Chapter 12

2.9K 174 16
                                        

Krissanta's POV

"Hmm.. S-sino ba yun?"

Naalimpungatan ako sa bulahaw ng isang lalaki sa labas.

"Waaaaah! Ano ba yan anong oras na nagwawala pa?" Napakamot ako ng ulo at napatingin sa orasan. Jusmeyo, 11:35 pm na!

Sino ba 'tong naghuhurmentado na 'to. Ay nagwawala lang pala.

Kinusot ko muna ang mata ko tsaka ako tumayo. Medyo hilo ako at pagewang gewang pa maglakad tsaka kasi nasa kalagitnaan na ang diwa ko na hahalikan na ako ni Lee Min Ho sa panaginip. Peste. Hindi tuloy natuloy. Kahit man lang sa panaginip mahalikan ako ni Lee Min Ho pero dahil sa lalaking 'to nawala ang lahat. Kainis.

Affected much?

Hinawi ko ng kaunti ang kurtina para matanaw ko kung sino 'tong nilalang na sumira sa panaginip ko.

Hindi ko matanaw gaano kasi nakatayo siya sa tapat ng gate namin. Aba! Bakit nasa tapat ng gate namin 'to? Sigurado ako na lalaki ito dahil natatanaw ko yung style ng mga lalaki na tayo tayo ang buhok. Ano ba tawag dun? Butiki damage prone area style? Charing lang! Tsaka nakaleather jacket pa. Hindi kaya may pinagkakautangan sila Mommy? Pero imposible naman na patulan nila ang 5-6 no!



Sino ba 'to?



"Papasukin n-niyo k-ko!!" Sigaw nung lalaki. Aba't asan ba sila manang? Ay shet. Day off nila. Si daddy naman nasa Hongkong may inaasikaso sa business ng family namin. Si mommy nasan? Lumabas muna ako ng kwarto ko para macheck si Mommy kung nakauwi na.

Kinatok ko muna ang pintuan ng kwarto nila Mommy. Hay jusko. Dapat tulog pa ako eh! Kainis.

*tok tok tok*

Aba ba't walang sumasagot?

*tok tok tok*

"Mommy!!"

Binuksan ko na ang pinto.

Bakit wala pa si Mommy? Ako lang pala nandito? Creepy. Nakagat ko yung daliri ko sa takot.

"Heeeeelllloooo.. Papasukin niyo ako!!"

Patuloy niyang pagsigaw. Naparoll eyes ako.

Bumaba na ako nang padabog. Nakakainis anong oras na kasi. Nagdalawang isip pa akong pagbuksan dahil baka sindikato 'to. Baka ibenta ako o kaya naman kunin ang lamang loob ko? Para akong ninja tuloy kumilos. Nagdala ako ng tambo para in case na rapist o kung ano pa man may pang laban akong sandata man lang.

No choice. Gusto ko matulog. Lumabas na ako ng pinto para matahimik na 'to. Pero bago ko buksan yung gate, sinilip ko muna sa pagitan ng bakal na gate namin kung tao ba siya o alien. Confirmed! Lalaki nga siya. Matangos ilong. Mapula ang labi. Mukha namang hindi sindikato o di kaya naman nangunguha ng lamang loob-sira ka talaga, Krissanta. Kung ano ano iniisip mo.

"Ehem ehem ano kailangan mo?"Sigaw ko sa pagitan ng bakal namin. Nagboses lalaki ako ng kaunti para di delikado. Sana umeffect.

"I-i-hik..i-ikaw."Sinisinok sinok niya pang sabi.

"Ako? Wala naman akong pinagkakautangan ah. Wala naman akong atraso sa tao."
Sagot ko naman. Tanging labi niya lang ang nakikita ko sa pagitan ng bakal naming gate. Medyo may katangkaran nga itong nilalang na ito.

"M-may atraso ka *hik* sakin. *hik*"

Ang pagkakaalam ko talaga wala akong atraso. Anong pinuputok ng buchi nito? Inilugar ko ng maigi sa parte ng pagitan ang mga mata ko para maaninag ko ng lubusan kung sino ito. Ikinagulat ko naman na isinandal niya ang kanyang mukha sa butas. Bigla akong napaatras.

It Started With a QuizWhere stories live. Discover now