Jealousy 29

2.1K 61 8
                                    

Rica's POV
Mabilis na lumipas ang mga araw at ko namamalayan ay February 12 na bukas at ibig sabihin no'n ay birthday ko na. Maayos na ang lahat. Natapos ang photoshoot ko para sa aking pre-debut photos three weeks before my birthday pa. We have already sent all the invitations and practiced the choreography for the cotillon and the flow of the program. Pati ang aking cake na tatlong layers ay tinatapos na lang din. Ang sabi ng pinsan ni Vance na kinuha naming organizer ay siya na raw ang bahala sa venue at sisiguraduhin niyang magiging perfect ang lahat sa aking debut. Well, I trust them all. I'm sure nakatutok din ang parents ko sa paghahanda para bukas.

I was busy checking my gown for tomorrow when the door of my room suddenly opened. I saw mom and dad entering together. Binaba ko ang hawak kong gown at hinarap sila.

"Hi, mom, dad."
Bati ko at nilapitan sila para parehong halikan sa pisngi. Umupo ako sa gilid ng aking kama ang ganun din ang pareho nilang ginawa. Nasa kanan ko si mommy at sa kaniyang tabi si daddy. I looked at them and I saw my mother sweetly smiling at me.

"Are you excited for tomorrow?"
Mahinhing tanong niya at tumango ako bilang sagot. Honestly, I feel nervous at the same time. Hindi ko alam. Siguro dahil bukas ay nasa tamang edad na ako para maging responsable para sa aking sarili at natatakot akong baka magkamali ako sa mga desisyong gagawin ko in the future.

Bumuntong hininga si mommy.
"Dalaga ka na talaga."
Aniya.

"It seems like it was only yesterday when your mom and I were having a big trouble on how we are going to raise you. Ang bilis ng panahon."
Dagdag ni daddy at yinakap ang aking ina. Naiiyak ako habang pinagmamasdan sila.

"We can still call you "baby". Can't we?"
He asked. Agad akong tumango at tumawa ng mahina.

"Of course, dad! I will always be your baby."
Sagot ko. Nakita ko ang pagpatak ng kaunting luha ni mommy.

"Mom! Why are you crying?"
I chuckled and hugged her also. Tumawa rin si daddy.

"Umiiyak ang mommy mo dahil eighteen ka na bukas. At ibig sabihin no'n ay tumatanda na rin siya."
Ani daddy at agad namang pinalo ni mommy ang kaniyang braso.

"Tigilan mo ako. Maging ikaw ay nagiging gurang na rin."
Ganti niya kaya mas lalo kaming natawang tatlo. I am really lucky for having them. Lagi kong ipinagpapasalamat sa Diyos na biniyayaan ako ng dalawang mapagmahal na magulang.

Bumalik sa pagseseryoso si mommy.
"Nasa legal na edad ka na bukas. Gayunpaman, don't hesitate to come to us whenever you need help and advice, okay? Hindi ibig sabihin na eighteen ka na ay kaya mo na ang lahat. You will remain as the young girl telling her rants to your dad and me about your subjects. Remember that we will never leave your side."
She uttered and I nodded. Alam ko namang magiging dependent pa rin talaga ak sa kanila at masaya ako na nandiyan lang sila palagi.

"Huwag ka munang magpapakasal, ha? Ayaw ko munang ibigay ang prinsesa ko kay Marco."
Biro ulit ng tatay ko kaya natawa na naman ako. I'm glad because he's considering Marco as my future partner. Sabi niya ay huwag muna. Ibig sabihin ay papayag rin siya sa hinaharap. That's a great news.

"Si daddy talaga. Wala pa 'yan sa plano ko. Mag-aaral muna ako 'no. And besides, you'll always be my king naman kahit anong mangyari."
Sagot ko. Tumayo ako at pumagitna sa kanilang dalawa pagkatapos ay ipinulupot ang aking magkabilang kamay sa kanilang baywang.

"Mom, dad, I am really thankful for being your daughter. I am sorry for being stubborn sometimes. Sa pagbibigay ng sakit ng ulo sa inyo at sa pagiging spoiled brat ko at maraming salamat dahil ni minsan ay hindi kayo nagkulang sa pagbibigay ng mga pangagailan ko, financially and emotionally. Age is only a number. Maaaring tatanda ako pero siguradong hindi ako mabubuhay ng wala kayo sa aking tabi. You are my treasure and I'll do my best to keep you and protect you. Hindi ko man palaging nasasabi o naipaparamdam but I want you to know that I love the both of you, I really do."
Tuluy-tuloy na sabi ko at nginitian silang pareho.

"We love you, too, baby."
Sabay nilang sagot at hinalikan ni daddy ang aking noo. Tumayo si mommy at pinunasan ang kaniyang luha.

"Bakit ang drama naman natin. Para namang kasal ang gaganapin bukas sa pinagsasabi nating tatlo."
Natatawang usal niya habang kumukuha ng tissue sa ibabaw ng mesa sa tabi ng aking kama.

"We were just planning to tell you that you are already turning into a lady at ayaw naming isipin mong mawawalan na kami ng responsibilidad upang gabayan ka. We will still look after you and witness your maturity into a fine woman. Itong mommy mo kasi, sobrang emosyonal."
Paliwanag ni daddy.

"E sa hindi ko mapigilan."
Sagot naman ni mommy. Ilang minuto pa silang nanatili sa aking kwarto at nag-usap kami rungkol sa iba't ibang bagay hanggang sa nagpasya na silang magpaalam. Ngunit bago pa man sila pumunta sa pintuan ay may kinuha si daddy mula sa bulsa ng kaniyang pantalon. At nanlaki ang mga mata ko nang itaas niya ito sa aking harap.

"You've been asking for it a long time ago but you were too young so I always reject your wish. I think it's already the right time to gove what you want. Narinig ko rin mula sa mommy mo na pursigido kang nagpapaturo kay Marco kung paano mag-drive. Here it is."
Aniya at inilagay mismo sa aking palad ang maliit metal na hawak niya.

"A car key."
Wala sa sariling kong sambit habang tinititigan ang susi na may tatak mula sa isang sikat na brand ng mga sasakyan.

"OMG! Thanks, daddy!"
Masayang sigaw ko at mahigpit na niyakap ang aking ama. He and mom laughed.

"Be responsible, okay?"
Bilin niya bago nila nilisan ang aking kwarto. Ang sabi rin niya ay bukas pa raw idedeliver ang sasakyan dito sa aming bahay. Hindi tuloy ako nakatulog ng maaga sa sobrang saya at excitement.

Mabuti na lang at tumawag sa akin si Marco saktong pagsapit ng hatinggabi.

"Hello, babe."
Bati ko pagkasagot ko ng kaniyang tawag. Napangiti ako nang marinig ko ang kaniyang paghikab sa kabilang linya. Parang kagigising lang niya o di kaya ay inaantok na.

"Happy 18th birthday."
He said with his bedroom voice at ang marinig iyon mula sa kaniya ay nakakapagpabilis ng tibok ng aking puso. It seems like my love for him gets deeper and deeper everyday.

"Thank you."
Sagot ko. He was the first one to greet me and the thought that he stayed up all night or woke up this early makes me want to hug him tight. Sana ay mag-umaga na para makita ko na siya.

"I love you."
That three words sounded like a sweet music to my ears. Napahigpit pa ang pagkakayakap ko sa aking unan dahil sa sayang aking nararamdaman.

Tumagal ang pag-uusap namin ng halos isang oras at ibinalita ko na rin sa kaniya ang regalo sa akin ng mga magulang ko hanggang sa pinipilit niya na akong matulog dahil may event mamaya. Nagreklamo akong hindi ako makatulog at nagulat ako nang sabihin niyang kakantahan niya ako hanggang sa makatulog ako. I was really happy and I thought he would do an acapella but I was shocked when I heard the strums of a guitar. Nagsalita ulit siya.

"I dedicate this song to the love of my life who is celebrating her birthday today. I love you Rica Angela D. Ballesteros."
He chuckled at natawa na rin ako dahil sa kalokohan niya kahit ang pakiramdam ko ay gusto ko nang sumigaw. Kilig pa more, Rica.

Maya-maya ay narinig ko nang kinakanta niya ang umpisa ng kantang God Gave Me You. Pumikit ako habang pinapakinggan ang sobrang lamig niyang boses. Hindi pa man nag-uumpisa ang debut ko ay sobrang saya ko na sa mga oras na ito. Ang marinig si Marco na kinakantahan ako dis oras ng hatinggabi at ng isang kantang sobrang ganda at tamis pa ng pinapahiwatig ay sapat na para sa akin. Ni hindi ko na namalayan kung anong oras akong nakatulog.

Mahimbing ang naging tulog ko at kinaumagahan ay late na akong nagising. Mag-a-alas onse na yata nang gisingin ako mismo nina mommy, daddy, yaya, at ate Gina dala-dala ang isang bilog na cake. Alam raw kasi nilang nagpuyat ako kagabi dahil narinig ni yaya ang boses ko nang dumaan siya sa aking kwarto para uminom sa kusina. Pagkatapos nila akong batiin at umalis sa aking kwarto ay diretso na ako sa CR. Humarap ako sa salamin at ngumiti ng sobrang lapad. This is my day!

His Jealous GirlfriendWhere stories live. Discover now