Kabanata 5

30.6K 1.2K 1K
                                    

Kabanata 5

"Why are you smiling? May nangyari na ba?" 

Kung hindi pa sinabi ni Chelsea ay hindi ko mapapansin na kanina pa pala ako nakangiti. Agad na tumikhim ako at nagseryoso ng mukha.

"Hmm," I couldn't hide my smirk. "I guess I could say that there's a progress."

"Really? What happened?"

Umayos pa siya ng upo niya mula sa pagkakahiga niya sa may kama ko. She looked at me curiously, waiting for me to spill the tea. 

"He smiled a little...like uhm..." tinaas ko ang kamay ko halos pinagdikit ang hintuturo at hinlalaki ko bilang pagbibigay sukat. "...konti lang pero at least meron." 

"Wow," she exclaimed monotonously. Muli siyang napahiga sa kama niya. "You call that a progress? Akala ko pa naman nakausap mo na tapos naghalikan na kayo."

Napangiwi ako sa sinabi niya.

I can't even imagine doing that with him. Interacting with him for the past days was like talking to some AI robot or some sort. Bilang lang ang salita at kilos niya at wala man lang pagbabago roon.

"I think that would take more time." 

"So, you're willing to do this far just to tame him?" 

"I'll decide when I see that this would no longer work. Possibly find a new prospect." pagpapaliwanag ko. "But since I've started this, we'll see what will happen."

Pumasok ako na ang lalim ng iniisip kung paano ko pa makukuha ang atensyon niya. Ang napansin ko ay mas nagkakaroon kami ng interaksyon sa tuwing nagpapakatotoo ako ng tanong sa kanya.

Like what happened before, I asked him to be my friend and he answered it directly, like some automated response. It's interesting though, how brutally honest he is. Siguro mas gagana 'to kung kahit papaano ay magpapakatotoo ako.

"Ayos ka lang? Kanina ka pa tahimik." tanong sa'kin ni Donna.

Bumalik ako sa reyalidad at nagpatuloy sa pagma-mop. I was thinking hard about how I would approach and talk with him later after this. Nag-iisip na ako ng mga posibleng topic o tanong dahil paniguradong ako na naman ang mapapagod magsalita.

"Ayos lang," ngumiti ako. 

Binasa ko ang mop at muling pinahiran ang mga hindi ko pa nadadaanang parte ng deck. It was a scorching hot day today. Kung mas malala na noon ay mas lalo lamang ngayon. I can almost imagine smoke coming out of my head. 

"Riyel, tubig." inabutan ako ni Ronnel ng bote ng tubig at tinanggap ko iyon.

"Salamat,"

"Ayos ka lang ba? Parang kanina ka pa tahimik."

"Ayos lang. Medyo mainit lang kasi." 

Umupo kami at sumilong sa gilid para magpahinga pansamantala. I feel lightheaded because of the heat and the exhaustion. Sanay naman ako sa ganitong gawain pero parang sobrang nakakapagod ngayon.

"Sabi ni Mrs. Dela Torres, kahit itong yate na lang muna at ipabukas na lang ang iba." nabuhayan ako dahil sa anunsyo ng kasama naming maglinis.

Kung matatapos namin ito agad ay makakapunta na ako sa warehouse. I could have plenty of time. I'll make sure I will use it wisely. 

Feeling motivated, I almost did a lot of cleaning. Ako na rin ang nagpunas ng mga salamin at glass wall. Ako na rin ang nagpalit ng tubig sa timba para sa pagma-mop. 

"Magpahinga ka kaya muna, kanina ka pa gumagawa." suhestiyon ni Donna na mukhang napansin na pagod ako.

I wiped the sweat on my forehead using the back of my hand. "Patapos na rin naman tayo kaya ayos lang." 

Chasing the Void (Magnates Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon