Krissanta's POV
Pag tinamaan ka nga naman ng kamalasan oh.
Late na nga ako, napapasok pa sa maling classroom. Room ng Class B pa talaga ang pinasok ko. At malamang usap usapan nanaman ako dun.
Alam ko naman na paguusapan at laman nanaman ako ng mga usap usapan sa tabi tabi. Dahil ako nga ang Outstanding student dito sa Class A, at inaasahang magiging valedictorian next year, hahanap at hahanap sila ng mga pagkakamali mo.
Sadyang may mga tao talagang natutuwa kapag bumabagsak ka.
At hinding hindi ako makakapayag na mangyari yun. Kaya nga pudpod na ang cerebrum ko para makapagaral ng maayos eh. Sunog na sunog na rin kilay ko para lang makatapos ng may karangalan.
Eto ako ngayon, wala pang tulog dahil para akong binabangot!
Nang dahil talaga sa lalaking yun!!!!!! Waaaaaaaaah!
Late na ako ng 30mins sa first subject ko pero kahit naman ganun, pasado pa rin ako sa quiz na ibinigay ni mam.
"Hoy babaita." kalabit sakin ni Orella.
"Oh." tipid kong sagot. Medyo inaantok pa kasi ako.
"Teh ang peyslak mo! Hindi maipinta!" sabi ni Orella habang inaabot niya sa akin ang resulta ng quiz kanina.
"Hindi ako nakatulog okay? I'm sleepy." sabi ko sakanya sabay tukod ng braso ko sa desk sa sobrang antok.
"Inaantok ka pa nun ha? Eh ikaw pa din highest sa quiz! Grabe talaga yang utak mo KJ! Ano sikreto mo? Share naman!" sabay tapik sa balikat ko.
"Stop calling me KJ. I'm not in the mood." sagot ko sa kanya sabay kuha nung papel ko.
Nagpatigil na agad siya. Alam niya kasing masusungitan ko siya. Antok na antok kasi ako kaya kahit sino kumausap sakin puro pagmamaldita lang isasagot ko.
Napadukdok na lang ang ulo ko sa desk matapos ang mahabang quiz. Wala na kasi akong maintindihan sa lesson na tinatalakay ng teacher namin kahit anong pilit kong intindihin.
"Hoy Babae!" niyugyog niya ang balikat ko.
"Uhmm. Hmm. Yes?" minulat ko ng unti unti ang mata ko.
"Napapasarap kana yata sa pagtulog KJ! Let's eat na. I'm tom jones na!"
Paglinaw ng mata ko agad sumalubong ang mukha ng bestfriend ko. Agad akong napaupo ng maayos. Napatingin ako sa wall clock.
12:10 pm. Shocks. 4hours akong nakatulog?
"Huhhhhh! Wait! Nakatulog ba ako?" tanong ko agad kay Orella.
"Ay oo sinabi mo pa! Kulang nalang kumot at unan. Sarap na sarap ka sa pagtulog. May pagtulo pa ng laway na naganap." umupo naman siya sa katabi kong bakanteng silya.
"Grabe ka. Dinga?" pinandilatan ko siya.
"Oo nga girly! Humihilik kana nga may binabanggit ka pang gusto mong hawakan yung abs. Abs ka ng abs. Tawa kami tuloy ng tawa kahit teacher natim! Hindi sila makapaniwala sayo. Maski ako hindi makapaniwala. Akalain mo kala mo magungulam ka palagi kapag nakakausap ka ng lalaki tapos abs ka ng abs. HA HA HA." humahalakhak siya na parang walang bukas. OA nga siya di ba? Hindi na ako magtataka kung yung tawa niya narinig na rin sa kabilang building.
YOU ARE READING
It Started With a Quiz
Teen FictionHindi mo talaga maiiwasan na may hindi ka kaiinisang tao sa buhay mo. Hindi mo man alam ang dahilan pero sadyang ayaw mo lang talaga sa tao na yun. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, na yung taong kinaiinisan mo, makakasalamuha't makakasama mo pa...
