Chapter 8

4.3K 208 13
                                        

YUMI'S POV

It's been a month since we broke up. Its as if there's something missing. I feel incomplete- I really miss him.

Ang hirap palang sanayin ang sarili na wala na yung taong palaging nandiyan para sayo.

Nakakatamad palang gumising ng umaga na wala nang nagtetext o tatawag para lang gisingin ka at sabihin na kumain ka na.

Yung tanghalian mo na hindi nakakaganang kumain kung hindi siya ang kasabay mo sa cafeteria. Uwian na nakakapanibago dahil wala na yung taong palaging bumubungad sayo sa labasan ng school niyo at handang maghintay sayo para lang ihatid ka pauwi at matiyak na ligtas ka.

Hindi nabubuo ang araw mo dahil hindi mo na naririnig pa ang boses niya tuwing gabi para masabihan lang na matulog ka na at ipapaalala sayo na mahal ka niya, ikaw lang at wala siyang iba- Ngayon ko lang naramdaman na mahirap palang mawalay sa taong pinakamamahal mo. Masakit pala talaga.

Sadyang ganun yata ang tadhana.

5:45 AM, namulat na kaagad ang aking mga mata. Masyado yata akong maaga pa para kumilos. Hinalukay ko ang ibabaw ng side table ko, para tignan kung ano ang activity mamaya. Nasabi kasi sakin na may practice kami na mga cheerleaders, ako pa naman ang captain nila. Sa pagkarami rami nang bumagsak na mga kaek-ekan ko sa table ko, ayun, nakuha ko rin sa wakas ang cellphone ko. Nakakatamad pa kasing bumangod kaya kinapa kapa ko nalang.

Pagbukas ko ng cellphone ko, bumungad sa akin ang petsang October 24 sa screen,napahinto ako at nanigas na parang yelo—Araw pala namin ngayon, araw din kung kailan niya ako niligawan, araw din kung kailan niya ako iniwan. Today is supposed to be our 10th monthsary but a month ago today we broke up.

Unti unti na naman nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga namumuong tubig na handa nang pumatak anumang oras na gumalaw ako. Naalala ko na naman ang lahat. Ang mga bagay na dapat isantabi at dapat limutin na.

Gusto ko na siyang kalimutan. Yun na rin naman ang gustong mangyari ng mga kaibigan ko. Alam kasi nila na hindi naman ako sasaya na sa kaniya, alam rin nila kung ano ang mga nagawa ko at kung ano ang mga nasakripisyo ko para lang sa lalaking yun. Alam rin nila na kahit kailan hindi naman ako nagawang mahalin nun. Siguro sa siyam na buwan naming pagsasama, hindi lang siguro ako ang sinasabihan ng mga salitang I love you, I miss you, Good morning at kung anu-ano pang kasinungalingan na sinabi niya noong kami pa.

Ramdam na rin ng mga kaibigan ko kasi kung gaano ako naghihirap ngayon para lang kalimutin siya. Yung tipong kausap nila ako pero yung isip ko lumilipad o di kaya naman marinig lang ang pangalan niya, may pumapatak na kaagad na mga luha sa mata ko-yung tipong parang automatic na siyang luluha.

Mga bagay na ngayon ko lang naranas. Marami na akong naging boyfriend pero ngayon lang ako halos nabaliw ng ganto dahil lang sa breakup. Baka sakanya lang talaga ako napamahal ng ganto?

Bakit ba sa dinami daming lalaking naghahabol sa akin, sa manloloko pa ako natapat at nahulog ng husto?

Tumayo na ako at humarap sa salamin.

Pinunasan ko ang mga luha na pumapatak sa pisngi ko.

Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko na mahina. Walang mangyayari kung magkukulong lang ako dito at mag-i-iiyak sa isang lalaki na niloko lang ako. Hindi ako papayag na sumaya siya samantalang ako, heto nagluluksa pa rin sa paghihiwalay namin. Kilala ako na matapang at palaban na babae, yung tipong hindi ka susukuan nalang basta basta alam ng lahat na lahat ng gusto ko nakukuha ko. Kung hindi ko man ito makuha, hinding hindi ako makakapayag na mawala nalang ito basta sa akin, titiyakin kong makukuha ko ito......ng sapilitan.

It Started With a QuizWhere stories live. Discover now