Kabanata 17

27.8K 1.5K 1.1K
                                    

Kabanata 17

"Kanina ka pa nakangisi diyan," pagpuna ni Chelsea habang nagkakape ako at siya naman ay nakaupo sa tapat ko at may tinatype na kung ano sa laptop. "Sure kang wala kang feelings niyan?"

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Wala nga, 'wag kang issue."

"Kung makahagikgik ka riyan habang sumusulyap sa cellphone mo dinaig mo pa binigyan ng melkti, borger at prays."

I made face. "Natatawa lang ako kasi puro link 'yong nirereply niya sa mga jokes ko."

"Grabe, may pagsend na ng porn link."

"Sira!" natawa ako. "Educational links 'yong mga sinisend niya."

"Baka bobong bobo na siya sa'yo kaya gusto niyang ikaw na magbasa."

"Siguro nga," I chuckled.

She squinted her eyes at me as to why I laugh because it's an insult. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain.

Non-working holiday ngayon kaya nasa bahay lang ako buong magdamag. Muli kong binuksan ang cellphone ko dahil bored ako.

Me:

Anong tawag sa Bear na walang tenga?

Naligo muna ako kasi alam ko namang matagal siya magreply. Baka nga pagkatapos pa ng ilang oras. Pagkatapos ko magbihis ay muli kong tinignan ang cellphone ko.

Draisen:

What?

Me:

E 'di B. Sige isipin mo, HAHAHA!

Tumawa ako sa sariling joke ko at hinihintay ko kung paano niya ite-take 'yong joke na 'yon. Para akong nagtuturo sa isang ibang nilalang kung paano ang buhay sa planetang Earth kapag kausap ko siya.

Draisen:

I get it. I just don't want to spoil the joke since you gave effort to be funny.

Me:

E 'di salamat. Eto. Anong tawag sa kalabaw na nasa taas ng puno?

Draisen:

What?

Me: 

E 'di magaling! 

Draisen: 

?

I chuckled. I can imagine him glitching, trying to understand the joke.

Me:

Eto naman. Anong tawag sa kalabaw na lumilipad?

Draisen:

What?

Me:

E 'di mas magaling! HAHAHA! Funny ko talaga!

Draisen:

https://www.fastcompany.com/3028499/this-is-why-youre-not-funny-a-professors-scientific-approach-to-dissecting-humor

Ako na naman 'yong muling humagalpak sa tawa. It was so satisfying to make fun of him. Mas lalo lamang akong ginaganahan dahil talagang nagrereply siya. Hindi niya naman kailangan gawin. He could ignore my texts all he wants but he didn't.

Habang naghuhugas ako ng pinggan ay narinig kong tumunog ang doorbell. Dali-dali akong nagpunas ng kamay para tignan kung sino 'yon. When I opened the door, it was an unfamiliar man wearing a suit.

"Miss Azriella Dominique Ortega?" sabi niya sa'kin.

"Ano pong kailangan nila?"

Nalaglag ang panga ko nang may sumulpot pang ibang tao na may bitbit na mukhang dress na nakatabon ng buo. And by looking at it, it is definitely expensive and luxurious. 

Chasing the Void (Magnates Series #3)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant