Jealousy 26

2.4K 74 21
                                    

Happy 90K reads! Thank you, my beloved readers!
May update kasi napanaginipan ko si Suzy (Rica) kagabi na sobrang ganda at parang Dyosa na nasa school ko raw pero hindi niya ako pinansin nang binati ko siya. Baka nagtatampo kasi gusto na niyang ituloy ko na 'to. Hahaha!

Rica's POV
"Okay na 'yong list ko. Baka next week na ang rehearsal."
Kuwento ko kay Marco. Lunch break namin at nandito kami sa bahay nila dahil naiwan niya ang shoes niya para sa game nila mamayang hapon. Nasa sala nila kami at habang hinihintay na makapagluto ang kanilang kasambahay ay nililinisan ko ang tainga niya gamit ang cotton buds. Hindi pala nililinisan kundi pinapaikot lang ito sa tainga niya dahil malinis naman na. Gustung gusto niya lang talaga kapag ginaganito siya kaya pinagbigyan ko na ang request niya kanina dahil wala rin akong ginagawa.

"That's good. How about the theme and so on?"
He asked while his head is on my lap.

"It's not yet final pero malapit na rin akong makapag-decide."
Sagot at pinaharap ang mukha niya sa akin para sa kabilang tainga naman.

"Kunting araw na lang pala ay 18 ka na."
Seryosong sabi niya habang nakapikit. He really loves it when someone is doing this to him. Minsan nga nakakatulog pa talaga siya. Parang bata.

"Uhuh. So?"
Tanong ko sa kaniya. He opened his eyes then looked at me with a mirk on his face.

"Pwede na kitang pakasalan."
Sagot niya na nagpainit ng aking pisngi pero at the same time ay nagpatawa sa akin. Heto na naman ang mga banat ni Mr. Ballesteros.

I playfully hit his face with my palm.

"Pakasalan mo lelang mo! Magka-college ka pa lang uy! Paano mo ako bubuhayin?"
Tumatawang tanong ko sa kaniya.

"E 'di bubuhayin kita ng pagmamahal ko."
Nakangiting sagot niya. Pinagmasdan ko ang cute niyang mukha bago nagsalita ulit.

"He! Kahit mahal mo ako kung nagmamahal na rin ang bigas at lahat ng bilihin. Anong ipapakain mo sa akin, pagmamahal mo? Mabubusog ba ako no'n?"
Pagsakay ko sa mga hirit niya. Umakto siyang nag-isip at bumalik ang tingin sa akin pagkatapos ay nagsalita ulit.

"Then I'll work for us!"

"Titigil ka pag-aaral?"
Balik kong tanong sa kaniya pero agad din niya itong sinagot.

"No. Magtatrabaho ako sa tatay ko. I can do a part time job in our company habang nag-aaral."
He uttered na parang gagawin niya talaga. Ginulo ko ang buhok niya.

"As if papayagan ka ng magulang mo! At saka kailangan mo ring mapapayag sina daddy 'no. Paano kung ayaw nilang ipakasal ako sa 'yo?"

"Marco, luto na ang pagkain niyo."
Narinig naming sabi ng isang matandang kasambahay nila galing sa kusina.

Bumangon si Marco mula sa pagkakahiga sa aking hita at tumabi sa akin.

"Do you love me?"
Seryosong tanong niya habang nakatitig sa akin. Napalunok ako dahil sa napakahirap na tanong niya. Note the sarcasm.

"Oo naman!"
Direstsong sagot ko pero nakatitig pa rin siya sa akin na parang tinutunaw ako.

"Do you want to marry me and be my wife?"
He asked again. Teka, bakit parang tunog proposal naman na 'to?

"Bakit naman ganiyan ang mga tanong mo? Ang layo naman sa tinanong ko kanina."
Reklamo ko sa kaniya.

"Just answer me with yes or no."
Utos niya sa akin. Nagkukulitan lang ba kami? Pero sa tanong niya, alam naman na niya ang sagot e.

"Kailangan pa bang tanungin 'yan? Of course, yes!"
Sabi ko nang nakakunot ang noo. Unti untimg sumilay sa bibig niya ang isang pilyong ngiti.

"Oo naman pala e! Kung ayaw nila e 'di itatanan kita! Tara kain na tayo."
Aniya pagkatapos ay tumayo na papuntang dining room. Saglit akong natigilan bago naisip nang mabuti ang sinabi niya.

His Jealous GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon