Jealousy 18

4K 79 15
                                    

I love BTS and I'm an ARMY! Hihi.

Rica's POV

"Nakasalubong ko siya kanina pagkatapos kong mag-CR."

Kahit naguguluhan pa rin ako kung paano niya nalaman iyon ay sinabi ko sa kaniya ang totoo.

"And you gave him your number?"

Inis na tanong pa niya.

"Oo."

Tipid na sagot ko. Hindi ko alam kung paano niya iyon nalaman. Ayaw ko namang magsinungaling sa kaniya. And besides, mukhang sigurado naman na siya at gusto niya lang i-confirm kung totoo.

"Tss."

'Yon lang ang sinabi niya at mukha pa rin siyang naiinis.

"I can't find anything wrong with that."

Pahayag ko at tumitig siya sa akin saglit gamit ang malalalim niyang mga mata.

"Ayoko nga."

Aniya at saka siya tumayo at pumunta sa may bintana.

"Bakit ba ayaw mo? Anong masama kung kausapin o ibigay ko ang number ko sa kaniya Marco? He's a friend. Ang bastos naman kung de-deadmahin ko na lang siya nang walang dahilan."

Paliwanag ko sa kaniya. Wala talaga akong makitang mali sa ginawa ko.

Hinintay ko siyang sumagot pero hindi siya nagsalita. Nanatitli siyang nakadungaw sa bintana.

Lumapit ako sa kaniya at hinarap siya.

"Bakit nga ayaw mo?"

Ulit ko. Medyo naiinis na rin ako. Siguro dala na rin ng hindi papaging maayos ng pakiramdam ko.

"Tulad ng dahilan kung bakit pinapaiwas mo ako sa mga babae."

He sighed. Umiwas siya ng tingin pagkasabi niya no'n.

Napaisip ako. Ano nga ba ang dahilan kung bakit pinapaiwas ko siya sa mga babae?

Napatakip ako ng bibig nang ma-realize ko kung bakit. Gosh! He's jealous?

"Nagseselos ka?"

Tanong ko sa kaniya ngunit bumuntong-hininga lang siya ulit at bumalik sa kama.

"Pero kaibigan ko siya, Marco. Matagal kaming hindi nagkita kaya natural na mag-usap kami para naman makapag-kamustahan at kwentuhan."

I explained. Kailangan ko kasi talagang ipilit sa kaniya na walang mali sa ginawa ko.

"Is it really that hard to avoid him?"

He asked irritatedly.

Medyo nahihilo na naman ako pero ayokong ipahalata sa kaniya dahil hindi pa kami tapos mag-usap at hindi pa kami nagkaka-unawaan.

"Avoid him? Marco, alam mo ba ang sinasabi? Kung hindi ko siya papansinin kahit wala naman siyang ginagawang masama, ano sa sa palagay mo ang mararamdaman at iisipin niya? Na parang wala lang ang friendship namin para sa akin? Para na kaming magkapatid ni kuya Alvin, Marco."

Medyo napalakas ang pagkakasabi ko no'n.

"E bakit ako? Kahit kaibigan o classmate ko, umiiwas naman ako di 'ba? Wala akong pakealam kung magtampo o mainis sila sa akin. Kahit masaktan sila. Kapag sinabi mong layuan o 'wag silang pansinin, ginagawa ko naman di 'ba? Para sa 'yo, kasi 'yon ang gusto mong gawin ko."

Lumambot bigla ang puso dahil sa sinabi niya. Napaisip ako bigla.

"Pero nilalandi ka kasi nila. May gusto sila sa 'yo. Magkaiba 'yon. Wala namang-"

His Jealous GirlfriendWhere stories live. Discover now