Jealousy 13

4.3K 93 7
                                    


Rica's POV

Ngayong sembreak sa taong ito ay walang plano ang pamilya kong magbakasyon dahil magiging busy si daddy sa pag-aasikaso sa kompanya. Kailangan daw niyang bantayan ang operation sa mga pagawaan namin ng construction and building materials dahil may malaking deal daw siya sa isang malaking firm at ayaw niyang pumalpak ito. Last year ay nag-Ilocos kami pero ngayon ay mananatili ako sa bahay ng dalawang Linggo. Pero sa tingin ko naman ay hindi gaanong magiging boring ang bakasyon ko dahil nagyaya si Vance sa resort nila at sa pagkakaalam ko ay tatlong araw kaming mananatili doon. Hanggang October 31 dahil nga bibisita pa kami sa mga yumaong kamag-anak namin kinabukasan. Nagpaalam na ako sa parents ko at pinayagan naman nila ako. Ito ang gusto ko kina mama, hindi sila 'yong masyadong mahigpit kahit minsan ay hindi pa rin maiiwasan ang pagiging protective nila.

"Ready na ba lahat ng mga gamit mo? Naglagay pala ako ng sunblock kagabi, baka kasi makalimutan mo. Iba pa naman na ngayong ang sinag ng araw. Nakakasunog ng balat. Susunduin ka ba ni Marco?"

Sunod-sunod na sabi ni mommy habang bumaba ako ng hagdan. Tuamango ako sa kaniya habang sinusuklay ang mahaba kong buhok.

"Opo. Sa van nina Vance daw kami lahat, mom. Susunduin nila ako dito 30 minutes from now."

Sagot ko at umupo sa sofa. Inabot ko ang cellphone ko at binasa ang text galing kay Marco.

Ready?

Ngumiti ako at nag-type ng reply sa kaniya.

Yup. Excited na 'ko. :)

I answered at ibinalik na ulit sa mesa ang aking phone. Lumapit naman si mommy at tumabi sa kain.

"Be careful there, alright? Huwag kang masyadong lusong nang lusong sa dagat. Hindi ka pa man din marunong lumangoy."

Paalala niya. Ngumiti ako at niyakap siya.

"I know, mom. Thanks for reminding me, though. Takot ko na lang 'no!"

Tumawa siya at niyakap din ako pabalik.

"Remember when you were just 8 years old? Muntik ka nang malunod noon. We were so scared. Akala namin ay mawawala kana sa aming ng daddy mo that's why you can't blame us. Ayaw lang naming mapahamak o masaktan ka."

She sincerly uttered.

"That's why I love you both."

They are the best parents ever! I really appreciate their efforts in making me feel loved and cared.

Maya maya lang ay dumating na rin ang van nina Vance. Ako yata ang huli nilang sinundo dahil saktong puno na pagsakay ko. Sa pagkakabilang ko ay 12 kami kasama ang driver. Bale pito ang mga lalake  at apat naman kaming mga babae. Bukod sa aming apat nina Marco,Vance, at Shiela, kasama din namin ang teammates nila na sina Rock, Jon at girlfriend nitong si Roma, Rey,Jerry, at dalawang pinsan ni Vance na sina Leslie, at Allan. Kilala ko silang lahat dahil nakasama ko na din sila noon. Magkatabi kami kaming apat nina Shiela dito sa may likuran samantalang ang iba ay sa may harapan. Nasa upuan naman katabi ng driver si Allan.

Sa biyahe at nag-ingay at nagkwentuhan kami hangang sa naidlip ako sa balikat ni Marco.

"Babe, we're here."

Naramdaman ko ang mahinang pagtapik sa pisngi ko ng lalaking katabi ko. Iminulat ko ang aking mga mata at bumungad sa aking ang makinis at mala-anghel na mukha ng boyfriend ko. Ngumiti siya at dinampian ako ng halik.

"Let's go."

Aniya at inalalayan na ako pababa. Tinignan ko ang aking relo. Dalawang oras din pala ang naging biyahe namin. Nauuna sa paglalakad ang mga kasama namin. Bitbit ni Marco and bag naming dalawa. Sinubukan kong kunin ang akin ngunit hindi niya ako hinayaan.

Bale dalawang malalaking room ang nai-reserve para amin. Isa para sa mga lalake at isa para sa mga babae. Mas malaki ang kina Marco dahil mas marami sila. Nandito na kami ngayong sa loob ng room namin at excited nang nagbibihis ang mga kasama ko dahil gustung gusto na daw nilang magtampisaw sa tubig. Umupo ako sa aking kama at tinext si mommy na nakarating na kami. Isa kasi 'yong sa bilin niya kanina. I-inform ko raw sila sa mga gagawin ko dito. After the message was sent, nagsimula na din akong magbihis.

"Ang ganda ganda talaga dito sa resort nina Vance."

Puri ni Roma. Kaklase siya nina Marco at girfriend nga ni Jon. Maputi siya at naka-eyeglasses. Mabait naman siya kaya hindi mahirap pakisamahan.

"Madalas kaming magpipinsan dito kapag summer. Mas maganda ngayon kasi madaming inayos ang parents ni Vance at may mga nadagdag ding water activities."

Sabi naman ni Leslie habang tinatali nito ang mahaba niyang buhok. Petite siya at medyo chinita. Galing sila sa Canada ni Allan na kambal niya at balita ko mananatili sila dito ng tatlong linggo.

"Ang swerte mo Shiela! Kapag naging kayo na ni Vance ay baka palagi ka na dito. Sagutin mo na kasi!"

Sabi ulit ni Roma. Hindi naman kasi lingid sa buong school na ang playboy na si Vance ay parang asong sunod ng sunod ngayon kay Shiela.

"I'm not yet sure if he's really serious."

Ani Shiela naman habang nag-papahid ng sunblock sa braso niya.

"Ano ka ba! Hindi pa ba seryoso 'yong palaging bukambigbig ka sa akin kapag nagfe-facetime kami? Crush ka na nun noon e. Sadyang natorpe lang ang mokong."

Leslie giggled.

"I don't know."

Shiela stated and sat on the bed.

"Sus! Pa'no mo malalaman kung hindi mo susubukan? Gusto...or let's say mahal ka niya, mahal mo siya, what's wrong with that? Huwag na pakipot girl, baka bigla magbago isip nun."

Sabi ko kaya sumimangot siya. 'Yon din kasi ang mga sinasabi niya sa akin noong nanliligaw pa sa akin si Marco. Tumawa kaming tatlo nina Leslie at Roma. Nang makapagbihis na kaming apat ay napagpasyahan na naming lumabas. Alas kwatro na ng hapon at saktong sakto dahil hindi na gaanong mainit ang sinag ng araw.

Nakablue bikini si Roma at si Leslie naman ay pulang one-piece ang napiling isuot. Kami naman ni Shiela, bilang partners forever, ay parehong naka-swimdress na sabay naming binili. Itim ang sa kaniya samantalang ang akin a kulay puti.

"Ang tagal nyo."

Reklamo ng mga boys paglabas namin ng room. Naghihintay pala sila sa may pintuan. Naka-board shorts sila. Ang iba ay wala nang pang-itaas samantalang ang iba ay naka-sando pa. Linapitan agad ako ni Marco.

"Hi, Sexy!"

Bati niya at kinindatan ako bago inakbayan.

"Hello, Hunk!"

I also greeted. Ang hot niya kasi ngayon sa suot niyang gray na boardshorts at puting sando.  Nakakatulo ng laway, nakakalaglag ng panty. Baka may maaway na naman ako nito.

Naglakad na kami papunta sa shore. Sa dagat daw muna kami ngayon at mamayang gabi naman sa pool. Excited na akong mag-jet ski!

Panay ang tingin ng mga babaeng nadadaanan ng aming grupo sa amin kaya wala din akong ginawa kundi ang irapan ang nahuhuli kong sumusunod ang tingin sa boyfriend ko.

Nagulat naman ako ng biglang bumaba ang kamay ni Marco at hinapit ang aking baywang.

"Stay close. You're attracting too much attention. I might break faces."

Seryosong sabi nito na siyang nagpapula ng pisngi ko. Damn. You're attracting too much attention, too kaya didikit talaga ako sa 'yo kahit hindi mo sabihin.

His Jealous GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon