Jealousy 8

5.7K 121 12
                                    

Rica's POV

"Aray! Ang sakit na nga, babe!"

Reklamo ni Marco.

"Sandali na nga lang! Huwag kang magulo!"

I hissed.

"Huwag mo kasing diinan! Masakit nga!"

Sabi ulit niya at napapikit pa.

"Don't close your eyes! Malapit na!"

Sigaw ko ulit sa kaniya at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Matagal pa ba? Maiiyak na yata ako!"

"Ayan! Tapos na!"

I gave him a peck on the lips and stood up.

"Mukha ka nang Kpop star!"

I said clapping my hands. May nakita kasi akong eyeliner kanina sa sling bag ko at naisipan kong lagyan siya kasi feeling ko bagay sa kaniya. Malas lang niya at pencil eyeliner 'yon at hindi 'yong liquid kaya talagang mahirap ilagay. Idagdag pa na hindi ako masyadong magaling dito.

"Kpop star o frustrated rock star?"

Tanong naman nito at kumurap kurap pa. Makati pa rin siguro 'yong mata niya. Hindi sanay e. Lumapit ulit ako sa kaniya at ginulo gulo ang buhok niya.

"Ang gwapo mo kaya! Nakakainis. Kahit ano yatang gawin ko sa'yo, nakaka-inlove ka pa rin."

I smiled trying to convince him that he looks good, which is true. Nakikita ko ang mga pictures at videos sa mga classmate kong adik sa kpop at masasabi kong pwede siyang ihanay sa mga ito.

"Now, you're going to perform the song I told you to dance today."

Utos ko sa kaniya. Ang tinutukoy ko ay isang kanta na napanood ko rin sa classmate ko na super nagustuhan ko. He asked me a few weeks ago kung ano ang gusto kong regalo ngayon at 'yon ang naisipan kong i-request. Muntik ko nang makalimutan kanina kaya mabuti na lang at naalala ko nang makita ko ang eyeliner. Hindi ko dapat palagpasin ang pagkakataon na ito.

"Pwedeng next time na lang, babe? I didn't have enough time to practice."

He pleaded but I shook my head.

"No. Sasayaw ka ngayon din."

Matigas na sabi ko. I'm so excited to watch him dance. Isang beses ko pa lang siyang nakitang sumayaw. That was when he was teaching his sister and brother for their presentation. Ang bait kasi na kuya.

"I'll play it. Ready?"

I asked as I browse the songs on my phone. Nagkamot siya ng ulo pero pumwesto na rin.

"Dance well. Kapag hindi ko nagustuhan sasapakin kita."

Banta ko. Sa isang relasyon, dapat ang lalaki ang boss...at ang babae ang big boss. Hihi.

"Sapak talaga? 'Di ba pwedeng ingudngod mo na lang..."

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ang labi mo sa labi ko?"

He added, chuckling.

"Tumahimik ka!"

I shouted even if deep inside, I like that idea. Geez.

"Go!"

I commanded as I clicked the play button.

Doegopa neoui oppa

Neoui sarangi nan neomu gopa

Doegopa neoui oppa

Neol gatgo mal geoya dugo bwa

His Jealous GirlfriendWhere stories live. Discover now