Jealousy 38

742 21 13
                                    

Rica's POV

Those memories, either good or bad, are still clear in my mind. Marami nang nangyari makalipas ang pitong taon pero hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa puso ko ang lahat. Kung paano ako naging masaya noong kami pa ni Marco, kung paano niya inunawa ang pagiging madamot at mahigpit ko pagdating sa kaniya, kung paano niya ipinaramdam sa akin ang kaniyang pagmamahal, at kung paano ko rin piniling itapon ang lahat ng iyon nang magpasyang tapusin kung ano ang mayroon kami dahil sa takot ko sa mga posibleng mangyari kung malalayo kami sa isa't isa.

I was young back then. I was driven by my fear and insecurities. Idagdag pa ang pinagdadaanan ko noong mawala sa amin si daddy. Magulo ang utak ko. I was also emotionally unstable like my mom.

Napainom ako ulit sa wine na hawak ko at mapait na ngumiti.

Siguro nga kahit pinagsisihan mo ang isang bagay ay hindi mo pa rin maiwasang magdahilan kung bakit mo nagawa iyon. In my case, dinadahilan ko ang pagiging bata pa at mahina ko noon para kahit papaano ay mabawasan ang galit ko sa aking sarili dahil sa desisyong ginawa ko. I can't really categorize whether it was a good or bad decision because I'm not sure if it resulted to a better life for me and for Marco. Malay ko kung mas nakabuti pala sa kaniya na tinapos ko ang relasyon namin bago ako nangibang bansa. If that's the case, then good for him. I'm happy for him.

Nilagok ko nang diretso ang natitirang wine sa aking baso at nagpasya nang umakyat sa aking kwarto. Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang umiilaw na iPad sa ibabaw ng aking kama. Dinungaw ko agad ito at nakitang tumatawag si mommy sa aking Skype. I clicked the answer button and the video call immediately started.

"Angela! I was calling you a while ago but you're not answering your phone."
Bungad niya. I laughed a bit because of her being hysterical.

"Sorry, mom. I left it inside my bag. Bumaba ako saglit para uminom."
Ng wine. Hindi ko na binanggit iyon dahil pagsasabihan na naman niya ako na huwag masyadong uminom ng alak. Hindi naman talaga ako mahilig uminom. I only drink a bit whenever I can't sleep and of course, kapag may party.

"You made me worried! Anyway, did you arrive on time? You were supposed to be there at six, right?"
Nakangiting tanong niya. Ngiting bumalik lamang dalawang taon matapos mamatay ang akin ama.

"Nakarating po ako kaninang 6:30 pm. I rode a cab on my way home but it took us almost two hours to get here because of the congested road."
I explained to her as I sat on my bed.

"I told you. Dapat ay nagpasundo ka na lang kina ate Gina mo para hindi ka masyadong nahirapan."
Aniya.

"Nah. I can take care of myself, mom. Besides, busy 'yon para sa nalalapit niyang kasal. Todo bantay rin daw siya kay yaya Susan dahil hindi mapigilang magtanim ng kung anu-ano sa kanilang bakuran kahit kagagaling lang niya sa hospital. Ayokong makaabala ng ibang tao kung kaya ko naman. Nakarating naman po ako nang matiwasay at ligtas dito sa bahay."
I responded. Nakita ko ang mapaglarong ngiti sa kaniyang labi.

"Wow! You sounded like a grown up woman there!"
Aniya at dinagdagan pa ng halakhak ang pang-aasar niya sa akin. Sumimangot ako.

"I am, mom! I'm already twenty-five! Kayo lang naman itinuturing pa rin akong sixteen years old sa pag-aalala ninyo sa akin."
Depensa ko. Pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Yeah, I know. But what can I do if for me, you're still my only baby. Sigurado akong kung nandito pa ang daddy mo ay mas malala pa siya sa akin."
Aniya ang ngumiti ulit. Natutuwa ako dahil kitang kita sa kaniya na okay na siya. Her scars are healed. Nakakatawa at nakakangiti na siya tulad ng dati. Isa ito sa mga magagandang bagay na naidulot ng paglisan namin sa Pilipinas.

Nagtagal pa ng sampung minuto ang pag-uusap namin. Sobrang dami niyang ibinilin. Isa na dito ay ang pag-bisita kina yaya sa bahay nila na gagawin ko bukas pagkatapos kong mag-simba.

I came back here in the Philippines to attend ate Gina's wedding two weeks from now. Mas nauna ako kay mommy dahil may inaasikaso pa siya sa kaniyang pastries shop. Uuwi rin siya dalawang araw bago ang mismong kasal.

Habang nakahiga ako sa aking kama ay sinuri ko ulit ang aking kwarto. Nothing has changed. Pink pa rin ang pintura nito at maging ang ayos ng gamit ay tulad pa rin ng dati. Actually, the whole house is still arranged like how it used to be seven years ago. Ang sabi sa akin ni yaya nang minsang makausap ko siya ay pinapalinisan nila ito every month kahit tatlong taon na silang nakalipat sa bahay na naipundar ni ate Gina para sa kanilang dalawa. Nagpalinis din daw sila kahapon dahil inaasahang darating ako kung kaya maayos ito nang nadatnan ko kanina.

I only noticed that the whole house needs to have a makeover. Medyo luma na ang ibang kagamitan at ang pintura nito ay hindi na rin kasing-kulay ng dati. May napansin din akong crack sa dingding ng kitchen kanina na dala siguro ng lindol, kung mayroon man, sa nakalipas na mga taon. That's why the thought of renovating it came to my mind. Tutal ay dalawang buwan naman akong mananatili dito bago bumalik ulit sa US. I will consult my mother some other time tungkol sa plano ko.

Dala siguro ng jet lag at pati na rin ng ininom kong wine ay nakatulugan ko na ang mga iniisip ko. Maaga akong nagising at agad akong gumayak para magsimba.

Nagsuot ako ng floral jumpsuit na pinaresan ko ng nude na stilettos. Hinayaan ko lamang na nakalugay and aking buhok na may kulot sa dulo at umaabot hanggang sa aking baywang. Naglagay din ako ng light make up gaya ng ginagawa ko araw-araw.

Ngumiti ako sa salamin habang tinitigan ang aking sarili. I look mature now. Hindi ko alam kung bakit inaasar ako ni mommy na "baby" pa rin sa paningin niya.

Nang magkapag-ayos ay tumulak na agad ako papuntang simbahan. Pagkapasok ko ay napansin kong magsisimula na kung kaya ay nagmamadali akong naghanap ng mauupuan. Umupo ako sa medyo gitna at nakinig na sa misa.

During the mass, my attention was all on the priest. The homily was centered on the definition of love according to the bible. Tahimik na nakikinig ang mga tao kahit na panay ang paypay nila sa kanilang sarili dahil sa init sa loob ng simbahan. Samantalang ako ay taos puso ring nakikinig habang tinitiis ang init. I should have bought "pamaypay" outside before I entered the church a while ago. Gayunpaman, hindi ko inalintana ito. The mass went on and I silently listened and responded to the priest.

"Let us give peace to each other."
The priest commanded so all of us greeted the people around us.

"Peace be with you."
Nginitian ko ang aking mga katabi at ganun din sila sa akin. Binati ko rin ang mga nasa aming harapan nang lumingon sila sa amin.

Tumalikod rin ako para mabati ang mga nakatayo sa aking likod pero  saglit na napawi ang aking ngiti nang mahagip ng aking paningin ang isang taong sobrang pamilyar sa akin. Mabilis kong ibinalik ang tingin ko sa harap at bigla akong nanlamig.

This is the reason why I hesitated to go back here in the country.

Who I saw at the back, not too far from me, was Marco...carrying a baby girl and kissing her on her right cheek. Standing beside him is another familiar face I can never forget.

It was Kathie.

His Jealous GirlfriendHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin