Jealousy 11

4.8K 109 25
                                    

Rica's POV

Nandito ako sa room ko ngayon at kanina pa katok ng katok si yaya pero ayokong lumabas. Pagkasakay ko kasi sa taxi kanina ay agad ding sumunod si Marco. Nakita kong nakabuntot ang kotse niya sa sinasakyan ko kaya pagkabang-pagkababa ko ay mabilis akong dumiretso sa kwarto ko para hindi niya ako maabutan.

"Anak, gusto ka lang daw niyang kausapin saglit. Lumabas ka na diyan."

Narinig kong sabi ulit ni yaya sa may pintuan. Kanina pa kasi siya pabalik-balik dito para palabasin ako pero panay ang tanggi ko.

"Paalisin mo na kasi siya 'ya. Ayoko siyang kausapin. Mapapagod ka lang po."

Sagot ko.

"Ayaw din niyang umalis e. Kanina ko pa siya pinapauwi dahil sabi mo nga ay ayaw mo siyang kausapin pero tulad mo ay ayaw din niyang makinig sa akin."

Paliwanag ni yaya.

"Sorry talaga yaya. Pakisabi niyo na lang po na tulog na ako. I really don't want to talk to him."

Pakiusap ko habang sinusuklay ang basa kong buhok. Katatapos ko lang kasing maligo.

Narinig ko ang malakas na buntong-hininga ni yaya.

"Naku itong mga batang 'to talaga. Sige at susubukan ko kung mapapauwi ko na siya. Ano na naman ba kasi ang pinag-awayan niyong dalawa? Sa pagkakatanda ko ay maayos pa naman kayo ng sinundo ka niya kaninang umaga."

"Basta po yaya."

Sagot ko habang nakatitig sa salamin.

"Sige, sige. Pero kung ako sa 'yo anak ay kakausapin ko siya para maayos na agad iyan. Lalo kasing lalala kung hindi niyo agad mapag-uusapan."

Sabi niya at narinig ko na ang mga yabag niya paalis sa may pintuan.

Hay...may point si yaya.

"Bakit kasi ang arte arte mo? Napakaselosa mo pa?"

Turan ko habang nakatitig pa rin sa salamin.

"Natural! You're his girlfriend so normal lang na magselos ka kahit kanino!"

Sabi ko ulit at inaaway talaga ang sarili ko. I must be insane to talk to myself.

Ang nakakainis pa ay palagi na lang natatapat ang pag-aaway namin or I should say, pang-aaway ko sa kaniya tuwing may quiz o exam ako. Apektado pa naman ang lahat ng ginagawa ko. Siguradong kakailanganin ko na namang mag-exert ng maraming effort sa pagrereview mamaya.

Isang oras makaraan ay narinig kong may kumatok ulit.

"Nandito na ang mommy at daddy mo. Kakain na raw kayo."

Yaya said.

"Susunod na po ako."

Sagot ko at iniligpit muna ang mga gamit ko. Siguro naman ay umalis na si Marco dahil hindi na bumalik si yaya kanina dito.

But I nearly cursed when I saw him at the dining table talking to my mom and dad. Akala ko umalis na siya. I looked at yaya.

"Ayaw talagang umalis anak e."

She answered before I could even ask her.

"Nandiyan na pala si Angela! Kain na tayo."

Nakangiting sabi ni mama nang mapansin ako. Bumaling din sa akin sina Marco at daddy. Iirapan ko sana ang mokong kung hindi lang nakatingin sina mommy.

"Sige na. Hihintayin ko muna ang ate mo para sabay na lang kaming kumain mamaya."

Ani yaya at umalis na sa dining area.

His Jealous GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon