Kabanata 4

33.4K 1.4K 1.1K
                                    

Kabanata 4

I guess destiny was really working it hard for me, huh. I was about to give up on him and find someone else, but then this happen. Talagang tadhana na ang gumagawa ng paraan para sa'kin.

"Pasensya na kung medyo marami." sabi sa akin ng babae matapos ilapag ang isang katerbang papel. "Kakarating lang din kasi ng mga materyales kaya gano'n."

"Ayos lang po. Salamat po."

Since I don't want to be unfair, I still finished cleaning the area that I was assigned to before finally going here.

Pinayagan ako ni Mrs. Dela Torres na kahit ang pinapagawa ni Engineer Lopez na lang ang gawin ko buong araw kaso tumanggi ako at tinapos ko muna ang paglilinis. 

I began organizing the files by its corresponding page numbers. Kailangan din isulat kung kulang ang nilalaman ng dokumento kaya medyo matagal na proseso. I was actually used to this since I've helped Daddy before with his files.

Nag-angat ako ng tingin at tanaw ko siya mula sa pwesto ko.

He was holding some tools while looking so serious at the cables on the machine. He has dirt all over him and he is sweating a lot. Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa inaayos niya.

And I thought he would remain seated like a royalty inside his office but he's actually doing labor works in the warehouse.

I finished organizing half of the files when I decided to have a break. Nakita kong nagbreaktime din ang iilang mga empleyado roon.

"Heto meryenda," nagulat ako na mismong si Engineer Lopez pa ang nag-abot sa akin ng pagkain. "Salamat sa pagtulong. Pasensya na kung naabala pa kita sa gawain mo."

"Ayos lang po. Pinayagan din naman po ako ni Mrs. Dela Torres."

Ngumiti siya. "Kumain ka muna bago mo ituloy 'yan."

"Sige po,"

Nilagay ko muna ang mga papel sa isang tabi bago ako kumain ng cassava cake at softdrinks na inabot niya sa'kin. Nag-angat ako ng tingin at nakita kong nag-aayos pa rin 'yong CEO ng kung ano. Looks like he has no plans on taking a break.

"Engineer," rinig kong tawag sa kanya ni Engineer Lopez. "Magpahinga ka muna, makakapaghintay naman 'yan."

"I'm almost done." tugon nito.

Nakita kong kinuha ni Engineer Lopez ang hawak niyang tools at nilayo iyon sa kanya. He looked at him coldly because of what he did.

"I guess your father's right, you like overworking. Manang mana talaga." sabi ni Engineer Lopez. "Look, Draisen, I know as a CEO you wanted to learn these things, but in this warehouse I'm still in-charge. Take a break."

"Okay," mabilis kausap ang isang 'to.

Tumayo siya at pinagpag ang pantalon at damit niya. He got his towel to wipe his sweat. He was so focused in removing the dirt on his arms.

"Where do you want to eat? In your office?" tanong ni Engineer Lopez sa kanya.

"No," umiling siya. "I'll eat here."

"Ayaw mo sa cafeteria? Mas maraming pagpipilian do'n." nakita kong luminga-linga pa si Engineer sa paligid. "Atsaka wala kang mapupwestuhan dito."

Okay, this is my chance.

Umusod ako ng konti at mabilis pa sa alas kwatrong itinabi ang mga papel para mas lumuwang ang maliit na table.

"P'wede po siya rito, Engineer!" agad na suhestiyon ko kaya napabaling sila sa akin.

Chasing the Void (Magnates Series #3)Where stories live. Discover now