Kabanata 19

27.6K 1.2K 658
                                    

Kabanata 19

"Ang aga-aga, napaka-energetic." 

I stopped humming when I heard Chelsea. Nilagay ko 'yong niluto kong breakfast sa may hapag bago bumaling sa kanya nang nakangiti.

"Good morning!" 

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. "In love?"

"No," mas lalo akong ngumiti. "Pero pakiramdam ko malapit ko na makuha 'yong puso ng batong 'yon."

Interesado siyang umupo sa may hapagkainan at kumuha ng tinapay. Kinagatan niya iyon bago muling bumaling sa'king ng tingin.

"Omg, spill the tea, sis."

I smirked. "He called me first and he initiated a kiss."

Halos malaglag 'yong tinapay sa bunganga niya dahil sa sinabi ko. Hindi kalaunan ay narinig ko ang tili niya. Tumayo kaagad siya at pabirong pinaghahampas ako.

"So? Ano na'ng plano mo kung gano'n?" tanong niya.

"Hahayaan kong mahulog ang loob niya sa'kin. Then I'll surely use that in my own advantage."

Actually, I have no concrete plan yet but as for now, I really want to get that envelope in his cabinet. Hindi rin ako sigurado pero malaking progress na sa'kin 'yong nangyari kagabi. Alam kong mahirap basahin ang utak niya pero sa inakto niya kagabi nasisiguro kong kahit papaano ay napalapit ang loob niya sa'kin.

I didn't think he'd be this careless. Siguro nga nagbigay ako ng distansya pero hindi ko alam na magiging effective 'yon para siya ang gumawa ng paraan. It was unexpected and I feel happy that he's getting comfortable with me.

"May pa-fun run event?" pakiki-usyoso ko sa sekretarya nang marinig kong mabanggit niya. 

"Oo, isa 'yong Navis sa mga nagsponsor kasi dito gaganapin."

"Pumayag si Draisen?" tanong ko. Nakita kong napalingon siya dahil sa pagsabi ko ng mismong pangalan ng CEO. "I mean, pumayag 'yong CEO?"

"Oo, kasi isa iyon sa mga ilang ulit na project na pinakiusapan siya ni Engineer Lopez."

"Ah," tumango na lamang ako.

Pumasok ako sa loob ng office bitbit 'yong pinabili niyang halo-halo. Nakita kong napaangat siya kaagad ng tingin pero hindi sa akin kung hindi sa dala ko. Parang kuminang 'yong mata niya sa halo-halo.

Talagang napatigil siya sa pagtrabaho at binitawan iyon. I almost frown when I saw his excitement when he took it from me. Dalawa ang pinabili niya at alam kong para sa'kin 'yong isa. 

"Pumayag ka sa fun run event?" tanong ko habang kumakain kaming dalawa ng halo-halo. 

"Yes,"

"Ikaw magfafacilitate?"

"I assigned someone for that."

"Pero magsasalita ka sa harap ng mga tao dahil ikaw 'yong CEO at ito 'yong lugar na gagamitin?"

"That's usually how it goes."

"Akala ko ayaw mo ng atensyon?"

"It's not as if I could avoid that. I've been to business meeting and it's only natural to interact."

Tumango lang ako kasi alam ko namang may point. Nakita kong busy siya sa pagtingin sa halo-halo habang tinutusok ng kutsara. Malamig mahilig sa malamig, bagay nga naman.

"You're the one who brought the documents." sabi niya.

"Ha?"

"The one requested by Engineer Lopez."

Chasing the Void (Magnates Series #3)Where stories live. Discover now