Kabanata 24

30.2K 1.4K 1K
                                    

Kabanata 24

Nagising ako sa tunog ng alarm. Madilim at wala ako masyadong makita. Binuksan ko 'yong lampshade at nakita kong wala na si Draisen sa tabi ko. Looks like this is his usual morning routine, waking up early. 

"Good morning," pagbati ko habang humihikab. 

Nakasuot na siya ng work-out attire niya. He was tying his shoe lace as I stood up. Nag-unat unat pa ako para mas lalong magising.

I went inside the bathroom to wash my face and brush my teeth. Napangiti ako nang makitang may nakahanda na shirt at shorts sa may gilid para sa'kin. Hindi iyon masyadong malaki at kasyang kasya sa'kin. Mukhang pinaghandaan na niyq rin ako ng masusuot.

Lumabas ako ng banyo pagkatapos kong magbihis at nakita kong nakaupo lang siya roon at mukhang hinihintay ako.

"Wow," komento ko kaagad.

Hindi siya nagsalita at nauna nang lumabas. Pikon talaga minsan. Nakangiti ako at agad na sumunod palabas. Madilim pa ang labas dahil madaling araw pa lang. Pero alam ko namang mas gusto niya ito dahil wala masyadong tao.

"Ang sarap ng tulog ko kagabi," nakangising pagkukwento ko.

"Good for you."

"Ikaw?" lumingon ako sa kanya. "Nakatulog ka ba ng mahimbing?"

"It's fine,"

"Hmm..." I shortened our distance. "Mukha nga. Ang higpit ng yakap mo sa'kin kagabi, e."

He didn't say anything so I chuckled. Mukhang hindi niya matandaan pero nagising talaga ako noong gabing 'yon dahil nabigla ako nang may biglang yumakap sa'kin. He was in deep sleep and he treated me like I'm a bolster.

"Hindi tuloy ako nilamig at napasarap ang tulog ko." mapang-asar na gatong ko pa.

Hindi ulit siya nagsalita kaya alam kong napipikon na siya. I was all smiles as we headed on our usual spot. Nagsimula na siyang magset ng kung ano sa may smartwatch niya. I did the same thing. 

Nagsimula na kaming magjogging at hindi ko mapigilan ang laki ng ngisi ko. I never thought I'd be excited in the morning just because I had a good sleep last night. Pakiramdam ko na-recharge ako at kaya kong linisin ang buong Navis.

"Pupunta ka sa camping trip?" tanong ko nang makita 'yong parang pamphlet sa may table niya habang naglilinis. Kumakain na kami ngayon ng lunch. 

"I was invited by one of the business partners. My parents wanted me to come." 

"Pupunta ka?"

"I'm still thinking about it." he answered after chewing his food. 

Natawa ako. "Hindi ko ma-imagine."

"What?"

"Na nasa bundok ka at nagca-camping. Siguro nasanay ako sa presensya mo na palaging nasa opisina kaya hindi ko maisip na kaya mong mag-outdoor activities." 

"I like outdoor activities."

Siguro nga dahil masasabi kong athletic siya at mahilig magwork-out. Pero ang magcamping, hindi ko talaga siya makitang gumagawa ng mga gano'ng bagay lalo na't ayaw niya sa madaming tao.

"Paano 'yan? Akala ko ba ayaw mo sa mataong lugar?"

"It wouldn't be crowded since it will only be a few people and all of them are acquaintance." 

"Ah," tumango ako bago tumayo. Kinuha ko na 'yong plato namin. "E 'di good for you." 

"You're coming with me."

Chasing the Void (Magnates Series #3)Where stories live. Discover now