Kabanata 40

31.3K 1.1K 188
                                    

Kabanata 40

"Aalis ka na po talaga, Ate Riyel?" 

I smiled as I watched them pouting in front of me. Mukhang nakarating na nga sa kanila na hindi ako magtatagal dito at aalis din. 

"Oo, pero bibisita pa rin ako kapag may pagkakataon." I grinned.

"Aasahan po namin 'yan, 'wag niyo po kaming kakalimutan."

Pinalibutan pa nila ako at may mga iniwan pang mga regalo at letter sa may desk ko. May mga pa-kanta pa sila bilang performance dahil aalis na raw ako. May mga umiyak na pagkatapos ko magpasalamat sa kanila. Natawa na lang ako nang sinugod nila ako ng yakap. 

"Kapag po ba bumalik kayo, ipapakilala niyo rin po ba sa'min ang asawa niyo?" tanong pa ng isa. 

"P'wede," natatawang sagot ko kaagad. Gusto ko sana, hindi ko lang alam kung may babalikan pa ba ako pagkapunta ko roon. 

"Ang sabi niyo po kasi sobrang gwapo ng asawa niyo kaya gusto po namin makita! Baka niloloko niyo lang po kami!" gatong pa ng isa. 

"Pinakita ko na, ah! Sa cellphone ko!" sabay turo ko sa cellphone ko. Ang naalala ko kasi may pinakita akong picture ni Draisen, kaso nakaw na picture 'yon. Ako 'yong nakangiti sa unahan tapos nasa likuran siya at nagtatrabaho kaya malabo kasi baka mahuli ako. 

"Pero mukhang artista naman 'yon, e! Parang niloloko mo lang po kami!"

"Aba! Mukha bang hindi ako aasawahin ng gano'n ka-gwapo? Ang ganda ko kaya! Bagay kami!"

Mas lalo lang akong na-offend nang mukhang nag-isip pa sila kung bagay talaga kami. Kahit saang lugar talaga, sobrang lamang ng batong 'yon. Kahit huminga lang siya mukhang sasambahin na siya ng mga tao. 

Nagpasalamat ako sa mga organization na sinalihan ko na binigyan nila ako ng pagkakataon para makisalamuha sa mga bata malapit sa barangay. Pumunta rin ako ng simbahan para magpaalam na rin kasi ilang buwan din akong nagvolunteer sa mga charity works do'n. 

"Bisitahin mo kami minsan, ah." sabi ni Sister Ross. "Ma-mi-miss namin ang kakulitan mo tuwing nandito ka."

"Ano po? Ah, ma-mi-miss niyo po ang kagandahan ko?" natatawang sambit ko. "Ayos lang naman po, Sister. P'wede naman po akong mag-iwan ng selfie rito para hindi niyo masyadong ma-miss."

Natawa siya. "Pasaway ka talagang bata ka."

Nagkatuwaan pa kami at inaya nila ako roong magtanghalian, hindi na ako tumanggi dahil aalis na rin naman ako kinabukasan. Naging masaya ako sa pananatili ko rito at sobrang laking tulong ang naidulot nito para sa sarili ko. 

"Maraming salamat po, Doc." I smiled widely. 

Today is my last session and I didn't expect it would make a huge change in me, positively. I was hesitant at first since I'm not the type to be open about something to someone. Sa mga umpisa ay sobrang hirap pa akong ilabas lahat lahat ng mga saloobin ko. 

But the thought of doing this for a purpose changed me. Walang araw na hindi ko inisip si Draisen. Walang araw na hindi ko siya na-miss. It was difficult yet I was willing to do it. And that idea gave me strength to continue.

"You did great, I'm so proud of you." she said to me. 

Tumayo ako at mas lalong lumapad ang ngiti ko. Lumapit ako at agad na binigyan siya ng yakap. She chuckled and patted my head. 

"Iimbitahin ko po kayo sa kasal ko," natatawang sabi ko.

"Aasahan ko 'yan," 

"Kayo na rin po ang isa sa magiging ninang ng magiging anak ko." pahabol ko pa kaya mas lalo lang siyang natawa. Akala niya naman nagbibiro ako, seryoso kaya ako. 

Chasing the Void (Magnates Series #3)Where stories live. Discover now