Jealousy 22

3.7K 85 9
                                    

Rica's POV

Mabilis lumipas ang mga araw at malapit na naman ang Christmas vacation at dalawang araw na lang ay magaganap na ang annual Christmas ball sa school namin pero wala pa akong isusuot. Hindi ko kasi ito masyadong napagtuunan ng pansin dahil naging abala ako sa pag-aaral para sa third periodical tests namin na katatapos lang kahapon.

"OMG! You need to make patahi or bili na girl. It's near na kaya!"

Paalala sa akin ni Shiela. Kausap siya sa Skype dahil Sabado ngayon at nasa bahay lang kami pareho.

"Kaya nga e! Aalis kami ni mommy mamaya para maghanap."

Sagot ko at sumubo ng isang piraso ng ubas na kinakain ko.

"Ikaw, meron ka na bang susuotin sa Monday?"

Balik na tanong ko sa kaniya na ngayon ay nakikita kong nag-aahit ng kilay.

"Uhm, yeah. Binigay sa akin yesterday."

Kumunot ang noo ko.

"What do you mean na binigay?"

I asked and she retuned her attention on the screen.

"Basta. I gotta go, Rics. Mom's is calling me na."

Pahayag niya kaya wala na akong nagawa kung hindi ang magpaalam na lang din.

Pagkapatay ko ng laptop ay tinext ko si Marco para ipaalam sa kaniya na aalis kami ngayon ni mommy. Baka kasi pumunta siya dito at wala ako sa bahay. Agad naman akong nakatanggap ng reply mula sa kaniya na nagsasabing lalabas din daw sila ni Vance dahil may ipapalagay sila sa kanilang sasakyan. Boys and their toys.

"Sabi ko kasi sa 'yo noong isang Linggo pa na magpatahi na tayo e."

Sermon ni mommy sa akin habang naglalakad kami papunta sa susunod na boutique. Kanina pa kami paikut-ikot dito sa loob ng mall at hanggang ngayon ay wala pa rin akong napipili. Wala kasi ngayon sa Pilipinas ang kaibigan niyang palagi naming pinagpapagawaan o pinagbibilhan ng damit.

"Long gown o cocktail?"

Tanong ni mommy habang may kinakalabit sa phone niya.

"Cocktail 'my."

Sagot ko sa kaniya nang nasa pintuan na kami.

Tumango siya at isinenyas na mauna na ako sa loob dahil may tinatawagan yata siya. Pagkapasok ko ay binati ako ng isang saleslady kaya nginitian ko siya pabalik. Iginala ko ang paningin ko sa mga damit at agad na nakuha ang atensyon ko ng isang itim na cocktail dress.

Ang ganda!

Nagkalakad ako papalapit doon para suriin pero nang saktong kukunin ko na sana ito pero sabay na dumapo ang kamay ng isang babae at ang akin sa hanger ng damit.

Nagkatinginan kaming dalawa at nakita ko ang maputi at maamong mukha nito. Sinuri kong ang kabuuan niya ng ilang segundo. She's wearing a floral dress and a wedge. Mahaba ang kulot na buhok nito at mas matangkad ako ng kaunti sa kaniya. She's pretty. Mukha siyang mabait.

Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi.

"Kukunin mo ba ito, Miss?"

Tanong nito habang hawak pa rin naming dalawa ang damit. Umiling ako.

"I was just about to check it."

Sagot ko at nginitian din siya. Binitawan ko ang dress pagkatapos ay nagsalitang muli.

"You can take it. Titingin na lang ako ng iba."

Sabi ko at nakita ko ang pagdiriwang sa kaniyang mga mata.

His Jealous GirlfriendWhere stories live. Discover now