY.  I heard coughs in the background.  Nakalimutan ko na kasama ko nga pala sila Jess. Nakatingin sila sakin habang nangungusap ang mga mata. 

"Friends mo? " Tanong ni Pao habang nakaturo sa kanila.  Hindi naman ako sumagot dahil agad na syang nagpakilala. 

"Hi, I'm Paolo.  Long lost boyfriend ni Andy. "

If by ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon