Jealousy 31

1.5K 44 9
                                    

Rica's POV

Kinabukasan ay maaga kaming bumalik ng bahay dahil may business trip sina mommy at daddy sa Hong Kong. They left a while ago. Alas otso kasi ang flight nila kaya naman alas sais pa lang ng umaga ay nandito na kami.
Pagka-alis nila ay ako naman ang umakyat sa aking kwarto upang magbihis. Pupunta ako kina Marco. He's going to have an intimate dinner with his family and me later but for this morning, tatambay muna kami sa bahay nila at makikipagkulitan sa kaniyang mga kapatid.

Pagkatapos kong gumayak ay bumaba na ako para hanapin ang driver namin sa may garahe. Pagkarating ko doon ay hindi ko na naman mapigilan ang aking ngiti nang makita ko ang regalo sa akin nina daddy na puting Mazda 3. I am tempted to try it already but I don't have my license yet. Besides, hindi pa naman talaga ako as in na marunong na. Maybe a few more sessions of driving with my boyfriend will do.

"Oh, anak, may lakad ka?"
Napalingon ako kay yaya Susan na nasa likod ko. She's holding a broom.

"Opo 'ya. Kina Marco po ako. Nasaan po si maning Jose?"
I asked, referring to our driver.

"Ganun ba. Nasa kusina siya, nag-aagahan. Sandali at tatawagin ko."
Aniya. Tumango ako bago siya pumasok ulit sa loob.

Habang hinihintay ang maghahatid sa akin ay bigla kong naalala ang regalo ko for Marco. Sinapo ko ang aking noo at agad bumalik sa aking kwarto upang kunin ang scrapbook na ibibigay ko sa kaniya mamaya. I made this for two weeks. Nilagay ko rin sa loob ang ilang sketches ko sa kaniya. Sana ay magustuhan niya.
---
"Ma'am, hihintayin ko po ba kayo?"
Tanong ni Manong nang nasa tapat na kami ng gate ng bahay nina Marco. Umiling ako sa kaniya habang tintanggal ang aking seatbelt.

"Hindi na po. Hanngang gabi pa po ako dito. Baka magpahatid na lang po ako mamaya."
Paliwanag ko. He nodded as an answer. Pagkatapos kong ayusin ang aking sarili ay bumaba na ako. Nang makaalis na ang aming sasakyan ay naglakad na rin ako papuntang gate nila.

Their guard opened the door for me at binati niya pa ako. Pagkatapos ko siyang ngitian ay pumasok na ako sa loob ng kanilang bahay.
Sinalubong ako ni Tita at agad na yinakap.

"Good morning. Ang aga mo yata?"
She greeted. Malapad ang kaniyang ngiti sa akin. Kapag nakikita ko siya ay hindi ko talaga mapigilang humanga sa kaniyang kagandahan. She has a fair skin and very charming eyes. May hawig sila ni Marco kahit mas kamukha talaga niya ang daddy niya. He got his skin complexion and smile from his mother and the rest, kay Tito Martin na.

"Good morning po. Maaga rin po kasing umalis sina mommy papuntang Hong Kong, tita."
I answered. Pinasadahan ko ng tingin ang kanilang sala ngunit ang mga maid lang ang nakita ko roon.

"Nasaan po 'yong kambal at si Marco?"
Tanong ko nang makitang wala sila.

"Naku! Sina Zab at Xav ay sobrang himbing pa ng tulog. Pagkagaling kasi namin sa debut mo ay nag-play station pa sila. Si Marco naman ay dumiretso rin sa kaniyang room pagkarating niya kanina."
Sagot niya. Tumango ako at ngumiti.

"Sige po. I'll just wait for him na lang po."
I stated. Lumingon siya sa may sala nila at umiling.

"Naku! Hija, we're not yet done cleaning there. Magpapalit pa kami ng mga kurtina mamaya."
Aniya at dahan-dahan akong hinila papunta sa kanilang hagdanan.

"Ang mabuti pa ay sundan mo na lang siya sa room niya. Gising naman na 'yon."
She suggested. I looked at her with disbelief. Seriously? Sinabi ni tita na pumunta ako sa room ni Marco?

His Jealous GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon