Chapter 11

3.4K 193 6
                                    

Yumi's POV

Wala pa rin palang pinagbago-I feel nostalgic.

Ganito pa din ang itsura, maayos at maraming tao pa din.

Nagbago lang yata para sakin dahil iba na ang kasakasama ko sa muling pagpunta ko dito.

Dating nakakasama ko kasi dito yung taong pinakaminahal ko.

Pero akalain mo yun, kung saan kami madalas nagkakasama noon, doon ko rin pala malalaman ang rason kung bakit kailangan na namin maghiwalay.

FLASHBACK

Kanina pa ako nakatulala sa cellphone ko, naghihintay na tumawag siya o kahit magtext man lang. Nandito kasi ako ngayon sa resthouse namin sa Cavite, biglaan kasi na nag-outing ang family namin dahil dumating yung tita at tito ko na galing sa States at napagpasyahan na dito kami mag-stay over night.

"Nak, tulog na. Gabi na. May bukas pa." Nagulat ako dahil bigla naman may nagsalita. Si Mama lang pala. Napansin niya yata na kanina pa ako nakatulala sa cellphone at gising pa.

"No mama, okay lang po ako may hinihintay lang." Sagot ko naman.

"Bukas na anak, gabi na oh." Tinuro niya naman yung wall clock.

"Maya maya po, I'll sleep na." Sumang ayon naman na si mama, kaya nagtungo na siya sa kwarto nila ni Papa. Ang mga nanay talaga, iba talaga.

Pero hindi naman kasi maaaring ipagpabukas 'to. Hindi naman ordinaryong araw lang 'to. Mahalaga ang araw na 'to para sakin-para samin.

Bakit kasi ang tagal naman. Tama nga naman si Mama gabing gabi na. 1 hour to go nalang pala alas dose na. Asan ka ba Jethro, bakit ang tagal mo tumawag? Nakaupo pa rin ako, hintay hintay lang. Baka nakatulog lang siya, antukin kasi yun eh. Pero never yun nakalimot na bumati sa akin. Pero ba't parang kalahati ng katawan ko, iba ang kutob. Ano ba nangyayari? Nakalimutan niya ba? Pero hindi, hindi siya ganun, hindi niya magagawa yun. Nagtatalo na sa isipan ko ang maraming bagay.

Tawagan ko na kaya?

Pero ba't ako? Babae ako. Dapat lalaki muna ang mauuna. Ehem, ang pride.
Pero parang ang lakas kasi talaga ng kabog ng puso ko. Sa sobrang kaba ko napindot ko na yung call. Balak ko na sanang ibaba pero andiyan na rin naman, nagriring na. Pero bakit hindi niya sinasagot? Mas lalo akong kinabahan. Napagisipan ko na tawagan na yung mga kaibigan niya para masigurado kung nasan siya. Bakit kasi ngayon pa kami nagouting? Hay nag-aalala na ko.

Una kong tinawagan si Drew, ang bestfriend ni Jethro. Malamang alam neto kung nasan siya. Nagring. Nagring lang ng nagring. Naiinis na ako ba't hindi nila sinasagot. Maya maya naman may sumagot na.

"Hmmm.. H-hello?" Sabi nung nasa kabilang linya. Mukhang naistorbo ko yata sa pagkakatulog. Nakakahiya man pero gusto ko lang naman matiyak ang kalagayan ng mahal ko. Kapag para sa mahal mo talaga, kahit ano pa yan, maging kahihiyan man o katangahan basta't para sa kaniya, gagawin mo.

"Hello! Drew! Gusto ko lang sana itanong kung nasan si Jethro?" Medyo napalakas yata boses ko. Gabi na Yumi, gabi na.

"Mmm. Hindi ko siya nakasama nung uwian. Sabi niya may pupuntahan pa daw siya. Bakit? Hindi ba nagpaalam sayo?"

"Hindi eh." Obvious ba? Tatawag ba ako sayo kung nagpaalam sakin. Kamalditahan, Yumi. Pigilan.

"Tarantado yun ah! Tawagan mo! O baka naman. Hindi kaya nang-chix?" Biglang nagpanting yung tenga ko sa huling word na narinig ko. Nang-chix? Selosa here. Hindi naman siguro. Alam ko na hindi niya gagawin yun sakin dahil mahal na mahal niya daw ako.

It Started With a QuizTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon