Wakas

42.3K 1.7K 1K
                                    

Wakas

Liwanag. Liwanag ang bumungad sa akin nang iminulat ko ang mga mata ko. 

Ramdam ko pa rin ang sakit sa buong katawan ko at hindi pa rin ako makagalaw ng maayos. Iginala ko ang buong mata ko sa paligid at ang tanging nakita ko ay kulay puti.

"Shit, buti sa langit ako. Akala ko sa impyerno ako mapupunta." bulong ko sa sarili ko. "Hala, nagmura ako. May minus points ba?"

Natigilan ako nang maramdaman ko ang init ng kamay na mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Napatingin ako kung saan nanggaling iyon at nakita ko ang isang pigura ng lalaki sa gilid ko.

Nakayuko siya at nakabaon ang mukha sa may kama sa gilid ko. Mukha siyang natutulog. Nakahawak siya sa kamay ko nang mahigpit na parang hindi na ako makakawala.

That familiar warmth felt so calming. Naramdaman ko ang init sa puso ko habang pinagmamasdan siya. I don't know how long has it been, but this feeling, I wouldn't mind feeling this forever. 

"Draisen..." I whispered under my breath to not wake him up. 

Pero mukhang mali ata ako dahil malakas ang pandinig ng isang 'to. Nakita kong agad na napabangon siya matapos marinig iyon, hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. 

Kita ang gulat sa mukha niya na tila ba inaanalisa pa kung totoo ba ang nangyayari o nananaginip lang siya. He was just frozen there, staring at me as if I wasn't real. 

"Gusto mo makarinig ng joke?" pagbasag ko sa katahimikan dahil mukha kaming tanga na nagtititigan lang. 

Tatawa na sana ako kaso natigilan ako nang makita kong may tumulong luha sa mata niya. Hindi pa rin siya gumagalaw sa pwesto niya pero umawang ang labi ko nang makita ko siyang umiiyak. I was speechless. Inisip ko tuloy kung totoo ba 'to o baka naman namatay na talaga ako.

Totoo ba talaga 'to? Umiiyak siya? Si Draisen? Umiiyak? Patay na nga siguro talaga ako. 

He quickly went towards me. Mukhang yayakapin sana ako kaso tumigil dahil sa kalagayan ko ngayon. Instead, he sat back and buried his face on my stomach. I can feel his body trembling. Gulantang pa rin ako kaya hindi pa rin ako makagalaw.

"Bakit ka nanginginig? Mukha ba akong apoy?" I joked to make it light. Hindi rin ako mapakali lalo na't umiiyak talaga siya at hindi ko tuloy alam kong talaga bang gising ako o nananaginip lang ako.

I placed my hand on top of his head, caressing his hair a bit. Narinig kong nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga, na tila ba napanatag siya nang gawin ko iyon. 

"Tama na. Bato ka, walang umiiyak na bato." 

He didn't move. He stayed like that for I don't know how long. Nanatili akong hinahaplos ng marahan ang buhok niya pero hindi ko maiwasang maging emosyonal din. Nakaramdam ako ng pangungulila sa ganitong pakiramdam. 

I miss him so bad. 

Ilang minuto ay bumangon na siya at tinignan na ako. Nanatili ang tingin niya sa akin na tila ba maglalaho ako bigla. Kita ko ang pagpula ng ilong at ng mata niya. He remained expressionless yet I could feel the longing through his gaze.

"Hindi ka umiyak noong nagbreak tayo. Kailangan pala agaw buhay ako para mapaiyak ka." natatawang sambit ko. Mukhang hindi niya iyon nagustuhan dahil kita ko ang pagdilim ng tingin niya matapos ng isiniwalat ko.

I smiled at him and tried to get up. Medyo nahirapan ako kaya agad na dinaluhan niya ako para tulungan. Nang makalapit siya ay agad na hinila ko siya para mayakap. He stiffened for a brief second before I felt his body relaxing. 

Chasing the Void (Magnates Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon