Kabanata 6

29.5K 1.2K 297
                                    

Kabanata 6

"Bakit ba naisipan mong dito maglinis?" tanong sa akin ni Donna habang kasalukuyan kaming nagma-mop sa loob ng office. 

"Wala lang," ngumiti ako. "Huling punta ko rito, napansin kong medyo madumi na ang loob kaya sinabi ko kay Mrs. Dela Torres na kailangan linisin."

"Iba 'yong naka-assign dito, may janitor naman sila dito sa building." 

"Wala raw," pagrarason ko kahit na meron talaga. "Sinabi sa akin ni Mrs. Dela Torres na hindi makakapasok si Manong Rolando."

"Sana hinintay na lang natin."

"Masama ata pakiramdam, mukhang sa sunod na Linggo pa makakapasok."

It was actually my fault, I put something in his drink. Hindi naman gano'n kagrabe iyon pero medyo sasakit lang ang tiyan niya. I just wanted to clean here without anyone interrupting. Kailangan ko gawin 'to para sa sunod na plano ko.

I can't see him in that warehouse since I already finished the paper works. Kung sasabihin kong gusto ko ulit tumulong doon ay baka mag-iba ang tingin sa akin ng mga kasamahan ko sa maintenance.

This is the only chance I get to see him, in this building.

"Girls flock at him." iyon ang naalala kong sinabi ko kay Chelsea noong gabing iyon.

"What do you expect from a wealthy and powerful bachelor and business magnate?"

"Not just that..." dagdag ko pa. "He has good looks too."

Nakita ko ang pagngisi ni Chelsea na mukhang binigyang malisya ang sinabi ko. Tumikhim ako at inirapan siya.

"If you still think that I am into him, I'd rather you not." depensa ko. "Hindi na ba ako p'wedeng magpuna kung sinong gwapo o hindi?"

"Type mo?" she asked meaningfully.

"Appearance-wise, so-so." I even did a silly gesture like I'm measuring it. "Personality-wise? Definitely not."

She chuckled. "You know what? There's nothing wrong having a crush on your prospect. Matakot ka na lang kung lumalim 'yang feelings mo."

I scoffed exaggeratedly. Why is she insisting this? For all the men I've targeted this is the only time she's being annoying with this.

"That will never happen."

I was so sure of that. He's weird and he felt non-existing. Kulang na lang ay hindi siya huminga para masabi ko talagang hindi siya tao.

"If you can't seduce him, how about trying to look for his flaw in a different angle?" her suggestion got my attention.

I already got her idea and that had me thinking of a better plan. But that would be difficult since the chance of me interacting with him is small. Napakalawak ng kompanya at tumigil na rin ako sa pagtatrabaho sa warehouse na iyon.

"Feeling ko may tinatagong kulo 'yang lalaking 'yan." suspetiya ko. "I'll figure it out."

"Goodluck then."

That's how I ended up with another desperate attempt. Dito ko binalak na maglinis baka sakaling may makalap ako. Although the chances was very low since I don't know when will that guy pop out. 

"Riyel, sa'n ka pupunta?"

Bumaling ako ng tingin kay Donna at napatigil ako sa pag-akyat ng hagdan.

"Kung maglilinis na rin naman tayo, sasagarin ko na. Ayokong may matirang dumi bago tayo matapos." I smiled at her innocently.

"Baka mapagalitan ka." bilin niya sa'kin. "Hindi ba't executive na 'yong mga nasa sunod na palapag? Paniguradong pagbabawalan ka pumasok."

Chasing the Void (Magnates Series #3)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα