Chapter 16

3.1K 185 51
                                    

Jethro's POV

"Pare! Nakita niyo ba si Krissanta?" Kanina ko pa hinahanap yung babaeng yun. San ba nagsusuot yun?

Nandito kami ngayon sa backstage. Nagbibihis para na rin makisali sa magaganap mamaya.

"Pare hindi namin alam." Sagot ni Drew habang tinatago yung mga instruments na ginamit kanina.

"Ayan nanaman siya sa pinakamamahal niya." Asar ni Axe sakin.

"Pisting yawa ka talaga!" Sabay batok ko sa kanya.

"Aray pre. Aagawin ko yun sayo sige ka!!" Sabat pa ng damuho kong katropa.

"Subukan mo! Nang maipatikim ko sayo kung gaano kainit sa impyerno." Tinulungan ko na din sila na mag ayos ng mga gitara.

"Pero pre alam mo, ang ganda ngayon ng iyong prinsesa." Sabi ni Chie na may halong asar.

"Hindi ko nga siya nakilala pre eh." Dagdag ni Drew. Tumingin ako sa kanila ng masama. Pagpapahiwatig ng layuan niyo siya o makakatikim kayo sakin.

Sabay sabay naman silang nagtaas ng kamay. Yan ang tropa. Pero ang ganda niya talaga ngayon. Ibang iba sa nakagawian ng marami na kadalasang may salamin, minsan nakalugay o minsan nakatali ang buhok na may hawak hawak na libro. Pero kahit ganun naman maganda pa rin siya para sakin. Maganda siya sakin kahit kailan.

Habang nagde-day dream ako. "Hoooooy!!! Tama na pagpapantasya! Puntahan mo nalang kasi. Para kang ano dyan e! Jethro? Mahina!! Boo!! wala ka pala eh!" Sabay sabay naman nilang sigaw sakin.

"Oo na sige na. Mga ulupong kayo! Lalapitan ko na!" Sigaw ko naman sa lahat.

"Sige aasahan namin yan!"

"Nako Jethro! Goodluck!"

"Sana wala siyang mens ngayon!!!"

Sabay sabay na naman sila nagsalita. Pero wala nako sinabi't pinagtutulak ko nalang sila palabas dahil malapit na magsimula ang kasiyahan sa labas.

Naghanap hanap kami ng mapupuwestuhan at habang naghahanap lahat halos ng madaanan namin ay pinupuri kami o kaya di naman nagpapapicture samin. Ang daming chix. Nakakatunaw ng mata tumingin. Yung akala mo mga geek, pero pag nag-ayos eh, hot chix. Whoooo. Mga kaibigan ko kung san san napupunta kamay. Tsk. Iniwan ko na muna sila para hanapin si Krissanta.

Nasaan ba yung babaeng yun? Tss. Andito mga kaklase niya...pati si Orella. Pero bat wala yun? Nag ikot ikot pa ako. Pero natagpuan ko na nasa harap ko na lang pala. Medyo lumayo ako dahil nag iisa at nakatingin lang sa mga kaklase niya. Ano kayang problema ng babaeng 'to?

Lumikod lang ako para di ako makita. Baka sapakin pa ako neto e. Medyo tanaw ko pa rin kasi matangkad ako. Kaya tanaw na tanaw ko ang pag-iisa ng babaeng to.

Bigla namang may nagsalita na sa stage.

"Hello!!!!!!!!! Hello mic test hello!!!!! Kamusta kayooooooo?! Are you ready guys??!!!!!!" Sigaw nung emcee sa stage.

Naghiyawan na ang lahat. Pagabi na't binuksan nalang ang mga party lights. Saya neto!! Lalong naghiyawaan ang lahat nung biglang nagpatugtog ng isa sa mga sikat na kanta ni Chris Brown kasabay nun ang pagbasa ng sprinkler na nasa poste nakapatong.

Lahat nagyuyugyugan na't umiindak pero etong babaeng 'to parang may spotlight sa kanya na nakatapat na dapat bantayan ko. Shit. Ano ba 'tong suot niya?

It Started With a QuizTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon