Krissanta's POV
Hay buhay.
Ganito ba talaga minsan?
Ang buhay nga naman paminsan minsan...Nakakaloka!
Bago ka sumaya, mararanasan mo munang dumaan sa paghihirap.
ECHING!
*woooosh*
Heto ako malalim nanaman iniisip kahit na cramming. Ang daming pinagagawa kanina pa ng mga teacher namin halos mamatay mamatay na ako dito dahil sabay sabay pa sila. Infairness naman sa mga prof namin, hindi sila nagusap usap na sabay sabay sila magpapagawa ng kung anu-ano.
Nakatutok lang kaming lahat sa white board. Walang kumukurap kahit isa.
Ohhhhh! Mahal na birtud! Paganahin mo ang aming mga isip. Isipsip mo sa karukrukan ng aking neurons at neuro transmitters ang bawat numero na lalabas sa bibig ng aming dalubguro. May gumaganang ritwal kasalukuyan sa aking mga isipan sa mga oras na 'to.
Hay Naku! Tuyong tuyo na utak ko, ayaw nang gumana ng aking mga neurons sa aking utak! "Kasi bat may Algebra pa! Lagi nalang pinoproblema 'tong X na to. Kahit na ba NBSB ako, wala pa rin kwenta ang mga lalaki" bulong ko.
Hindi naman halatang galit ako sa lalaki?
Well, frankly speaking....Galit ako sa mga lalaki. Ipinanganak na yata ako na Blood type- AB, in short Anti-boys. Kulang nalang magsagawa ako ng Anti-Boys Movement at mag ala Gabriela Silang ako diyan sa Luneta.
Hindi ko naman sinasadyang magalit sakanila. Sila kasi mismo gumagawa ng ikagagalit ko sakanila-Inaano ba ako ng lahat? Pero una sa lahat,
Ba't ko ba 'to pinoproblema? Concentrate lang dapat ako sa math.......Math.... Math.... Math.
Paulit ulit kong sinasabi sa isipan ko ang mahiwaga kong ritwal para na rin makapagconcentrate ako. Infairness! Effective para sakin kahit halos ngumanga na ako sa harap ni mam.
"Okay class, s = π * r * √ (r^2 + h^2)"
*tick tock tick tock*
"Ano ba pinagsasabi ni mam?" Tanong ko sa katabi ko na nakanganga rin.
Hindi na kinakaya ng cerebrum ko. Kaya eto nagconcentrate nalang ako sa orasan nananalangin na mag-bell na dahil naiinip na rin ako dahil puro numero nalang nakikita ko. Hindi rin naman ako sure kung ikayayaman ko tong puro numero na nasa blackboard.
Hinihintay ko na lang tumama ang malaking kamay ng orasan sa 12 dahil ilang segundo nalang 5 pm na! It means uwian na rin sa wakas. Paano ba naman kasi nakakaantok magturo 'tong teacher na to.
Yung iba niyang estudyante eh halos sumubsob na ang mukha sa mga desks nila at tila babaha na dahil sa laway nila? Eh kasi si Bb. Frago lang naman ang teacher namin na kinakausap yung whiteboard, close na close na sila grabe. Magkakaroon na nga lang ng favoritism whiteboard pa?
Malamang mag top 1 pa yang whiteboard na yan kesa sa amin, I mean sa akin. I am proud to say na ako lang naman ang top 1 ng Class A at kasalukuyang third year sa Leincester Academy na si Krissanta Jane B. Peralta. Kahit maning mani nalang sakin ang math eh, nahihirapan parin ako.
It's just a waste of time paminsan minsan. Bat ba kasi naimbento pa ang math? Hindi ka naman siguro bibili sa tindahan na sasabihin mo, "ate pabili po ng kendi to the square root of 49, (x-y)²". Teh naman! Kahibangan ng mga philosophers talaga special mention si Protagoras! Kung nabubuhay lang yan kinurot ko na siguro siya sa singit. Jusko!
KAMU SEDANG MEMBACA
It Started With a Quiz
Fiksi RemajaHindi mo talaga maiiwasan na may hindi ka kaiinisang tao sa buhay mo. Hindi mo man alam ang dahilan pero sadyang ayaw mo lang talaga sa tao na yun. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, na yung taong kinaiinisan mo, makakasalamuha't makakasama mo pa...
