Kabanata 12

27.6K 1.2K 338
                                    

Kabanata 12

The next days passed like a whirlwind and it felt like a routine that is consecutively happening.

Sinubukan kong agahan pero palagi ko siyang naaabutang nag-wo-work out. Tapos lilinisin ko ang opisina at kwarto niya na hindi naman kailangan ng kahit anong linis.

Sa tanghali naman ay bibilhan ko siya ng lunch niya. Tapos sa hapon may pupunta ulit na magandang babae na hula ko ay mga potential fiancee niya na mukhang wala siyang pakialam. Mukhang hindi niya nga kilala ang iilan.

That's it. That became my daily routine at work.

"Oh? Bakit mukhang pagod na pagod ka?" pambungad sa akin ni Chelsea pagkauwi ko.

I didn't answer, I immediately threw myself on the bed.

"Hulaan ko, may kinalaman sa CEO."

Sinulyapan ko siya dahil sa sinabi niya. Humalakhak siya nang makitang bumusangot ang mukha ko.

"I'm not doing much but it feels more exhausting." I whined. "Mas gusto kong bumalik na lang sa paglilinis ng mga yate at barko."

"Bakit? Ano bang ginagawa?"

Natigilan ako kasi inisip ko 'yong mga nakalipas na araw. Wala naman talagang ginagawa sadyang napapagod lang ako sa presensya niya. Parang bilang lang 'yong kilos at salita ko dapat.

"I just..." I halted for a moment. "I don't feel comfortable with him."

"Bakit? Narealize mong crush mo na?" panunukso niya pa na pinang-ikutan ko lang ng mata.

"Gwapo siya pero ayoko sa presensya niya, hindi ko alam kung bakit. Ngayon lang ako naging ganito, dati naman ayos lang."

"Catching feelings for him?" she asked.

"No, definitely not."

I was so sure because I clearly know what's its difference. Kung may nararamdaman naman ako hindi ko naman itatanggi iyon. I will be aware of it and I won't deny it. Kung gusto ko, gusto ko.

Takot? Possibly. I might find being around him uncomfortable because I think he has something under his sleeves that emits danger. Like he could easily turn the table in an instant.

I plan to ruin his company, yes, but I don't want anyone to be involve with me if ever I got caught with this. Naging maingat ako sa nakalipas na mga taon kaya dapat kung may mangyari man ay sa akin lang dapat at hindi sa iba.

Pumasok ako kinabukasan ng maaga kagaya ng madalas kong ginagawa. I started sweeping the floor even though it still looks clean. Wala naman akong magawa dahil dito ako inassign at ayoko namang walang gawin kada araw.

Tinaktak ko iyong dust pan sa may trash bin at halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang bumukas ang pinto.

And it was him.

Walang bakas ng emosyon ang mukha niya na nasanay na akong tignan. His hair is disheveled and is covering his dark jet black eyes a bit. He is breathing heavily but there's no sound, just a slight movrment of his chest and shoulders.

He's wearing a plain black shirt and some sweatpants. He's sweating a lot while he's holding a towel and his black hydro flask on each of his hands.

"Good morning po," I greeted politely.

As usual, no response. Siguro noong baby siya ay hindi man lang siya umiyak sa buong buhay niya. Parang ikamamatay niya ang gumawa ng kahit na anong ingay.

"Nag-jogging kayo, Sir?" I tried initiating a conversation.

Siguro dala na rin ng boredom. Iniiwasan ko siya sa mga nakalipas na araw kaya napansin kong masyadong halata iyon. Maybe if I talk a bit more then he won't find me suspicious.

Chasing the Void (Magnates Series #3)Where stories live. Discover now