Kabanata 26

29.5K 1.6K 1K
                                    

Kabanata 26

Bangag na bangag ako nang maramdaman ko ang pagtama ng araw sa mukha ko.

I didn't get enough sleep last night and I felt my body aching because I slept stiffly. Wala na si Draisen sa loob ng tent dahil alam ko namang maaga talaga nagigising ang isang 'yon.

Lumabas ako ng tent at nakita kong nagliligpit na siya ng mga gamit. Napatayo ako ng tuwid nang bigla siyang mapabaling sa'kin. 

"Morning," he greeted first which made me shock.

Wala ako sa sariling nakatayo roon na tila ba iniisip pa kung panaginip ba 'to o totoo na. I still can't move on last night. He called me by my name and that was...

Wala akong masabi.

Basta ang alam ko lang iyon talaga 'yong pinakarason kung bakit hindi ako nakatulog.

Lumapit ako at tumulong sa pag-aayos ng gamit nang matauhan ako. Napansin kong kanina pa siya nakatingin sa'kin kaya halos isuksok ko lahat ng gamit sa bag dahil hindi ako mapakali. Hindi ko ba alam kung bakit siya nakatingin sa'kin.

"Bakit?" tanong ko nang hindi na makatiis.

His stare was still on me, with that usual expression of him that looks like analyzing my reaction.

"A-Ano 'yon?" kinabahan na ako.

"You didn't greet back." 

Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Napakurap-kurap ako, pilit inaabsorb ang nangyayari ngayon. It feels like in front of me was a different person and not the rock that I used to know. 

Pinilit kong matawa. "Bawal hindi maging marupok minsan?"

His brow furrowed so I chuckled.

Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng gamit kahit na wala na naman sa tama ang isipan ko kaya halos sumabog na ang laman ng bag ko. I glanced at him, he was glancing thoroughly at my bag, looking bothered.

"Ano? Aayusin mo?" tanong ko kaagad dahil kanina niya pa minamata.

He nodded so I just gave him my bag. Wala rin ata ako sa kondisyon para maging maayos sa gamit. I was still nervous by his presence that I was confused why I'm so uneasy right now.

Baka kinulang lang talaga ako sa tulog kaya sabaw ako ngayon. 

"Oh ano?" tanong ko kasi nakahawak lang siya sa bag ko. He glanced at me again and I swear those eyes can make you nervous. Pakiramdam ko nalulunod talaga ako sa tuwing tinitignan niya ako.

"I want my greeting," he said. 

Muli akong nagulantang. Hindi ko alam kung bakit naramdaman kong nanuyo ang lalamunan ko. I licked my lower lip unconsciouly but got nervous when his gaze went down to my lips. Pinilit ko na lang matawa.

"Grabe demanding!" tumawa pa ako kahit halatang pilit. "E 'di good morning! Oh ano? Okay na?"

He shook his head so my brows furrowed. Mukhang may hinihintay pa siyang idudugtong ko kaya inisip ko kung ano 'yon. Pakiramdam ko tuloy naalimpungatan pa rin ako ngayon.

"Good morning, Draisen." kinakabahang sambit ko. 

That was my guess so I went with it. He stared at me for a brief second without saying anything. He nodded a bit, satisfied with my greeting, before he proceed on fixing my things. Umiwas ako ng tingin at huminga ng malalim.

Masama siguro 'yong tulog ko. 

We headed back to the dock and I saw Draisen being surrounded by those businessmen who went for the camping. Hindi naman namin sila nakasalamuha masyado dahil nag-iba kami ng pwesto. Draisen formally talked with them with that expressionless and cold expression of him.

Chasing the Void (Magnates Series #3)Where stories live. Discover now