Chapter 9

4.7K 271 23
                                    

Krissanta's POV

Umagang umaga nasira na kaagad ang araw ko. Paano ba naman kasi, etong lalaking 'to kung makapagtopless akala mo naman nasa bahay niya siya. Akala mo naman kung sinong macho—joke lang!

Pero walang biro yung abs niya parang pwede na siguro ipantapat sa mga hunk na model sa Cosmo Bash o di kaya naman sa The Naked Truth.

Pero naiinis ako sa ginawa niya, lapitan ba naman ako na halos 3.5 centimeters nalang ang layo namin sa isa't isa. Paano nalang kung ma-issue pa ako dito sa bahay na kami pala nung tukmol na yun? For sure magugulat at matutuwa si mommy. Bakit magugulat? Alam niya naman kasi na galit na galit ako sa mga boys. Matutuwa naman dahil sasabihin nun sakin na dalaga na ako. Bakit kailangan ba ng lalaki sa buhay para mapatunayan lang na dalaga ka na? Napakamot nalang tuloy ako sa ulo ko.

Pero mahirap talagang ilabas kapag malaki eh. Ooops.

Mali iniisip niyo!

Ang hirap kasi umire. Kanina pa ako nakasalampak dito. Natitibe kasi ako kanina pero feeling ko nahihiyang lumabas lang 'to eh.

Inhale.

Exhale.

Yun ang sabi ni mommy kapag nahihirapan pumupu. Nastress din yata kay Jethro na yun.

Isa pang try. Concentrate.

Inhale.

Exhaaa-

Eexhale na ako ng bigla namang umangat yung pinto.

"WAAAAAAAAAAAAAAAH!" sabay kaming tumili. Halos kulang nalang na tumalon ako sa pagkakaupo ko sa inidoro sa pagkakagulantang.

"Mam, sorry po wala po akong nakita. Pasensya na po. Mam sorry po talaga mam." Paulit ulit na sorry nalang ang sinabi ng isa sa mga bagong yaya namin habang sinara na kaagad ang pinto.

Gulat na gulat pa din ako sa pangyayari. Heto yung mata ko dilat na dilat na, para bang yung mata nung mga pumapatay sa movie na The Healing. Gising na gising na ang buong diwa ko sa kahihiyan.

Pinagpawisan ako dun ah. Akala ko kung sino! Buti nalang at babae yun. Bakit ba naman kasi hindi ko nai-lock? Kaya nga ginawa ang lock, Krissanta para gamitin eh hays.

Naka-exhale na din at kasabay ng pag-exhale ay lumabas na rin ang pupu ko. Heaven.

Nakatapos na akong maligo. Paglabas ko ng banyo nakasalubong ko ang bagong yaya namin. Nagkaiwasan kami ng tinginan ang awkward kasi nung kanina, kahihiyan din no!

Medyo napahiya talaga ako dun. Makapag-ayos na nga lang pero pwede ba pati buhay ko ayusin? Tumapat ako sa aking malaking salamin sa kwarto at nagblower na ako ng buhok. Ayos ayos lang ng kaunti. Well groomed na ang lola niyo. Ang sabi sakin ni OA mas maganda ako ng simple lang.

Bumaba na ako para kumain, wow andun na kagad si Mommy at well..sino pa ba si Daddy. Ano ba naman magagawa ko? Pero, infairness ang sweet nila. Ayun sila nagkukulitan na akala mo mga binata't dalaga.

Ang tatag talaga ng Mommy ko despite all the bad things na ginawa ni Daddy sa kaniya, ayun mahal pa rin niya. Kaya idol ko siya eh, sobrang tapang at sobrang matatag.

"Ehem." Umubo ako para mapansin naman nila ako. Mamaya pag masyado silang natuwa, mawala na lang sila sa sarili nila at baka masundan pa ako.

"Ayy. Good morning, baby." Napansin na rin ako ni Mommy. Sinalubong niya ako ng matamis na ngiti at masiglang pagbati, tumugon naman ako ng ngiti nalang sa kanya. "Good morning anak." Bigla naman sambit ni Daddy. Kunwari wala akong narinig at umupo nalang ako.

It Started With a QuizTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon