Chapter 7

4.5K 248 21
                                        

Jethro's POV

Malapit na kaibigan ng parents ko yung family nila Krissanta-Small world. Pero ang hindi ko talaga maintindihan, kailangan ba talaga akong tumira sa ibang bahay habang wala sila? Hindi ba mukhang katiwatiwala mukha ko? Damn it.

Naisip ko rin, habang nandito ako napakalaking advantage para mapalapit ako sa babaeng pinapangarap ko noon pa.

Umupo na ako agad sa tabi nila Mommy at Daddy. Nakatayong naiwang nakanganga si Krissanta. Dahil ba dahil sa kagwapuhan ko? Sanay na ako sa ganyan. Palagi namang may natutula sa akin minsan nga literal na may naglalaway pag dumadaan ako.

"Good evening. It's a pleasure to meet you po." bati ko sa kanilang lahat. Napahinto ang tingin ko kay Krissanta na kulang nalang na matunaw ako sa nanlilisik niyang mata.

"Ma, inaantok na ako bye. Thank you po at napadpad po kayo dito Mr. and Mrs Anderson." Biglang nagpaalam naman siya sa lahat. Hindi man lang nasagi ang mga mata niya sa direksyon ko nung nagpapaalam siya sabay umakyat na sa taas.

"Do you know my daughter?" sabi ni Mrs. Peralta na halos bata bata pa ang mukha, una momg mapapansin sa kanya ang brown niyang mga mata at may magandang pangangatawan pa rin. Hindi na ako magtataka pa kung bakit maganda si Krissanta.

"Opo. We go to the same school, kaya hindi naman po imposible na hindi ko siya makita o makilala. Kilala rin po kasi siya na isa sa mga outstanding students sa school." masiglang sagot ko naman. Nagpapalakas lang ako sa mommy at daddy niya. Pero hindi ko lang masabi na ang anak nila ay kilala rin sa pagiging monster dahil sa sobrang taray at sungit pagdating sa mga lalaki. Hindi ko talaga alam bakit ganun nalang siya.

"Wow! Buti pa ang anak niyo tiyak na laging pasado sa exams!" sambit naman ni mommy na halatang may panglalait sa akin. Yan ang nanay ko, wala na ngang tiwala sa akin lalaitin pa ako.

"Balita ko MVP naman ang anak mo kumare." sabi naman ni Mrs. Anderson.

Buti naman kahit papaano may naging proud sakin at nalaman pa yun. Pero pano nalaman ng Mommy ni Krissanta? Kinuwento niya kaya? Nakakatuwa naman kung ganun. Akala ko ba galit siya sakin?

"Oo mare. Papaano mo nalaman yan?" Woooh! Thankyou mommy at naitanong mo.

"Naku mare, tinitiyak kasi namin kung ano na ang nagaganap sa school ni Krissanta. Hindi kasi pala kwento yun. Kailangan pa namin ng spy para malaman ang bawat nagaganap sa school nila." sagot ng mommy ni Krissanta kay Mommy.

It Started With a QuizOù les histoires vivent. Découvrez maintenant