Krissanta's POV
Nakakagulat naman yung tumawag sakin. I love you daw? Well, neknek niya. Kapag nalaman ko lang na may nantitrip sakin babasagin ko egg niya. Or baka wrong number lang talaga? Pero hindi eh, imposible! Bakit antagal niya sumagot diba?
Pero isa pa sa mga bakit-Bakit naman kaya ang tagal ni Manong Erning? Napatingin ako sa relo ko.
"Mag 5:15 na wala pa rin? Traffic ba? Matawagan na nga." Mabuti nalang may load pa ako dito para matawagan si mang Erning kundi prusisyon ako pauwi.
*kriiiiiiiing kriiiiiing kriiiing*
*kriiiiiiiinggggg kriiiiingggg*
*the number you have dialled is either unattended or out of coverage area.. please try again later*
"Hala! Bakit hindi sumasagot? Ayokong gabihin baka mapagtripan na naman ako." Medyo natataranta na ako dahil mag-gagabi na.
Naghintay pa ako ng ilang minuto pero wala pa rin dumating. Kaya naman nag-iwan nalang ako ng text message sa kanila na magcocommute na lang ako.
Medyo malapit lapit din lang naman ang mall dito sa school. Mga apat na kanto lang din naman ang layo nun dito. Sa huli, napagpasyahan ko nalang na maglakad kesa magcommute. Exercise din ito.
Nagsimula na akong maglakad. Marami parin akong nakasabay na pauwi. Labasan kasi ng Class C kaya dumami ang estudyante papauwi. Malayo palang tanaw ko na ang mga babaeng nakaabang sa gate. Kaya naman pala, dahil uwian na rin ng ilan miyembro ng A5.
Kung hindi ako nagkakamali sila Gelo, Axe, at Chie ng Class C na sinabi sakin ni Orella.
Napakafeelingero talaga nitong mga 'to. Akala mo superstar sila kung maglakad. Bakit ba pinagaaksayahan ng oras 'tong mga 'to?
Dirediretso na rin akong lumabas ng gate kahit na kamuntik na ako matabunan ng mga "fans" ng A5.
Habang naglalakad inilabas ko ang earphones ko para naman kahit wala akong kasama, hindi ako makakaramdam ng inip. Namiss ko rin ang maglakad ng mag-isa, yung pakiramdam na malaya ka.
Tulad nung elementary ako. Walang nagbabalak sumabay ni isa sakin dahil sa sobrang malayo ako sa mga taong hindi ko kilala ng lubusan. Minsan nga sinasabi nila na pinaglihi daw ako sa sama ng loob dahil sa katangian kong 'to.
Patawid na ako ng kalsada at dahil may nakapasak na earphones sa magkabilang tenga ko, hindi ko namalayan na may paparating palang sasakyan sa direksyon ko.
Napakabilis ng pangyayari. Napaupo nalang ako't di makakilos ngunit pagmulat ko ng magkabila kong mata may nakayapos sakin. Tila ba iniligtas ako sa kapahamakan.
Awa ng Diyos malakas ang preno ng kotse na muntik ng makasagasa sa akin, correction amin. Kumalas na sa pagkakayakap ang lalaki at tumayo. Naiwan naman akong nakatulala at lutang pa sa mga pangyayari. Tinayo naman ako kaagad ng lalaki at hindi ko inaasahan na niyakap niya ako ng mahigpit.
Ilang segundo lang din, kumalas na ito sa pagkakayakap sakin at hinarap ang driver na kamuntik nang makabunggo sakin. Nakayuko lang ako't nanginginig sa takot. Lumapit sakin ang driver at humihingi ng kapatawaran sa nangyari ngunit tulala pa rin ako ni hindi ko man lang maibuka ang bibig ko upang makapagsalita.
"Dude! Hindi ba uso sa iyo ang tumingin sa stoplight? Use your damn f*cking eyes! Muntik mo nang mabangga ang girlfriend ko!"
YOU ARE READING
It Started With a Quiz
Teen FictionHindi mo talaga maiiwasan na may hindi ka kaiinisang tao sa buhay mo. Hindi mo man alam ang dahilan pero sadyang ayaw mo lang talaga sa tao na yun. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, na yung taong kinaiinisan mo, makakasalamuha't makakasama mo pa...
