Jealousy 37

1.9K 39 25
                                    

Rica's POV

Pagkapasok ko sa aking kwarto ay doon ako humagulgol ng sobra sobra. I cried for the decision I made and for recklessly hurting the person I love. Galit na galit ako sa sarili ko dahil hindi ko pinagbigyan ang hiling niya, dahil sinununod ko pa rin ang sa tingin ko ay tama kahit na alam kong masasaktan kaming dalawa. Tama lang na palayain ko siya kasi hindi niya deserve ang isang relasyong walang kasiguraduhan. I know how much he loves me and I also know what he is able to do to keep our relationship. However, I need to set him free. Ayokong maging dahilan kung bakit hindi siya makalipad ng kasing-taas ng kaya niya dahil lang lilimitahan niya ang mundo niya para sa akin, para maalis ang aking mga pangamba. Ayoko ring maghintay siya sa wala. He deserves the best things in the world, the things I could not give because I am hundred-mile away from him.

Nakatulugan ko na ang aking pag-iyak at pagka-gising ko ay nakita ko si mommy sa gilid ng aking kama. Sobrang hapdi ng aking mga mata pero pinilit kong dumilat ng maayos. Umupo ako sa aking kama at binati siya. Sumilay ang malungkot na ngiti sa kaniyang labi.

"Your lolo told me about your plans. I know you are going to this for me but how about you and Marco? Iiwan mo siya dito?"
Malumanay na tanong niya. Tinitigan ko ang aking ina na bakas ang pagod sa kaniyang mukha. Dark circles, pale lips...sobrang depressed talaga siya.

"I broke up with him, mom."
She was not shocked about it. Wari ko ay may hinala na siya pagkakita niya pa lang sa akin kanina. Kinailangan niya lang kumpirmahin ito.

"We don't have to do this. I am your mother so I should be the one to protect your heart and sacrifice for you. Angela, puwede naman tayong hindi na umalis. Magiging maayos din ako, anak. Hindi mo kailangang magsakripisyo para sa akin."
Aniya pero umiling ako.

"I know that being away from here is what you need, mom. Maliit lamang ito kumpara sa mga ginawa niyo sa akin simula noong bata pa ako. Besides, desisyon ko pong tapusin na ang relasyon namin. LDR was one of my option but I chose to end it for the both of us. Alam niyo po kung gaano ako kadamot pagdating sa kaniya, mom. Siguro ganoon pa ako ka-immature. Pero ngayon, kaya ko siyang pakawalan dahil kailangan. Ayoko po siyang ikulong sa relayon namin dahil alam kong maraming magbabago sa oras na magkalayo kami."
Hinawakan ko ang kaniyang kamay.

"This is not just for you, mommy. This is for the both of us. Pareho nating kailangang lumayo dito para maibsan ang sakit sa pagkawala ni daddy dahil alam ko sa sarili ko na katulad mo, ay malaki rin natamong sugat sa lahat ng nangyari. Let's get healed together, mom."
Sabi ko at yinakap siya. He held me back.

We took a couple of minutes bago ko siya nakumbinsi na okay lang ako sa naging desisyon ko. Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na huwag na lang kaming umalis kung masasaktan lang ako para sa amin ni Marco. She witnessed our relationship since the very beginning and knowing her, hindi siya sang-ayon sa ginawa at gagawin ko pero pinanindigan ko pa rin ang gusto kong mangyari.
Sa huli ay sumuko rin siya. Now, all we need to do is to wait for our flight after our recognition. Maayos na lahat ang papeles namin.

Ala una ng tanghali nang nagtungo ako sa eskwelahan para tingnan ang posisyon ko sa klase. I saw a post on our class' group that they will release our final grades later. Nang mamataan ako ni Shiela na papalapit sa kaniya sa may bench ay agad niya akong tinadtad ng tanong tungkol sa break up namin ni Marco. She got the news from Vance. Well, what do you expect? Ngayon ko pa lang sana ibabahagi sa kaniya ang nangyari pero mukhang naunahan na ako.

I told her everything. The reason behind my decision and all that I am feeling right now. As expected, she's so worried and do not totally agree with me. Ika niya ay baka takot lang daw akong subukan ang LDR. She asked me to reconsider it but I refused to do so. Pinal na ang desisyon ko at wala nang makakapagbago nito. It feels heavy in my heart knowing that the people around me are against on what I want to do and to happen but I stand firm and will still push this. Sana ay mapanindigan ko talaga hanggang sa makaalis kami.

His Jealous GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon