Kabanata 21

28.7K 1.3K 582
                                    

Kabanata 21

Hindi ako makagalaw sa pwesto ko dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung totoo ba 'yong nakita ko o namalikmata lang ako. My jaw dropped as I stood there conpletely still, don't know how to react.

Talaga bang nanuntok si Draisen? Totoo ba talaga 'yon?

He didn't say anything after that he just pulled me away from the scene like nothing happened. Dahil namumulikat pa rin ang binti ko ay hindi kaagad ako nakasunod. He noticed it so he glanced at me. Napasinghap ako nang bigla niya akong binuhat. 

Wala akong nasabi, as in wala talaga. From everything he has done so far, ito talaga 'yong hindi ko talaga inasahan. Napatingin ako sa kanya pero nanatiling walang emosyon ang mukha niya.

"Mr. Velarde, may nangyari po ba?" tanong agad ng lumapit na security na mukhang nabalitaan na 'yong nangyari. It was awkward because Draisen was still carrying me. The security glanced at me before his gaze went back to Draisen.

"He harassed my girlfriend," he causally said. 

Nakita ko ang pagkabigla ng security. Hindi ko alam kung saan siya nagulat, sa harass ba o 'yong sinabi ni Draisen na girlfriend niya ako?

"Gano'n po ba?" aniya. "I-re-report na lang po namin at sisiguraduhin naming hindi na ulit siya makakapunta rito."

Draisen nodded. "I'll deal with it later. Send the report to my office afterwards." 

The man bid his goodbye and walked away. Dire-diretso naman si Draisen sa paglalakad patungo sa may building. Malayo-layo rin iyon pero walang nagsasalita ni isa sa amin. I can feel the warmth from his body since he's carrying me.

"G-Good morning, Mr. Velarde." 

Nakita kong halos lahat ng empleyado ay napatingin sa amin. Agad na tinago ko 'yong mukha ko sa may katawan niya at tinakpan ang mukha ko.

Hindi ko alam kung bakit ako pa 'yong nakaramdam ng hiya at parang wala lang kay Draisen. I'm sure it was truly shocking seeing the CEO carrying someone. 

Pumasok siya sa elevator at nanatiling tahimik. It was so silent, I couldn't utter anything because I was still in shock. Nang tumunog ang elevator ay hudyat na 'yon na nasa tamang palapag na kami kaya lumabas na siya.

"Mr. Velarde!" gulat na gulat ang sekretarya at halos mapatayo pa sa upuan niya.

Draisen just nodded before he head inside his office. He immediately placed me on the sofa. Sa nangyari kanina ay parang hindi ko na inalintana 'yong sakit sa binti ko.

Pumasok siya sa kwarto niya saglit at pagkalabas niya ay may bitbit na siyang tuwalya na mukhang may nakalagay na yelo sa loob. He even brought some ointment or something.

"Anong palabas 'yon?" pagbasag ko sa katahimikan nang magsink-in lahat ng nangyari. His attention was all on my cramped calf muscle. He is pressing the cold compress on it.

Dahil hindi siya sumagot ay nagsalita ulit ako.

"Why did you do that?" tanong ko ulit. "Akala ko ba ayaw mo ng atensyon? Mukhang sa ginawa mo kanina ay magiging laman ka ng usap-usapan."

He wiped the wet part on my leg. Binuksan na niya 'yong parang ointment at pinahid iyon sa'kin. Nagulat ako dahil sa lamig no'n sa balat. I hissed a bit. 

"Protective boyfriend ka na ngayon?" I teased to get a reaction from him.

"He's harassing you."

"Kaya nagalit ka kasi hindi mo nagustuhan 'yong nangyari?"

"Who wouldn't be?"

"Bakit ka nanuntok?"

Hindi siya nakasagot sa sinabi ko. I bit my lip because I find it so amusing especially now that he's trying to avert from my question.

Chasing the Void (Magnates Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon