Kabanata 41

29.9K 1.1K 73
                                    

Kabanata 41

Ang hirap na ito ang bumungad sa akin pagkabalik ko. Ilang buwan lang ang lumipas na ginawa ko para sa sarili ko at ngayong gusto ko ulit magsimula, ito pa talaga ang nangyari.

The issue about Navis filled the media for almost an entire week. And as expected, Velarde is taking care of it quietly. Maraming bumatikos kung bakit wala man lang nilabas na statement ang Velarde tungkol sa nangyaring insidenteng iyon. Many networks tried to connect with them but failed. Mas lalo lamang naging magulo ang lahat.

It went private, the on-going investigation and interrogation and I have no news about it. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari o kung paano nila ginagawan ng paraan iyon. O kung may ginagawa ba sila o hinayaan na lang nila na ganito ang mangyari sa image na matagal nilang pinapahalagahan. 

They stayed having a low profile and avoided media as much as possible, never flaunting what they've achieved. But now this happened, it surely was a huge blow to them. 

Kung ako ang magiging rason ng katahimikan nila ay hindi ko iyon matatanggap. I'll be fine if they'd attack me or my family instead. Kesa 'yong ganito na talagang ginagawan nila ng paraan para lang bigyang proteksyon ako at ang pamilya ko.

I don't think this lie would achieve something. Mas lalo lamang silang masisira kung patuloy nilang gagawin ito. 

"Engineer Lopez, nakikusap po ako. Tulungan niyo po akong makausap si Draisen." I pleaded when I saw him entering the building. 

"Pasensya na, ija. Maging ako, hindi rin pinapayagan kahit makabisita man lang. Mahigpit na nakabantay 'yong mga security at bodyguards nila." pagpapaliwanag niya. 

Inasahan ko nga na mangyayari 'yon. Matapos siya dagsain ng ilang mga media at halos lahat ay gusto malaman ang panig niya, naging mahigpit ang security sa kanya. Ito siguro ang paraan ng pamilya niya para masiguro ang kaligtasan niya. 

I know that their security doubled, or it even tripled. Mas lalo lamang naging daan 'yon para mas paliguan ng batikos ang Navis. No matter how you look at it, it will just show that they were guilty so they're trying to use their power to avoid any interactions with the public. 

"At alam kong si Draisen mismo ang nag-utos na walang tanggapin na kahit sinong bisita." dagdag niya. "I know that kid, he wanted to avoid anyone getting involve with the issue."

Wala na nga akong nagawa dahil alam kong magagawa iyon ni Draisen. He's the type to face a dilemma by himself, privately. Pero wala talagang ibang paraan kung patuloy nilang pipiliin na itago ang nangyari.

I just want to tell them that it'll be fine if they'd admit to the public that it was indeed my brother. Tatanggapin ko lahat ng mapunta sa aking isyu pero dahil sa ginawa nilang patuloy na pagtatago, mas lalo lang lumalala. 

I don't want them to get ruin, especially that I was involved. 

Navis lost a lot of projects because of the issue about the CEO and that incident. Lahat ng mga kapalpakan ng mga empleyado noon na hindi pa si Draisen ang humahawak ng kompanya ay naungkat at siya ang sumalo ng lahat, iniisip na may kinalaman siya. 

I witness what he did as a CEO and I saw how Navis grew with his leadership. He removed every single person who got involved in dirty businesses who used the company for their gain. But no one saw it, no one appreciated it. 

Basta talaga kapag may nakitang mali sa iyo, iyon at iyon na ang tatatak sa isipan ng mga tao. Kahit hindi ka nila kilala at hindi nila alam ang buong istorya, sa utak nila, masama ka na. 

Did I ever show him my appreciation at least? Or was I too self-centered that I was drowned with guilt that I became too dependent on him?

And now this is happening...he got involved even though he's innocent. 

Chasing the Void (Magnates Series #3)Where stories live. Discover now