Jealousy 14

3.8K 91 4
                                    

Comment and Vote! xoxo

Rica's POV

"Leche! Ibaba mo 'ko! Isa!"

Sigaw ni Shiela habang buhat buhat siya ni Vance papunta dito sa medyo malalim na part. Well, malalim para akin kasi lulubog talaga ang ulo sa tubig kung hindi lang nakapulupot ang kamay ko sa leeg ni Marco. Hanggang balikat lang kasi nila ni Vance kasi matatangkad naman silang dalawa. Nag-hesitate pa ako kaninang dinadala ako ni Marco dito kasi takot talaga ako pero sabi niya siyang daw bahala sa 'kin. Of course, I trust my boyfriend kaya sumama ako. Pero itong si Shiela, mukhang ire-rape ni Vance sa kakasigaw.

"I said put me down! Monkey! Unggoy! Di talaga kita sasagutin. I'm gonna kill you!"

She kept shouting habang papalapit sila sa amin.

"Ingay ingay mo. Kung bibitawan na kita dito e di nalunod ka na."

Sagot naman ni Vance nang makarating na sila dito. Pinalo palo pa siya ni Shiela pero panay lang ang tawa nito.

"Tama na nga! Lunurin kita e!"

Vance shouted. Pumula naman ang mukha ni Shiela dahil sa galit.

"What did you say?"

Asar at hindi makapaniwalang tanong nito.

"Sabi ko, lulunurin kita...sa pagmamahal. Lika nga dito. Taray taray talaga neto."

Nagpa-cute pa siya at saka niya ito hinala para yakapin. Natawa na lang kaming dalawa ni Marco na kanina pa pinapanood ang dalawa. Sinuntok niya sa braso ang kaibigan niya.

"Tangina, dude. Baduy mo."

Bulyaw nito hinila ako.

"Saan tayo pupunta?"

Tanong ko sa habang nakakapit pa rin sa kaniya.

"Sa puso ko."

Aniya niya kaya sinapak ko na. Tumawa siya.

"Jet ski tayo."

He guided me back to the shore. Nakakapit lang ako sa leeg niya habang lumalangoy siya. Pagkarating namin kina manong na namamahala ay ibinigay kaagad sa amin ang isang jet ski. Mukhang kialala na din nila si Marco dahil kay Vance.

"Bakit isa lang?"

Tanong ko sa kaniya habang isinusuot ang life vest.

"We're going to ride together."

Sagot niya at sumakay na sa jet ski. Sumunod naman agad ako pagkaayos ko ng akin.

"Mag-iingat kayo."

Paalala ni manong at lumipat na sa iba pang turista.

Kumapit ako sa balikat ni Marco at umayos ng upo.

"Let's go!"

Yaya ko at nagulat ako ng hawakan niya ang dalawang kamay ko at inilipat sa baywang niya.

"You're going to fall, babe. Kapit ng mahigpit."

Aniya pagkatapos ipulupot sa kaniya ang mga braso ko at nagsimula nang gumalaw ang sinasakyan namin. Napatili ako sa gulat at wala na rin akong nagawa kundi ang kumapit talaga ng mahigpit kay Marco.

Nang makabawi ako sa gulat ay nagsimula na rin akong mag-enjoy sa tanawin. Pakiramdam ko ay para kaming nasa isang romantic movie at nasa scene kami kung saan ang mga bida ay magkasama at masaya sa gitna ng dagat habang papalubog ang araw. God! Ang mais ko. Kinikilig ako kahit sa simpleng bagay lang na ginagawa namin together. Sapat na ang ganito kami kalapit sa isa't isa para mapasaya ako.

His Jealous GirlfriendWhere stories live. Discover now