Jealousy 19

4.7K 94 7
                                    

Una sa lahat, gusto ko pong magpasalamat sa patuloy na pagbabasa at pagtitiyaga sa mabagal na update.To those who are always voting and leaving comments in every update, kilala ko po kayo. Thank you, sobra. You 're the source of my motivation to continue writing. Malapit na mag-40k reads ito. Huhuhu. I'm so happy. Sana samahan nyo ako hanggang sa huli. I love you, guys!

Nga pata, try listening to Enchong Dee's 'Seloso ' and Hambog ng Sagpro Krew's 'Ang Girlfriend Kong Selosa'. Wala lang, natutuwa lang ako sa mga kantang 'yon kagabi. Hahaha

Rica's POV

The sembreak is over and I must say, nasulit ko ito. I got time to spend with my friends and my family.

Kinagabihan sa ikalawang araw namin sa resort nina Vance ay natuloy ang pinlano naming bonfire at barbeque party. Mabuti na lang Marco allowed me to join eventhough I was still not so well. 'Yon nga lang dinaig ko pa ang tatlong taong gulang na bata dahil todo bantay siya sa akin na parang ang lala ng sakit ko.

Sinigurado niyang balot na balot ako bago lumabas dahil daw baka lagnatin pa ako. He never left my side. Panay nga ang asar sa amin ng mga kaibigan namin pero binalewala niya lamang ang mga hirit nila.

That night, I also told him the truth and everything that kuya Alvin said para matahimik na siya. Kahit kasi sinabi niyang okay na para sa kaniya, I felt like it was still better to tell him to stop him from thinking about it. Hindi nga siya makapaniwala noong una kasi ang galing daw nitong umarte at hindi man lang gumanti sa suntok niya. Well, I guess that bastard can really be a great actor. Hindi ko rin masisisi ang boyfriend ko sa ginawa niya dahil kung ako ang nasa sitwasyon niya ay talagang iinit din ang ulo ko.

We spent the remaining days of our vacation with our own family. Pagkatapos umuwi galing sa resort ay hindi na kami nagkita ni Marco at hanggang text at tawag na lang. He said he had some things to do. Maybe some schoolworks. Graduating e.

Ako rin naman ay naging abala sa pag-asikaso sa mga kamag-anak namin na nanatili sa bahay ng dalawang araw. It's in our family tradition na kasi na sama-sama naming binibisita ang mga mahal namin sa buhay na pumanaw na kapag Undas.

Bukas ay November 3 na naman at pasukan na ulit. Ang bilis dumaan ng araw. Medyo tinatamad pa ako pero excited na rin knowing that finally, makikita ko na ulit si Marco. I miss him.

Gosh! I'm so clingy. Para namang ang tagal naming hindi nagkita e wala pa ngang isang linggo 'yon. Siguro nasanay lang talaga akong halos araw araw ko siyang nakikita at nakakasama.

---

Kinabukasan ay idinaan ako nina mommy at daddy sa school. Successful daw kasi ang deal na inasikaso ni daddy kaya magde-date sila buong araw ngayon para makabawi kay mommy. Idiniin pa talaga ng tatay ko ang word na DATE nang tanungin ko kung saan sila pupunta. Feeling bagets din kasi sila minsan. Pero kinikilig ako sa kanilang dalawa. Despite of their age, there's still 'sparks' when they look at each other.

Well, they're still young pa naman. Mom is only 39 and and my dad is 41 years old. My mom was 22 when she gave birth of me because they immediately got married as soon as she graduated in college kasi si daddy na rin daw ang humahawak ng kompanya nila noon. I always love listening when my mother starts telling me their love story.

"Hi, bestie!"
My bestfriend greeted as soon as I reached the campus oval for the flag ceremony. Pagdating ko kasi ay nagsisitungo na dito ang mga estudyante kaya nagmamadali kong iniwan sa room ang bag ko para makipila na rin sa line bago magsimula.

"I missed you!"
Sabi ko pabalik at yinakap siya. Pagkakalas ko sa yakap ay doon ko lang napansin ang bagong kulay ng kaniyang buhok.

"Oh. My. God. You dyed your hair with red?!"

His Jealous GirlfriendWhere stories live. Discover now