Jealousy 12

5.2K 100 12
                                    

Rica's POV

Natapos ang hell week and fortunately, the result was great. Nairaos ko ang nakaka-nosebleed na exam sa Chem, thanks to my pogi at matalinong boyfie. So dahil tapos na ang exams, ibig sabihin ay sembreak na! Two weeks to rest and relax!

"Paabot ng pusher, girl."

I requested Shiela. She reached the pusher on the table and handed it to me. Nandito kami ngayon sa sala namin at nagma-manicure and pedicure habang nanonood ng TV. Ganito kami mag-bonding minsan.

"Which is better? Light pink or puchsia pink?"

She showed me the two bottles of nail polish. Hindi kasi kami masyadong nagpapa-manicure o pedicure sa mga nail salon. Twice a month lang. At hindi naman as in na madumi or whatever na kailangan talagang linisin. Simpleng kuskos lang, okay na. Kami na rin ang naglalagay ng nail polish. We are both addicted to our nails.

"Puchsia pink on the ring finger, then light pink for the rest. I'll do the vice versa, later."

Sagot ko habang nakatutok sa mga daliri ko.

"Okay."

Tipid na sagot niya at nagssimula nang maglagay ng nail polish sa kuko niya.

"Kumusta na pala kayo ni Vance?"

Bigla kong naalalang tanungin. Sa pagkakaalam ko kasi ay hindi niya pa ito sinasagot.

"'Yon! He's so makulit. He's always bugging me. Umaga, tanghali, gabi...he's always asking what I'm doing, sinong kasama ko, did I eat already...minsan he's texting me some nonsense stuff na rin! Can you imagine how annoying he is?"

Naiiritang sagot nito. I chuckled.

"That's normal. He's courting you so he's doing his best to get your attention. Ganiyan talaga minsan ang mga lalaki kapag nanliligaw, minsan nagiging KSP kaya kung anu-ano na lang ang sinasabi basta may mai-text lang."

Paliwanag ko sa kaniya.

"Yeah. I remember how you told me the same rants when Marco was still courting you."

She said with a sarcastic tone. Napatawa na lang ulit ako.

"That's why we are best friends."

I uttered.

"And take note, they are mag-bestfriend din."

She continued and we both laughed.

"Para naman kasing hindi ka na nasanay kay Vance. He's always been that annoying person when it comes to you, but look, may hidden feelings lang naman pala kaya ganun. Kailan mo nga pala siya balak sagutin?"

Tanong ko. Nagkibit-balikat siya at pagkatapos ay inilagay ang nail polish sa mesa. Umayos siya ng upo sa sofa.

"I don't know. I mean, I'm still afraid. We both know him naman. He's a player."

Naramdaman ko ang pag-aalinlangan sa boses ng kaibigan ko. I looked at her.

"He was a player and you already know why."

I corrected.

"Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan? Take the risk."

Pagpapatuloy ko.

"Tss. I'm still wondering when did I start liking that monkey. He's not even gwapo."

"Oo nga e. Mas gwapo si Marco."

I kidded and waited for her reaction. She glared at me.

"He's not gwapo but he's more gwapo than Marco."

His Jealous GirlfriendUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum